sa ikalawang pagkakataon ay mamamaalam ako.
Tuesday, September 23, 2008
paalam blogspot...
sa ikalawang pagkakataon ay mamamaalam ako.
Monday, September 22, 2008
isang pakikidalamhati, at pasasalamat.
Nararamdaman ko ang kalungkutan na iyong nararanasan. Bagamat nasasabi nating mas mabuti na din ito para sa kaniya anupat nakatakas na siya sa gapos ng sakit at paghihirap, ay alam kong tunay na lahat tayo'y mangungulila sa kaniyang pagkawala.
Kay tatay Jerry - salamat po sa mahusay na pagpapalaki sa kaibigan kong si Jerilee. Natitiyak kong masaya kang umalis baon ang kaisipang nasa mabuting landas ang iyong anak at ang aming kaibigan.
Hindi ko din naiwasang salamining muli ang aking sarili matapos ang pag-uusap namin ni Jeri sa telepono. Maaring hindi ko nga ganap na maiintindihan ang hinagpis na hinaharap ng gaya niya, ngunit nauunawaan ko naman ang pait ng pagkawala ng isang AMA.
LUMAKI AKONG WALANG AMA. Anim na buwan pa lamang ako ng maulila ako sa isang ama; hindi ko naranasan ang kaniyang presensiya na sana'y katuwang ng aking mahal na ina sa paggabay sa aking paglaki, kasama ng nag-iisa kong kapatid.
Natatandaan ko pa na noong ako'y grade 1 pa lamang (at dahil hindi ako dumaan sa nursery o kindergarten, iyon ang masasabing una kong pagharap sa mundo ng nag-iisa), pinapatayo sa harap ng klase ang lahat ng mag-aaral upang magpakilala at magbigay ng mensahe sa kani-kanilang magulang. Nang ako na ang magsasalita, ang nasabi ko lamang ay "Mama, mahal na mahal ko po kayo... at Papa, sana nakilala po kita..."
Hindi ako nagpapaka-emo ng sabihin ko iyon, pero iyon ang tunay na nadama ko matapos marinig ang mga naunang nagbigay ng mensahe. Dumating din sa panahon ng buhay ko na tuwing papagawain kami ng project tungkol sa Father's Day, nagtatanong ako sa aking guro kung maari bang huwag na lamang ako magsumite ng project, anupat wala din lamang akong pagbibigyan nito. At tuwing taon nga, kinatatakutan ko ng dumating ang Father's day dahil sa ganitong kadahilanan, anupat ang mga guro ko noon ay pinipilit akong gumawa ng greeting card para sa isang ama.
Natigil lamang ito noong ako'y nasa ikalimang grado na. Natigil ito ng dahil sa halip na greeting card ang aking isumite ay isang sanaysay (na maaaring ang pinakaunang literatura na aking kinatha bilang isang manunulat) ang aking ginawa, na pinamagatan kong "A letter to the Father I never knew".
Sa nasabing sanaysay ay naipahayag ko ang aking tunay na damdamin tungkol sa aking ama. Doo'y sinabi ko kung gaano kalaki ang epekto ng isang ama sa kabuuan ng isang kabataan, ipinahayag ko ang mga masasayang bagay na dapat sana'y nararanasan ko noon. Ngunit sa huling bahagi'y pinasalamat ko pa rin ang aking ama dahil ang kawalan niya'y nagpatibay sa aking higit upang matutunang tanggapin ang mga bagay na wala tayong magagawa o kontrol.
...At higit kong natutunang pahalagaan ang aking ina at nag-iisang kapatid. Iba ang nakikita sa nasasaksihan : bagamat lahat ng tao'y nakikita ang pagsusumikap ng iba sa pag-aaruga't pagpapalaki sa atin, ako nama'y nasaksihan ang mga ito. Nasaksihan ko ang sakripisyo't pagpupuyat ng aking ina maitaguyod lamang ako at ang aking kapatid.
Sa aking ama na hindi ko nakilala, salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong lumaki at mabuhay sa mundong ito. Ikaw ang taong minahal ko kahit hindi ko man lamang nakikilala.
Salamat pong muli.
Burnham Prank Teaser
or watch this video in youtube : http://www.youtube.com/watch?v=5YeC5n2jVek
syempre pa, teaser lang ito. hintayin ang full length video mula kay GP.
enjoy!
Monday, September 8, 2008
sa 'yo, the horizontally intestined*
at 'kaw daw ay isang fat, ugly monster,
kutis mo'y black dahil you treasure your libag,
hiningang you'd rather smell your own kabag...
pero I think that an ogre, you are not,
lovable si shrek and (eherm) you're not!
matangkad si shrek and well, nasa'n ka nga?
may nagmamahal kay shrek and ...sino ka nga?
wala namang problem if your face is disgusting,
pero ugali mo pala'y bonggang abhorring;
d'you grew up bullied kaya now bawi ka?
how's your childhood naman, namolestiya ka ba?
I've no idea kung anong atraso namin sayo,
they said dahil ba insecured ka't di guwapo?
if you want suntukan, aba namiss ko 'yan!
since you wanna be noticed, hamunin mo ko sa daan!
and don't ever takot me with authority
i am mabait, yes, at marami na ang nagsabi;
pero what you've done is talagang just too much,
di mo inisip na we're way above your match.
now if you're reading this and ika'y nasaktan,
paumanhin, I never asked for your pagdaan.
*horizontally intestined - english translation of an old tagalog slang. coined word na
Wednesday, September 3, 2008
proud ako sa mga humor blogs na 'to
1. greenpinoy - ang blogger na ito na kinayang humarap sa camera ng naka brip upang patunayan na siya ang inspirasyon sa paglikha ng isang sikat na cartoon character, ang blogger na kahit si Alma Moreno ay nalinlang sa pagpapanggap na siya si Vandolph, ang blogger na kakatapos lamang ng successful first season sa project ube tv, ang blogger na nagpalaki ng samahan ng aming grupo na ngayo'y tinatawag na greenies/lashingheroes, at napakarami pang iba.
...ngunit nananatiling kahit siya'y makulit, may puso sa kapwa. Ibabalik ko ito sa iyo ngayon Jason: Mabuhay ka, ikaw ay isang Pilipinong
2. mariano - bilang tanda ng pagiging nakakatawa, pagpunta mo pa lang sa blog niya ay si joker na agad ang bubungad sa iyo (walang kwentang trivia: siya rin ang gumanap na joker sa nasabing larawan. kuha noong dekada sinkwenta). bagamat makukulit ang kaniyang mga hirit, sasakit ang bangs mo dahil maitatanong mo sa iyong sarili: "Oo nga ano" (na hindi naman pala tanong dahil wala namang kwestyon mark) dahil sa kaniyang matatalinong obserbasyon, suhestiyon sa buhay, at mabilis na pag-iisip ng mga punchline.
Sino sa atin ang bumungkal ng paso at nakaalalang batiin ang mga lupa ng "Maligayang Earth Day"?
...Si Mariano lamang. Shame on us.
3. kingdaddyrich - kailangan pa ba ng introduksiyon para sa isa sa mga kinikilalang institusyon ng blogosphere? Ang kaniyang blog ay kakikitaan mo ng kaniyang malawak na dibersidad at talento sa pagsulat : marami kang matututunang mga facts at
...JOKE lang. Hanggang 4th floor ang kapasidad niya sa pagkain ng department store.
MABUHAY KAYO, MGA PILIPINONG MAKULIT!!!
Friday, August 29, 2008
isa pang alaala ng PGH, 08.23.2008
Friday, August 22, 2008
REPOST FROM OLD BLOG : trenta pesos na alaala ng PGH
Akin itong ilalathalang muli upang kahit paano'y maging kalabit sa ating mga puso; upang tayo'y maging handa sa mga masaklap na katotohanan ng buhay na haharapin nating mga lashingheroes at greenies bukas, ika-23 ng Agosto, sa isang purgatoryo sa lupang kung tawagi'y PGH.
patawad.
itinuring ka naming
isa lamang sa karamihan
ng mga nakaratay
na katawang
humihinga ma’y
nagbibilang naman
kung ilang hibla pa ng hangin
ang kaya nilang habulin
bago tuluyang bumigay
at tanggapin
ang wakas
na itinakda na
mula ng kayo’y limutin
at ituring
na isang alaala na lamang.
patawad.
bagama’t amin nang narinig
na kulang ka na lamang
ng halagang trenta pesos
upang mapunan
ang pangangailangan mong
gamot,
ay nagpatuloy pa kami
sa iba mo pang mga kasamahan
at nangahas, sumugal,
na sila di’y matutugunan.
patawad.
sapagkat kami’y nagutom
at inuna ang kapritso
ng hangal naming sikmura,
at hindi agarang nakabalik
dala ang iyong gamot
na disin sana pala’y sinulid
na maipantatagpi
sa butas mong puso
na tinatakasan na ng hininga...
patawad.
naging mangmang kami
sa tunay mong kalagayan.
patawad,
dahil ang tangi na lamang dinatnan
ng gamot mong matagal nang hinintay, inasam
ay ang malamig mong katawan
na binalutan na ng kumot.
...ang kumot na tangi mong kasama’t
karamay
sa nabigo mong laban
na dugtungan ang buhay
na amin namang ipinagpalit
sa kalahating oras
na pagkain ng tanghalian.
* Based on a true account of a visit to PGH ward, Manila.
Wednesday, August 20, 2008
nang mapangiti ako dahil sa ikalawang anibersaryo ng EB Babes
Marahil nga'y likas sa tao ang magreminisce ng mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, lalo't masasabi mo sa sariling "huwat? 2 years na yun?"
Alam mo kung sino ka, kaya't hayaan mong kunin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ka sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Those memories further shaped my capabilities and who I am today. I'm glad we're still friends. And as agreed, I'll be there on your wedding day, and I hope you'll be there too when my time comes to walk my wedding march.
Yes, I've been over our past. If you'll ask me "Kailan pa?"
...mula ng muli kong tikman ang Java Chip Frappucino ng Starbucks.
Tuesday, August 12, 2008
tungkol sa pagkiling (of yields)
ang umaga'y sumilang
na may dalang liwanag
at kasiyahan
sa labi
ng isang nagugutom
na mortal.
why do we wake up
ang tanghali'y tumirik
...why do we tend
ang gabi'y kumalat
and why can't we just
Tuesday, August 5, 2008
to you, the unrecognized.
please waste not an ounce of worry, it won't suit me;
nor even waste your voice calling, shouting my name,
it may not reach me though, 'cause I'm gone far away.
search not for me in the woods, you won't find me there,
or dare journey the drylands, the sea or the air;
yes, you might reach me... but to turn back, ask me not,
for this quest's my will; that not even you can stop.
this ain't just a favor I'm returning to you,
this flight is for YOU, and all its little steps too,
...aimed to pick up the pieces of the smiles you've lost,
and bring them to your lips, where all joys fit the most.
Wednesday, July 30, 2008
elsewhere
like the proud sun, beaming across the earth
with its warmth soaked in euphemisms
disguising itself with its radiance,
blinding all eyes - seeing that everything's
about radiance and beautiful weekend mornings.
tell me, shall I just wait for the day to end,
though aware, I am, that there'll be no dusk?
or I should just run, sought the refuge
of shadows and its damp chill, awaiting
for me, once I give up my first quest
to find THE reasons ...elsewhere?
Saturday, July 26, 2008
kay "Tita"
hinahanap ka sa akin ng lupa,
na dati mong kapiling
sa pag-asam ng isang pahinga.
hinahanap ka sa akin ng ulan,
na dati mong kasabay
sa tuwing aagos ang iyong mga luha.
hinahanap ka sa akin ng hangin
na dati mong tagapakinig
sa mapapait mong mga hinakdal.
wala akong maisagot
sapagkat hinahanap din kita.
...PAGKAT bakante na ang bangketa
na nagsilbing iyong sanktuwaryo
sa paghahanap ng barya
at mailap na biyayang
maipantatagpi sana
sa inaagnas mong sikmura.
at hindi ko na rin batid
kung ikaw pa ba'y naririto pa
...o ang katawan mo'y
inangkin na ng lupa,
ang hininga mo'y
nilunod na ng ulan,
o ang buhay mo'y
inagaw na ng hangin.
alay kay "Tita"; 70-80 taong gulang; pulubi/cigarrette vendor.
naninirahan sa Makati; dayuhan sa sariling mundo.
Friday, July 18, 2008
isang pasasalamat sa isang simula
Pramis, tinangka kong gawing seryoso ang lathalang ito. Ngunit sa anumang kadahilanan ay hindi ko magawa - marahil ay dahil nalulunod pa rin ako sa excitement na may reunion concert ang EHeads.
jimg - sa iyong pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. ang totoo niyan ay ikaw ang naunang nagbigay ng blog tribute sa akin...
Thursday, July 17, 2008
Tuesday, July 1, 2008
ng minsang itapon ko ang isang tula
paalam,
sa isang piping sagot
para sa katanungang
hindi na matutugon.
paumanhin,
sa mga iniwang taludtod
para sa isang panaginip
na kinailangang gisingan.
pagkat mapait na ang tinta
ng aking panulat,
...at kailangan ng lumaya
ng hangin.
AT ang lahat ng ito'y kahapon na lamang
ng minsang itapon ko ang isang tula
na isinulat
sa papel
na itinatwa
ang sarili kong salita.
Friday, June 27, 2008
sari-saring iisa.
Mayro'n akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na akong naghihintay...
MINSAN, may mga bagay sa mundo na wala tayong magagawa, hindi tayo makapipili, o wala tayong kakayahang baguhin.
Isa na diyan ang "LL" - o "lablayp", ayon sa kaibigan kong itatago ko sa pangalang anthonyb.
Ngunit ito na rin marahil ang dahilan kung bakit masarap ang magmahal - hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo dahil hindi mo mapipili kung sino ang pag-aalayan mo nito. Hindi ako nagpapakamartir kung sasabihin kong ang sarap nang isipin na alam niyang mahal ko siya, kahit batid kong ang pinasok ko'y isang pangahas na pangarap. Pero siyempre, nangangarap pa rin ako na balang araw, SANA, masuklian din ito.
...sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang mangarap.
Kung ako ay iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagkat ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala ng iba...
TINANONG ako ni AIR kung bakit ko nasabing mahal ko siya, at buong katotohanan din naman na matagal ko na ring naitanong ito sa aking sarili.
At ang dahilang iyon ay naisalin ko na rin sa isang tula - mahigit isang buwan na ang nakalilipas (ikinalulungkot ko ngunit masyadong pribado para sa akin ang tulang iyon kaya't minarapat kong huwag itong ilathala dito).
Nagpaalam ako sa kaniya na kung maari'y sagutin ko ito sa pamamagitan ng tulang nabanggit, at pumayag naman siya. Kaya't bibili akong muli ng crayola, este pentel pen, upang maisalin ko itong muli sa isang tisyu - gamit ang sarili kong sulat kamay na mas illegible pa kaysa wingdings.
...sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang mag-abot ng isang tula.
Ngunit mayro'n ka ng ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo...
NOONG nakaraang linggo lamang, tinanong ako ng ex ko kung bakit daw mahigit isang taon na'y hindi pa ako ulit nagge-gelpren. Simple lamang ang sagot ko: "high tide or low tide?"
...na dyoklang. Ang tunay kong sagot ay "Dapat bang pumasok sa isang relasyon dahil lamang sa lumilipas na panahon? O dahil tiyak mong mahal mo ang isang tao at kaya mong manindigan para dito?"
At dahil alam naman niya ang tungkol kay AIR, tinanong niya kung ano na daw ang lagay ng panliligaw ko.
ex : "Kumusta naman kayo ni __? Masaya ka naman ba?"
ako : "Masaya ako. At oo, mahirap. Pero overwhelming pa din ang saya kapag kasama ko siya."
ex : "I guess it's what makes it fulfilling then. Kasi may pain..."
ako : "Oo. 'Yung tipong lagi ka nag-iisip to the point of paranoia. Pero isang ngiti lang niya, solb na ang araw mo."
ex : "Paano kung dumating ang araw na magka-bf na siya? Or sabihin niyang hanggang friends na lang kayo at wala talaga?"
ako : [NATAHIMIK]
ex: "Hahaha, ngayon lang kita nakitang ganiyan. Wow, apektado??!"
ako : [Ngumiti] "Grabe no? Kahit tanggap ko na 'yung looming possibility na 'yun, masakit pa ring marinig, kahit sa isang simpleng usapan lang."
[SANDALING KATAHIMIKAN]
ako : "Well, mahal ko e. At least, kahit may gusto siyang iba, alam ko sa sarili ko na may ginawa pa rin ako. I've tried, though hindi lang talaga ako ang worthy para sa kaniya. And magiging masaya na din ako nun eventually, may tiwala naman akong she knows what's best for her. And 'yun dapat ang lagi nating iisipin sa mahal natin sa buhay - ALL THE BESTS they deserved."
Sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang magmahal...
Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako...
...at asamin ang kanilang kaligayahan.
Friday, June 13, 2008
the unfamiliar territory.
you may have realized, while you're reading these lines,
that you're the air I breathe, the essence of my rhymes;
and though unasked for, I'm still giving you these poems,
for what sense would these serve, if truth's not to be known?
it all started with a garden I dared look,
a place of lovely blooms, from ground to every nook,
where green roses aren't rare; wild bushes you'll find none,
with soothing breeze of song: a real perfect one.
and what would I not give, just to be near and see,
those metaphors of beauty, in all simplicity?
beneath the greeny fields and ever-crystal lake,
lies a gem, a character, that nature can't remake.
and though at first I blinked, afraid that I might fall,
yet falling seems assured - I have but mortal soul;
but please don't take offense, I knew where I should stand,
if I can only stay: let fall WITHIN your ground.
Saturday, May 24, 2008
10 RANDOM THINGS ABOUT ME (tagged)
Sasagutan ko na ang 10 random things about me na hindi ninyo kailangang malaman. Of course, I'll write something new here that I haven't mentioned yet on my "short" About Me on top of this blog.
1. My feet does this weird thing of swinging like an inverse pendulum - while I'm sleeping. What's good about it? Sinasabitan ko na lang siya ng pamaypay para automatic na napapaypayan ko ang sarili ko kahit tulog.
2. I got crooked fingers!!!! except for my right pinkie (my left pinkie was injured last year while playing basketball), I can't really make my fingers "stand" straight. When I'm clasping my hands, my fingers will form a "Y" when viewed from the sides. Good thing about it: I can't easily blame, err point a finger, to someone else. nampucha naman o, seryoso.
3. I used to be a "neighborhood/school menace" of some sort. Yun lang, yoko nang ielaborate pa, what matters is - aside from anything that occupies space, has weight blah blah - NAGBAGO NA PO AKO. Hindi na ko nakikipagsuntukan, hindi na ako palapatol sa away (mind you though, I don't normally fight if it only involves me - I usually get into fistfights if it involves my friends, especially my family). Teka lang, awayin ko lang ang kapitbahay ko, trip ko lang)
4. I love chocnut!!! (gasdude, not because of HER kasi gusto ko na ng chocnut years ago pa) ...and basta nuts, ayos na. I actually could've written this in tagalog pero alam kong maraming malisyoso diyan sa meaning hehe.
5. I finished college at the age of 19. I was accelerated twice during my elementary days - but I was accidentally trapped when a nuclear factory exploded, bitten by a radioactive spider, hit by a cosmic wave, experimented upon by Weapon X... and the result? eto isang abnoy. (PB, kala mo ikaw lang? hehe)
6. Timing na din - The original Indiana Jones trilogy played a major part in my life. As a kid, I always dreamed of becoming an Archeologist, childishly thinking that it entails the same epic adventures as portrayed in the film. But growing up, I realized it actually suits me since it somehow combines History and Science - two of my fave subjects. But it turned out that the course's not offered anywhere near here, so ang ending? I enrolled in Civil Engineering dahil naman sa Math, but two weeks afterwards (dahil gusto ko talaga ng Archeology), nagswitch na lang ng Accountancy because of a childish challenge-me-then attitude before. Well salamat na din, I may not have met Her kung hindi ako Accountant hehe.
...I haven't watched ID4 yet as of writing. Wala bang manlilibre diyan?
7. I used to play drums before, but since I wanna try something new while still young, I studied guitars naman. And the first guitar I've owned? A second-hand blue RJ guitar I bought from my barkada for 600 pesoseseses. Nasaan na ang gitarang 'yun ngayon? After more than ten years na iningatan ko, nasira lang sa isang inuman/concert session sa kanto a year ago... (oh my, I really missed that guitar)
8. And with relation to number 7 above, I realized na sobrang laki pala ng epekto sa akin (Pare, as in BOG! BOG ito!) if a chick has a musical inclination of any sort... She may need not be a singer, but if she plays an instrument or two: syet pareng chie/alex/jason: MAHAL ko na siya!!!!!!!!! For the first time ulit, MAHAL KO NA SIYAAAAA!!!
9. I grew up without a father. Our father left us for good while I was only six months old. Not sure if my appearance shocked him (sabi nga, a face only a mother can love hehe) pero 'yun ang totoo. And he is one of the earliest subject that I wrote something for - I wrote an essay titled "a letter to the father I never knew" as a Father's day project back when I was in Grade 5 - though it's supposed to be a Father's day greeting card, yet I knew then that there's no sense in creating a card anyway.
...So Ayz, remember what you've learned from me, Chrone and Gasdude last 05/18: LOVE your father. You have someone in your life that Chrone and Gasdude wished they still have - and I can only dream of having.
10. I wrote this post sa isang Internet Cafe dahil four days na akong walang wifi. And yes, nakikihack lang po ako ng wifi connection - and yes again, there's this weird side of me who finds challenges if I'm able to cheat the techology thru hacking/hexxing, etc. - as long as walang naaagrabyado siyempre. I made sure that the owner/s of the wifi connections I'm using won't be charged naman for my additional access. Of course, may takot ako sa Diyos.
Saturday, May 17, 2008
unfamiliar territory
and I moved, yes I moved nearer this garden's lawn
with cottony steps heeding its naive summon;
and if the distance of nearness shall consume me,
remember this vow: for my last, this vow may be.
willingly carry me into your purity,
and let me just stand here, admiring your beauty;
if only I can call this garden as my home,
no reason there'll be, to write another sad poem.
and just when I thought I grew well brave enough,
but my heart acts otherwise, my dreams say I'm not;
and this cowardice that I never had before,
flatters me lamely - futile as a childish lore.
you are but my unfamiliar territory,
a place I've wished. and I will try, and blindly see;
...my heart will seek for you once you're not near with me,
...let it be. I'll still dream of you eternally.
Monday, May 12, 2008
HMD!!!
walang salitang makatutumbas
o makasasapat
upang maibahagi ko't
isigaw sa buong mundo
ang lahat ng iyong mga
kadakilaan...
"HUY!!! ANO YAN? DRAMA NITO!"
Naputol ang tulang sinusulat ko sa itaas dahil napadaan pala si Mama sa likod ko habang tinatapos ko ang lathalang ito. Sabi ko na nga ba, dapat tinapos ko na ito sa Makati, inuwi ko pa kasi dito sa Bulacan para tapusin. Ayan tuloy, late na ang post ko.
Nilingon ko si Mama, nakangiti siya sa likod ko. Oo, si Mama ay tunay na pilipinong makulit (sayang nga at wala siyang blog), pero obvious naman na sobrang touched siya pag naaalala siya sa mga ganitong pagkakataon.
At dahil nagulat na niya ako't naglaho na ang writing momentum ko, tumayo na lamang ako at inulit ko ang pagyakap at pagbati sa kaniya ng Happy Mother's Day. Haay, ang mama ko talaga, nanggugulat pa rin kahit hindi na bata weeee...
Ang mga ina marahil ang mga pinakahinahangaan kong tao. Larawan sila ng pagtitiyaga at sakripisyo. Natatandaan ko pa ang mga panahon na hindi natutulog si Mama kapag may sakit ang isa sa amin ni Ate. Kahit nahihirapan siya'y hindi niya inaamin sa amin, kinakaya niya ang lahat para lamang sa kapakanan naming magkapatid - at nagpapakita siya ng kalakasan at katatagan para lamang huwag naming malaman ang anumang maaaring makaapekto sa focus namin sa pag-aaral.
Hindi ko din naman masasabing lumaki akong ganap na maipagmamalaki niya. Marami akong naidulot na dalamhati sa kaniya: Pangkaraniwan na sa kaniya ang may magsumbong na magulang ng aking kaklase dahil sa mga kalokohan ko. At handedpersentsyur, ipagtatanggol niya ako sa mga magulang pero kwidaw, pag alis ng mga iyun ay ako na ang haharapin niya't pangangaralan. Oo, naranasan ko na din ang mapalo sa puwet; at natutunan kong the number of palo increases once the obvious extra padding of notebook sa puwet was discovered - malay ko bang halata pala ang notebook as palo absorber.
Mama, kahit alam kong hindi ka nagbabasa ng blog ko at mas pinili mo pang itago at ulit-ulitin ang mga sinulat ko noong bata pa ako (katwiran mo kasi'y nakakaduling magbasa sa computer), hayaan ninyong ipahayag ko sa mundo ng blogosperya ang pagmamahal ko sa iyo.
I love you so much Mama, I can never imagine where would I be now if not for all the sacrifices you've made...
Happy Mother's Day!!!
AUTHOR'S NOTE: at sa mga ina ng aking mga kaibigan - salamat sa inyo at happy mother's day din! Mabuhay kayo!
Tuesday, May 6, 2008
prelude to unfamiliar territory
and to its calming zephyrs, I paused to listen;
with sweet morning dews that hugged its earth
and lovely blooms to soothe one’s breath…
to come near's still a trespass; like a guarded lawn;
but like a drifter’s journey to the unknown
he took risks just to catch a glimpse of the horizon.
so don’t take me wrong, for I knew where to stand,
though yes, I may have wished to stay in this ground;
but it’s like dreaming of dreams without any reply,
that I’d rather be waiting for the ocean to dry…
and go, I must, for I have to leave anyway
for tomorrow’s my last to admire you and stare;
and bring with me your beauty, stored but in my mind;
and bring with me your beauty, but never this dream.
Thursday, May 1, 2008
10,000th visitor
at bilang trip lang, may pakulo ako.
kung ikaw ay bumisita sa blog na ito at napansin mong ang hit counter ay nasa 10,000 (bawal ang may decimal places); pakiscreenshot ito (bawal ang edited hehe) at ipadala sa yahoo mail ko (sbdstyler23@yahoo.com).
...ang mananalo ay tatanggap ng MAJOR price na palakpak, at MINOR price na GC worth P1,000.00 sa peborit kong restaurant na TOSH. Kung gugustuhin ay puwede din akong sumama sa kainan hehe...
(seryoso ang price bilang pasasalamat na din sa pagtangkilik sa loob ng halos dalawang buwan na eksistensiya ng blog na ito.)
SALAMUCH!!!!
last post ni Jeckyll
Isang malaking kawalan sa mundo ng blogosperya ang kamatayan ng blog ni Jeckyll ng Red Hot Silly Kamote - anupa't tunay ngang isa siyang henyo sa larangan ng pagsusulat. Ang dibersidad ng kaniyang talento at lawak ng karunungan ay masasalamin sa kaniyang mga akda, maging ito man ay may bahid ng katatawanan (o sa ating kasalukuyang slang ay tinatawag nating "kakulitan"), kalaliman, kabastusan ...at kasawian.
At dahil ang espasyong ito ay inilalaan ko kay Jeckyll, hindi ko na pahahabain pa ang pasakalye. Isang malaking karangalan ang mapiling second host ng kaniyang huling akda - na nauna nang nalathala sa sarili niyang blog - ilang minuto bago ang pagkawala nito. Mabuhay ka pareng Jeck! Hihintayin namin ang iyong pagbabalik!!
...Naririto na ang huling akda ng RHK, at ang kadahilanan ng kamatayan nito:
ONE LAST POST
Sinindihan ko ang natitirang sigarilyo sa aking dalang pakete. Huli na ‘to, ang nasabi ko sa aking sarili. Habang patuloy na nagbabantay sa mga taong dumadaan sa labas ng coffee shop na tinatambayan ko. Magtatatlong oras na rin akong naghihintay. Hindi pa rin sya nagbago. Late pa rin.
Naisip kong hindi na siguro sya darating, nagbago na siguro ang plano niya. Malamang hindi sya pinayagan o kaya may iba pa syang mas mahalagang bagay na gagawin. Nagpasya na akong umalis na lang. Palabas na sana ako ng pinto nang biglang tumambad sa aking harapan ang mukhang hindi ko pa rin nakakalimutan. Muntik ko na syang mabangga sa sobrang pagmamadali niya. Mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas. Nagulat ako dahil hindi ko na inasahang darating pa siya. Hindi pa rin siya nagbabago. Maganda pa rin – kahit late.
“Kumusta ka na?” sabi ko habang nasa manibela ang mga kamay at nakatutok ang mata sa daan.
“Okey lang” ang sagot nya na hindi man lang din tumitingin sa akin.
“Saan ba tayo pupunta?”
“Sa dati. Sa dating nating tambayan nung highschool pa tayo.”
“Ang cheap mo naman, de kotse ka na pero ang jologs mo pa rin.”
“Hindi naman lahat ng naka-kotse eh sosyal. Isa pa, marami akong dahilan kung bakit dun ko tayo gustong pumunta at mag-usap.”
Marami akong dahilan. Kung sasabihin ko man sa kanya lahat, kulang din ang ilang oras na pagkikita namin. Ang totoo nyan, gusto ko lang siyang makita at makausap. Kaya nga nung natanggap ko ang paanyaya niya na magkita kami ay hindi ko na siya tinanggihan. Maraming taon na rin naman ang nakalipas matapos mangyari ang lahat.
“Kumusta na nga pala ang baby mo? Ilang taon na nga pala siya?”
“Four years old. Mabuti naman. Ayun, napaka-kulit at maarteng bata.”
“Nagmana sa iyo.”
“Hindi ah.”
Nakarating kami sa lugar na tinutukoy ko. Kahit pa sinasabi ng iba ng baduy ang lugar na ‘to, masaya ako kapag nakakakita ako ng dagat. Dito ko nararamdaman ang kalayaan lalo na kapag natatanaw ko sa malayo ang pagtatagpo ng langit at dagat. Dito namin binuo aming mga pangarap. Dito sa lugar na ‘to ko syang unang nakitang umiyak. Noon ko lang din nalaman na naiyak siya dahil nasabihan ko siyang ‘chubby.’ Simula n’un naging maingat ako sa pagbigkas ng salitang ‘yun.
Naupo kami sa upuan na madalas din naming inuupuan noon. Natatandaan ko pa, isang beses hindi kami umuwi. Magdamag kaming magkasama dito, nagkwentuhan lang kami magdamag tungkol sa maraming bagay. Sa problema niya sa kanyang pamilya, sa eskwela at marami pang iba. Pinilit kong alalayan siya sa lahat ng pagsubok na nararanasan niya. Hindi ko na siya nagawang iwan dahil alam ko sa sarili kong hindi ko rin kaya kapag wala siya. Nung sumapit ang alas dos ng madaling araw, naihi kami pareho, naghanap kami ng C.R. pero wala kaming makita hanggang sa makaabot kami sa Pedro Gil. Naki-CR kami sa isang bukas na fast food chain. Pagkabalik namin lugar na ‘to, nakita namin na may portalet pala sa may bandang kaliwa ng kinauupan namin.
Iniabot ko sa kanya ang softdrink in can at ilang chichiryang paborito niya. Magkasabay kaming kumain na nakatanaw sa dalampasigan. Natutuwa ako dahil hindi siya nagreklamo kahit ganun lang ang pinagsasaluhan namin. Naisip ko kasing pareho na kaming may trabaho ngayon at kung tutuusin kaya na naming umorder at kumain sa mamahaling restaurant sa Maynila. Ngunit ngayon, masaya kaming magkasama habang tangan ang kasimplehan ng aming kabataan. Ganito yung gusto ko, ‘yung simple lang pero masaya.
“Kumusta ka na nga pala? Balitaan mo naman ako sa mga nangyari sa buhay mo” wika niya habang ngumunguya ng mister chips.
“Ako? Wala namang masyadong nangyari sa akin. Nung makahanap ako ng ibang trabaho n’un, nagkaroon ako ng scholarship kaya nakapag-aral ako ng masteral. Ayun, tuloy-tuloy na ‘yung swerte.”
“At nag-abroad ka pagkatapos n’un?”
“Oo. Alam mo namang matagal ko nang gustong gawin ‘yun. Pag nandito ka sa Pinas, hindi ka talaga uunlad. Walang mangyayari dito sa buhay mo… teka, balita ko nag-work ka rin abroad, di ba?”
“Oo, pero saglit lang ako dun. Mas gusto ko pa ring magtrabaho dito. Isa pa, ‘di ko rin magawang iwan ang anak ko.”
Napatingin ako sa malayo pagkatapos niyang masambit ang huling dalawang salitang binitiwan niya. Kung kanina, interesado akong makibalita sa anak niya, ngayon, nagising ako sa katotohanan na hindi na kami gaya ng dati. Hindi na kami mga estudyanteng maliit ang mundo at wala pang responsibilidad sa buhay. Kami na ngayon ay bahagi ng kasalukuyan na alipin ng aming pagkakamali at pagkatuto. Kailangan na naming harapin ang bunga ng aming pagkakamali. Hindi na kami tulad ng dati.
“Kumusta na nga pala ang asawa mo?” marahan kong pagtatanong para basagin ang aming katahimikan.
“Matagal na kaming wala. Hindi rin naman niya ako pinakasalan eh kaya wala ring saysay kung magsasama kami.”
Tinanong ko siya kahit alam ko naman ang isasagot niya. Hindi naman ako makikipagkita sa kanya kung alam kong may asawa siya, noon pa man, iwas na ako sa mga babaeng may minamahal nang iba.
Nakilala ko siya nung nasa nasa fourth year highschool pa lang kami. Transferee siya noon. Naaalala ko pa, madaming lalaki ang nakabungad sa pintuan ng classroom namin. Pagpasok ko ng classroom ay nakita ko ang pinakamagandang anghel sa balat ng lupa. At dahil bago siya ay ipinakilala siya sa akin ng isa kong kamag-aral. Iniabot niya nang banayad ang makinis niyang kamay, hindi ko inabot at ngumiti lang ako sa kanya. Noon pa man, alam kong higit pa sa pagiging magkaibigan ang magiging turingan namin sa isa’t-isa.
Hindi naglaon, gumradweyt kami at iniwan ang buhay highschool. Nagkahiwalay kami ng kolehiyong pinapasukan. At dahil dun naging madalang ang aming pagkikita. Sinulit namin ang bawat oras na magkasama kami para lamang magkaroon ng buhay ang pagsasama namin. Ngunit mas marami pa rin ang agwat ng hindi namin pagkikita sa mga oras na nagkakasama kami. Sa kabila ng kalungkutan ko at pag-iisa, nakilala ko ang Diyos sa tulong ng isa kong schoolmate. Sinubukan kong mag-aral ng salita ng Diyos upang labanan ang buhay at hanapin ang sagot sa aking kalungkutan. Hindi ko rin alam kung bakit biglaan ang aking desisyon na magpabinyag sa ibang simbahan, huli na rin nang malaman kong bawal sa simbahan na ‘yun ang magkaroon ng karelasyon sa hindi kaanib ng pananampalataya. Binitawan ko ang pagmamahal niya – alang-alang sa kaligtasan. Inisip ko na isang araw, babalikan ko siya at aakayin din sa aming paniniwala. Upang sa gayon ay magkasama na kami, hindi lang sa mundong ito kundi pati na rin sa buhay na walang hanggan. Nagtiwala ako sa Panginoon.
Isang tawag sa cellphone ang natanggap ko nang minsang nakaupo ako sa field ng aming Unibersidad. Nagulat ako sa narinig kong boses. Ang boses ng isang babaeng hindi ko pa rin nakakalimutan. Nasorpresa niya ako. Hindi ko inaasahang malalaman pa niya ang number ko at tatawag siya nang biglaan. Nakangiti akong parang tanga habang kinakusap ko ang babaeng unang nagpatibok ng aking puso.
“Hello?”
“Jec, kumusta?”
“Eto, gwapo pa rin. Ikaw? Nasan ka ngayon?”
“May sasabihin lang ako.”
“Pwede ba tayong magkita? Libre ka ba sa Sabado?”
“May sasabihin lang ako, Jec.”
“Ano ‘yun?”
“Ikakasal na ako.”
“Ha? Nagbibiro ka ba?”
“Hindi.”
“Bakit mo sinasabi sa akin ‘yan?”
“Gusto ko lang malaman mo.”
“Para saan?”
“Para malaman mo.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Nasa sa iyo na ‘yun kung hindi ka maniniwala. Basta gusto kong ipaalam sa iyo.”
“Tumawag ka lang para sabihin na ikakasal ka na? Ayos ka ah.”
“Sorry. Bye.”
“Hindi ako naniniwala.”
Naputol ang aming usapan. Pinunasan ko ang aking luha na hindi ko napansing tumulo na pala. Hindi ako naniwala sa kanya. Hindi ako naniwala hanggang sa mga huling sandaling nakakita ako ng pruwebang ikinasal na siya.
Paubos na ang chichiryang kinakain niya nang lumapit siya ng bahagya sa akin. Sumandal siya aking balikat. Mula sa aking pagtanaw sa dagat, naaamoy ko ang bango ng kanyang buhok, nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso, ang buga ng hangin sa kanyang paghinga, at ang mainit na luhang dumadaloy sa kanyang mga pisngi patuloy sa aking balikat. Alam ko na sa isipan at puso niya, inaasam din niyang ibalik ang kahapon. Ang mga pangarap na nilikha namin kasama ng mga araw na nagdaan. Kaya siya ngayon lumuluha.
Paano nga ba ipapaliwanag ang pag-ibig na nagkaroon ng wakas? Ang pag-ibig na kagaya nito ay katulad ng isang bumbilyang minsang nagbigay ilaw sa madilim na kwarto. Sa unang pagsindi, puno ng liwanag at masayang nagbibigay ng tanglaw sa damdaming nag-iisa. Subalit kalaunan, sa patuloy na pagpatay-sindi at pagpihit ng bumbilya, napupundi ito at hindi na muling iilaw pa. Tulad ng damdaming napapagod sa tuloy-tuloy na hindi pagkakaunawaan at madalas na alitan; napupundi rin at namamatay. Sa huli, magpapasya kang palitan na lang ang sirang bumbilya at hahanap ulit ng bago. Ngunit ang mga alaalang nabuo mo kasama ng sirang bumbilya ay mananatili pa rin. Hindi maglalaho.
“Hindi na natin maaaring ibalik pa ang kahapon” wika ko sa kanya habang pinupunasan ko ang kanyang mga luha.
“Hindi na ba talaga pwede?”
“Marami nang nagbago. Kahit pilitin natin, hindi na rin gaya ng dati kung magsisimula ulit tayo.”
“Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Kaya ako tumawag sa iyo noon bago ako ikasal dahil nagbakasakali akong pipigilan mo ako.”
“Hindi ako naniwala noon. Hindi ako makapaniwalang basta ka na lang magpapakasal nang ganun. Nagtiwala ako sa pagmamahalan natin.”
“Pero ikaw ang naunang nang-iwan.”
“Kahit kailan, hindi ka nawala sa puso ko. May pangako akong binitiwan sa Diyos. Alam mo ‘yun. Pero ikaw ang kusang umalis simula nung malaman kong nagsasama na kayo.”
“Alam kong mahal mo pa rin ako. Pagkatapos nating tumigil magsulatan, alam kong patuloy ka pa ring nagsusulat para sa akin. Nababasa ko ang lahat sa blog mo. Sa mga tula mo.”
“At ‘yan din ang dahilan kung bakit tumigil ako sa pagsusulat. Alam kong binabasa mo ang lahat. Isang bagay na ayaw na ayaw kong nakikita mo, lalo na ang mga kahinaan ko.”
??? "Adik sa'yo" awit sa akin
nilang sawa na sa aking
mga kwentong marathon
Tungkol sa'yo, at sa ligayang
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw…???
Nagri-ring na pala ang cellphone ko nang hindi ko namamalayan. Sinagot ko ang tawag at kinausap ang babae sa kabilang linya. Kailangan ko nang umalis, kailangan na niya ako.
“Medyo gabi na rin. Halika na. Ihahatid na kita.”
“Alam ba niyang nagkita tayo?”
“Oo. At kailangan ko na siyang puntahan ngayon. Mahirap kapag pinaghihintay ang asawa. Baka sa sala ako nito matulog.”
“Tara na.”
Hinawakan ko ang kamay niya habang akay siya papunta sa kotse. Lumingon muna ako sandali sa lugar na hindi ko na ulit babalikan. Tapos na sa amin ang lahat. Ang mga alaala ay parte na lang ng nakalipas. Maaaring mahal ko pa rin siya o mahal ko ang aming nakaraan. Gayunpaman, masaya ako sa sandaling nakasama ko siya ngayon.
Ibinaba ko siya sa sakayan ng bus, gusto ko pa sana siyang ihatid sa kanila pero tumanggi siya. Tinanaw ko muli ang mukhang di ko pa rin nakakalimutan.
“Bago ako umalis, isang tanong na lang.”
“O sige” sagot ko.
“Kailan mo napagpasyahang kalimutan ako?”
“Simula nung dinelete ko ang blog ko.”
Monday, April 28, 2008
sana'y alaala ka na lamang
na kahit sandali lamang na oras,
ay naging kabuuan na
ng aking 'sanlinggo.
kagaya noong kausap kita
na kahit kunwa'y nagpapatawa lamang,
ay pinipigil namang isambibig
ang aking damdamin.
kagaya noong kasabay kita
na bagama't natotorpe ako'y,
nangagahas namang sumulyap
sa kamandag ng iyong kagandahan.
ngunit sana'y alaala ka na lamang
na kaya kong iuwi,
at makasama
anumang oras kong hanapin.
pagka't kaya kong tawaging akin
ang isang alaala,
...ngunit hindi ang iyong ngiti,
ang iyong ganda,
ang IKAW,
at ang aking panaginip.
Thursday, April 24, 2008
nang lapain ako ng hyena sa siyudad
Oo, hindi pang close-up smile ang kaniyang ngiti: anupa't ang gilagid niya'y halatang malaon ng tinakasan ng kaniyang mga ngipin. Ngunit para sa akin, ang ngiting iyon na pagbati - na tatagos sa iyo ang sinseridad at walang pagkukunwaring kasiyahang makita ka - ay ang dabest na ngiting nakita ko sa buong araw (teka, hindi ko kasi nakita ang ngiti ni what went wrong).
Pero hindi si tita ang topic ng post ko ngayon. Hindi siya ang hyena, at lalong hindi din niya ako nilapa.
Ang nangyari kasi, binigyan kong muli si Tita ng kaunting baryang kahit paano'y pantawid gutom na din. Ngunit di ko naman alam o talagang masukal lang ang bulsa ko sa sari-saring basura, pagdukot ko'y nalaglag pala ang resibo ng kinain ko kanina sa KFC (yup, sawa na kasi ako sa jabi dahil kasama ko madalas si chroneicon wehehehe) at ayun, nang paalis na ako'y biglang may sumigaw sakin:
HYENA : Boss (nampucha, boss niya pala ako e bakit nya ko sisigawan?), sandali lang. Pakipulot ho yung tinapon niyong kalat.
AKO : [Nagulat] Ha? (mas mahaba pa ang "ako", emosyong inilarawan at ang walang kuwentang paningit na ito kaysa sa aktwal na sinabi ko dito)
HYENA : 'Yun hong papel. [Itinuro ang noo'y nakahandusay na kapirasong papel sa bangketa]
AKO : Hindi sakin yan, wala akong tinapon. [salubong ang kilay]
HYENA : 'Senyo ho yun, nakita ko tinapon mo. Galing sa bulsa mo, nalaglag. [labo ng logic niya no - itinapon ko tapos nalaglag daw]
At dahil hindi umepekto ang pagsalubong ko ng kilay at alam kong masukal ang aking bulsa, minarapat kong pulutin ang papel na mukhang malinis naman. Pagbuklat ko, nakita kong sa akin nga iyon dahil natandaan ko pa ang serial number ng resibo ng KFC (siyempre joke lang. Item code ng chicken longanisa meal ang natandaan ko).
AKO : 'Pre nalaglag lang 'to, hindi ko tinapon.
HYENA : Ganun din yun, littering ka. (di ko naman nabasa ang sinabi niya kaya di ko alam kung tama ba ang spelling ng "littering" ng bigkasin niya iyon) Nakita ko nalaglag yan sa bulsa mo pagdukot.
AKO : (umuusok na ang ilong) Nampucha, nalaglag pala e, ibig sabihin di ko sadya!
HYENA : Boss wag ka ng magreklamo. Kahit sadya o hindi, nagkalat ka pa din. 'Akina I.D. niyo.
Napakamot ako sa batok at seryosong gusto ko nang sapakin ang kaharap ko. Walang puso; nakita niya palang nalaglag sa bulsa ko pagdukot ko kanina, e di ibig sabihin nakita niyang nilimusan ko lang si "Tita". Sana pinalagpas na lang niya. Iniisip ko ng oras na iyon: "Pucha, ang liit nito kumpara sa akin. Isang sapak lang sa ilong nito, malamang babaon ang butas ng ilong nito hanggang tonsils. Nakanampuchang buhay 'to. Ito ang mga pagkakataong sinasabi ko kay kaibigang ronwaldo na minsan, away talaga ang lumalapit sayo. 'Yun bang kahit anong iwas mong huwag na ulit makipagbasagan ng ulo, darating pa rin ang panahong hahabulin ka ng away. Tulad nito.
Ang nangyari? Hindi ko napigil ang sarili ko. Hinawakan ko ang kanan kong tainga (ito daw ang sign na mananapak na ako, ayon sa mga matitinong basagulerong barkada ko dati) at bigla kong sinapak ng isang straight ang hyena. Napahandusay siya sa kalsada habang sumasargo ang dugo mula sa pumutok na kilay at ilong.
NAGKAGULO ang mga tao. Nagsitakbuhan palayo ang mga naglalakad malapit sa amin na para bang umutot ako ng nuclear bomb gaya ni greenpinoy. Narinig ko ang silbato ng pulis at sirena ng isang police car. Ilang sandali lamang ay umugong sa paligid ang nakabibinging ingay ng helicopter. Lalong lumiwanag sa paligid ko dahil sa tanglaw ng spotlight galing sa helicopter, na noo'y may mga sundalong bumababa papunta sa puwesto ko gamit ang lubid. May dumating na paladin at crusader tanks, comanche...
Siyempre, joke lang ulit ang huling dalawang talata sa taas. Hindi ko sinapak ang hyena. Nakapagtimpi ako dahil naipangako ko sa sarili kong hindi na ako muling mananapak ng tao. Ngumiti na lang ako at pinagtawanan ang katangahan ko.
Ang ending, inisyuhan niya ako ng violation ticket. Tinanong ko kung magkano, ang sabi'y isanlibo daw ang multa at kailangang sa city hall ng Makati ko mismo bayaran. At humabol pa - sa loob lang daw ng tatlong araw.
Tinanggap ko ang ticket at nilisan ang lugar ng krimen. Ngunit binalikan ko muna si "tita" dahil napansin kong natulala siya sa nasaksihan, at naramdaman kong nahiya siya sa akin dahil sa nangyari.
TITA : Iho, pasensiya na ha. Di man lang kita naipagtanggol. Natakot kasi akong paalisin din niya dito, wala naman akong ibang puwedeng puwestuhan para mamalimos...
AKO : 'Ala ito tita. (Ngumiting may pagyayabang) Pamangkin po ako ni Marcos, siya na po bahala dito.
TITA : (Natulala) P-patay na po si Marcos di ba?
Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako ulit at kumindat, kunwa'y may confidence pa din at hindi naapektuhan sa nangyari (Ngunit sa sarili ko'y iniisip ko na kung saan ako pupulot ng sanlibong piso).
MORAL LESSON? HUWAG IPAMUMULSA ANG RESIBO NG KFC.
Wednesday, April 23, 2008
what went wrong
...wala akong maisulat na anuman dito sa artikulong ito.
bakit?
'yan din ang tanong ko sa sarili ko.
Saturday, April 19, 2008
_inaing
kung maaari lang sanang lunurin
ng ice blended pure chocolate
ang hinaing ko'y
oorder na ako ng isang dagat nito.
kung kaya lamang sagutin
ng dunhill lights
ang mga katanungan ko'y
susunugin ko na ang baga ko.
kung sana'y napapakalma lamang
ng coffee shop na ito
ang balisang kaisipan ko'y
dito na ako maninirahan.
...at sana'y katulad ka na lamang
ng lamig ng yelo,
ng usok ng sigarilyo,
at ng atmospera ng lugar na ito:
na kayang malusaw ng panahon,
kayang maglaho sa hangin,
at kayang talikuran sa pag-alis.
...NGUNIT higit ka pa sa mga ito,
pagkat ang inumin ko'y iiiihi ko lamang
at ang yosi'y ibubuga ko lamang
at ang lugar na ito'y iiwan ko lamang
at bukas, limot ko ng dumaan
ang mga ito sa aking panahon.
subalit ang IKAW ay mananatiling bahagi
ng minsanang kasaysayan ko
na nangarap, umasam
na ikaw sana
ang siyang
kahati.
Friday, April 18, 2008
naniningalang bahagi
Ang sumusunod na mga talata ay ang aking unang koloborasyon ng tula kasama si jeckyll ng Red Hot Silly Kamote:
naniningalang bahagi, humahanap ng sagot
nangangarap na may lunas sa kabila ng kirot;
gutom sa euphoriang minsan ng nalasap,
doon sa kahapong may sabik at sarap.
nagaalab na damdaming puno ng nasa,
nanggigigil pasukin ang tangi niyang ligaya;
magkadikit ma'y wag nang paghiwalayin,
labag man sa loob, maglalayo rin.
o katiting na saya lang naman ang dasal,
sa lamang nagugutom, wag namang ipagbawal
na makaisa ang umagang may ngiti,
at kagyat na limutin ang mga dalamhati.
ang tamis ng ligaya’y naiwan sa labi
sinisimot ang pag-asang magtatagpong muli;
karanasang napamahal sa isang birhen
walang pangambang muling maangkin.
datapwat nangarap at lumiyab ang pagnanasa;
ang daan patungo ay tinahak nang kusa.
binaon ang isanlibong kauhawan at pagkasabik
tinunton ang pangarap na muling nang-aakit.
madidinig ba ng isang bingi ang pagsigaw
kung ang tinig ay kinulong sa isandaang tag-araw?
tagtuyot ay sumaklaw sa kakaibang init
niyapos ang tanikalang nagdidiin sa galit.
mababanaag ba ng bulag ang perlas na makinang?
kapain man sa paghahagilap ay siya mismong kandungan
patungo sa bulaklak na dating may pangako
lasapin at damhin, malapit nang masuyo.
at sa muling pagdating ng panahong iyon,
asahan mong ako’y makakapiling mo roon:
sa muling pagkislap ng tatlo mong bituin,
may kinang ang ‘yong bughaw, araw mo’y may ningning…
ngunit ligayang ito’y mararating lamang
kung may pupuksa sa mga gahaman;
mga gahamang metapora ng isang parasito:
nabubuhay sa pagkaing iba ang nagluto.
kaya’t kahit na tulang ito’y isang piping hiling
sa mga nanunungkulang sa iyo’y umaalipin;
pangahas pa rin akong sa kanila’y isisigaw:
anong saya ang naroon sa isang rangya na nakaw?
lumaya ka man sa mga dayuhang sumakop,
sarili mo namang mga hari ang sayo’y sumasalot;
kaya’t kalimutan na lamang ang ligayang nabanggit,
pagkat kahit anong pilit, di na ito makakamit.
isang salop na dusa ngayo'y kapiling ko
saang lupalop hahanapin ang nabigong pag-ibig mo?
hindi na kailan pa magkakadaupang palad
iwaksi man ng tadhana ay hindi pa rin sapat.
at kahit gayunpaman, bayan ko,
pakatandaan mong lagi ka sa isipan at sa puso
pagkat akong aba'y patuloy na magmamahal
kahit hindi na sumikat ang araw sa damdamin kong pagal.
Jeckyll - isang kumpletos rekados na manunulat ng blag: makulit. matalino. malalim. idolo.
Wednesday, April 16, 2008
two roads
diverging into two…
one traveler,
one moment,
one decision,
one time.
but
I cannot see beyond
from where I stand,
for the steps are
almost always
the SAME
at the beginning,
but treacherous;
for in the middle
might lie
thorns
and wounded trails.
so shall I just stay
and stop my journey,
fearing to risk
stumbling upon a darkness
that might await me?
embracing
the painful truth
that the previous days
are all but futile,
dooming to me NOW
and offering
my lethargic existence?
YET although
the breeze here
are soft and delicate,
much safer than
the risks ahead,
I lifted my feet
and chose a path
among these diverging roads,
…aware
that the journey ahead
is for my legacy,
for love…
Tuesday, April 15, 2008
the quick brown fox jumps over the lazy dog
Anyway, nakauwi kami ng buhay at kumpleto mula sa overnight camping trip sa Anawangin, Zambales kasama ang mga seksi at matipunong mga opismeyts ko (current at former - wehehehe) , si greenpinoy, chroneicon, gasolinedude at iba pang mga kaibigan.
Puwedeng maging pinakamalusog na boldstar ng siglo si greenpinoy. No further explanation needed, tingnan na lang ang patunay sa ibaba:
Mabilis malasing kung may kausap kang maganda at seksing tsiks na itatago ko sa pangalang "laleyn na kaibigan ni ateya" - sandali lamang ay senglot agad ang dati ko nang kasama sa bundok na itatago ko naman sa pangalang "tsino" na noo'y halos hindi tablan ng alkohol kahit butane na ang ginagawang chaser.
Mas mahusay sa pandaraya este sa charade ang mga lalaki kaysa sa babae. Akalain mo yun, nagjumping jacks ang mga babae sa highway, facing the commuters nang matalo sila sa charade habang naghihintay ng bus pabalik ng Maynila.
Nahanap ko ang "ulo ng puso" na pinapahanap sa akin doon ni kaibigang "ody", at naririto sya:
Pero ito ang pinakapeborit kong picture sa Anawangin. Gumising ka Greenpinoy!!!
..salamat sa masasayang kulitan moments!!! hanggang sa uulitin!
Thursday, April 10, 2008
TANGA KASI AKO KAYA AKO NATALO SA NBA 2K8
kalahating joke at kalahating totoo ang title ng post kong ito.
joke dahil hindi ako ang natalo.
totoo dahil totoong may natalo, at iyan ang title ng post sa blog nya ngayon hehehe...
there's a boy in every man, as they say. at isa diyan ang paglalaro ko ng PS2.
at dahil mahilig din diyan ang isa sa mga bespren ko at fellow blogger na hindi ko papangalanan, nagpustahan kami na maglaban in a best of 5 game. ang matatalo sa serye ay magbabayad ng pustang P300.00 at ang malupit: ipopost ang kahihiyan sa blog gamit ang titulo ng blog na ito.
siyempre, ang team ko Cavaliers (go Lebron!!!).
at siya naman, dahil kamukha daw nya si Kareem Rush (tingnan ang larawan sa baba), Pacers ang pinili nyang team.
...ang resulta? ayun, tingnan ang blog na ito para malaman kung sino ang natalo hehehe... ANGNASWEEPATUMUWINGLUHAANGBLOGGER
Wednesday, April 9, 2008
ayong, ayong, yong yong...
- umbrella by Rihanna (tagalog version)
salamat kay makulit na Odi sa nakakatumbling na text na to. sige, tugtugin natin ito sa susunod na jamming session natin!!
for full version of the real Umbrella by Rihanna, click here
for full version of the tagalized Umbrella by chroneicon, click here
Tuesday, April 8, 2008
lethalverses and a spider
And I never thought I'll be inspired to draw again, until early last night when Hanae Bagabaldo, one of my prettier officemates, brought her artist's book containing clippings of her drawings.
I swear to all pitumputpitongputingtupa - I haven't met a woman who draws like her. Patience evidently characterizes her works: mundane details are present, and need I mention that she creates backdrops with stunning effects?
To cut the story short, I was inspired to draw again. And this time, I am commissioned to do a spidey - not the eight-legged insect I dreaded but that "parker boy".
BEFORE:
AFTER:
okay, maghuhugas muna ako ng kamay. Sana lang matanggal ang mga lead na sumingit sa kuko ko hehehe...
...thanks to Michael Turner of Marvel Comics for his Wizard #179 cover art (opo, ginaya ko lang ito dun)