Wednesday, March 26, 2008

ang bagyo'y naisisilid pala sa bote



ano bang meron
sa mga botelyang plastik
na matiyaga mong inaasam
hinahanap,
diyan sa esterong maputik
sa gitna ng nagngangalit na bagyo,
naghuhumiyaw na hangin,
at kutya ng mga nandidiring mata?

ang mga iyan ba’y iyong hahabiin
upang gawing palamuti
sa hapis mong katawan
kasama ng disenyo nitong
grasa at lupa?

o iya’y lilikhain mong
isang magarbong arko
na magsasalba sa’yo
sa dumarating na unos
na ikaw lamang ang siyang nakaaalam?

sabihin mo sa akin,
ilang kilong mga botelya pa ba
ang ‘yong kailangang tipunin
upang sumapat na kapalit
ng ilang butil na kanin
at tira-tirang ulam
na kagyat mong pampawi
sa nalulusaw mong sikmura?

hindi ka na ba naaawa
sa iyong sarili
o nakararamdam ng pagod man lamang,
upang ang bagyong ito’y iyong suungin
mapulot lamang ang isang botelyang
naghihintay sa’yo
sa gitna ng kalsada?

o marahil ay lumuluha kang talaga:
ngunit ang mga luha mong
dapat sana’y lilinis sa mapait mong kalooban
ay inanod na din
ng mga patak ng ulan,
kasama
ang hibla
ng nalalabi mong pag-asa?

...at pagdating ng bukas
kung saan tapos na ang iyong unos,
ay iaalay ko ang tulang ito
tungkol sa iyong naging buhay
na inukit, itinakda
ng malaman mong

ang bagyo'y
naisisilid pala sa bote.



*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 08.09.07

Sunday, March 23, 2008

to the man who lost the world



yours is a tale written

on a wretched fallacy,

a brain as trivial as a myth,

and a future as dark as a nightmare…



and your impulsive laughter,

rapid anger,

sudden tears,

and futile monologues

all but reflect

your head:

hollow as your starving stomach,

pathetic as your decaying life.



and since you own your own world

and your thoughts are distinct;

we chose to neglect

that beneath your filthy clothes

and sullied fantasies

lies a man…

a man who breathes this same air

and plays this same game called life…



we chose to ignore

the burning pains

of hunger

suffering,

abandonment,

misery,

and hopelessness…

all rewarded to you

by your curse

we chose to name “abnormality”……



and a question that now haunts me:

“is it a blessing for us to be sane,

able to think and shape our fate?;

OR you are more blessed

for you’re immune

to the cruelties of life,

free to act and curse your fate?"



then I envy your soul,

your withered name,

and abandoned hopes;

realizing,

that you only struggled to live,

unlike us,

who lived to struggle…




*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 09.15.06

Friday, March 14, 2008

sa batang nagtitinda ng diyaryo sa EDSA


sa pagbagal ng aming sinasakya’y
di naiwasang panoorin ko
ang kahanga-hanga mong kakayahan
at liksi
habang tinatawid mo
ang kalsadang ito
na nagsilbing iyong tahanan
at paraiso
ng iyong mga
kalakal na tabloid at
broadsheets…

kinain na ba ng gutom
ang iyong takot
kung kaya’t di mo alintana
ang mga panganib
na alay
ng mga de-bakal na hayop
na humahabi sa kalsadang ito?

o ang takot mo’y binulag na
ng sarili mong damdamin
na itinakwil ang sarili mong
mga pangarap;
kung kaya’t ang kamataya’y
isang matamis na ring palamuti
sa buhay mong
ni ga-hiblang kulay
ay wala ng mabanaag?

NGUNIT sa di sinasadyang paglingon mo
sa aking kinaroroonan,
ay nasilip ko
na sa likod
ng mga humpak mong pisngi
at yayat na katawa’y
naririyan pa rin
ang iyong nasa
na may mailaman man lamang
sa inaagnas mong sikmura.

NGUNIT patawad,
ang barya ko’y di rin naman sapat
upang makabili man lamang
ng kahit isang dahon
ng iyong mga kalakal…

kaya’t ihahatid na lamang kita ng tanaw
habang muli kang pumalaot
at sumayaw
sa muling pagtakbo
ng aming mga sasakyan…

AT hindi na rin ako magugulat
na sa mga darating na bukas
ay datnan kitang
muling nakapalaot
…ngunit sa pagkakataong iyon
ay ikaw na ang nasa ilalim ng
iyong mga paninda
habang nakabulagta sa iyong paraiso

at GANAP nang IISA
ang IKAW
at ang itinitinda mong mga DIYARYO…





*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 06.01.06

Saturday, March 8, 2008

5:30.

eyes struggling to win
its losing battle
against the suddenly heavy,
pounding eyelashes,
hating the light,
begging for darkness.

brain sinking
to non-existence
that I can almost feel
its absence in my skull :
a hollow space
that amplifies thunders
of cranium drill.

it could have been sweet
to give in
but I couldn’t.

…now don’t ask me why.

ask the clock.
for it now says 5:34.

and you know how to count…

Wednesday, March 5, 2008

Verses for a Starbuck's Cup

AND as we sit here
on this bench
facing
a new morning,
a fresh rain,
a new day;

I couldn’t help
but take a glance
at this cup of frappe
between us...

and realize
that this frappe
is special;

for unlike
the usual cups
that we’ve shared
before,

this cup
now offers more
than its usual
caffeine booze and whipped cream

because this cup
BETWEEN us
not only separates us
on this seat:

it now also divides our hearts,
our thoughts,
our hopes,
and our tomorrows

knowing
all along
that this is the LAST CUP
that we will be sharing
together,

...as forbidden lovers,
and irrational dreamers…

so please be gentle
and take your time
as you take your FINAL sip,


for I intend to reminisce
this concluding moments
and draw your face,
your smile,
and your love
in my heart
where it cannot be erased
and where our love’s not forbidden....

SO as we sit here
on this bench
facinga new morning,
a fresh rain,
a new day;

I couldn’t help
but take a glance
at this cup of frappe
between us...

and realize
that we are also facing
a dusk
we've expected even from the start,
a gloomy rain
that used to be sweet for us,
and a new day of living
SEPARATELY....

and the greatest irony of them all
is that we WILL never even have the chance
to say
our GOODBYES...


*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 08.13.06

Sagot sa Tulang "Mapapalad ang Mahirap" ni Rio Alma


baka naman nahihibang ka lang
pagkat hindi naman libre
ang mga buwis
ng mga mahihirap.


hindi mo ba batid?
na ang bawat kusing
na pambuwis
ng mga pabrika't korporasyon
ay mga libag at kalyo
ng mga hampas-lupa't
patay gutom?


baka naman nabubulagan ka lang
pagkat hindi totoong
laging may pagkain
ang mga inday at neneng
na inalila't hinalay
ng mga panginoong
inabuso't pinaglaruan
ang mga karukhaa't pagkabusabos.


baka naman di ka nag-iisip lang
pagkat mahirap maging mangmang
at umasa sa mga pantas
na nag-iisip ma'y ang hinahabi naman
ay mga banig ng kasakiman
at nakahandang sugpuin
ang mga ulong
nakangiti sa kamatayan.


o nag-iilusyon ka lang
pagkat anong ikaliligtas
ng mga sikmurang
kundi man papel o damo
ay lupa ang nilalamon?…


ngunit marahil nga'y TAMA ka;
mapapalad ang mga mahihirap,
ang mga dukha KAHAPON
pagkat ngayo'y di na nila
dama ang gutom,
wala na ang pagkit
na kaapihan,
napawi na ang pagkaalipin,

…at bukas,

di na nila makikita ang umaga.

Habang nanonood ng 'pet show' sa T.V.

"Chamcham" ang ngalan mo
isang uri ng pet dog
na ang lahi'y tinatawag nilang
chow-chow

at aliw na aliw
ang mga T.V. hosts
habang iniinterbyu
ang sikat na personalidad
na nag-aalaga sa iyo…

oo, maging ako'y naaliw,
habang pinapanood kita
at nakikita ko
habang ika'y pinapakain
ng dalawang lata ng Spam
bilang agahan;

at naririnig ko
ang mga halaga ng iyong
Pedigree, Alpo, at iba pa…

nakakahanga,
na ang dog house mo pala'y
air-conditioned din
at linggu-linggo'y
dinadalaw ka
ng sarili mong beterinaryo…

nakatutuwa,
habang ipinapamalas mo
na kaya mong
umikot, umupo, tumahol;
at kaya mo ring
lumundag, maglaro, matulog…

gusto ko pa sanang ika'y panoorin
ngunit isinarado nani Aling Tessie
ang kanilang bintana
nang makitang may isang pulubing
nakikisilip
sa kanilang telebisyon.


...umuwi na lamang ako
at muli kong tinutop
ang sikmura kong walang laman,

walang laman.