Monday, April 28, 2008

sana'y alaala ka na lamang

kagaya noong katabi kita
na kahit sandali lamang na oras,
ay naging kabuuan na
ng aking 'sanlinggo.

kagaya noong kausap kita
na kahit kunwa'y nagpapatawa lamang,
ay pinipigil namang isambibig
ang aking damdamin.

kagaya noong kasabay kita
na bagama't natotorpe ako'y,
nangagahas namang sumulyap
sa kamandag ng iyong kagandahan.

ngunit sana'y alaala ka na lamang
na kaya kong iuwi,
at makasama
anumang oras kong hanapin.

pagka't kaya kong tawaging akin
ang isang alaala,

...ngunit hindi ang iyong ngiti,
ang iyong ganda,
ang IKAW,
at ang aking panaginip.

Thursday, April 24, 2008

nang lapain ako ng hyena sa siyudad

ILANG minuto pa lamang ang nakalilipas habang sinusulat ko ito, naglalakad ako sa kahabaan ng Buendia pauwi galing sa opisina ng makita ko si "Tita" na nakaupo sa paborito niyang sulok. At dahil "bespren" na daw niya ako, malayo pa'y ngumiti na siya sa akin.

Oo, hindi pang close-up smile ang kaniyang ngiti: anupa't ang gilagid niya'y halatang malaon ng tinakasan ng kaniyang mga ngipin. Ngunit para sa akin, ang ngiting iyon na pagbati - na tatagos sa iyo ang sinseridad at walang pagkukunwaring kasiyahang makita ka - ay ang dabest na ngiting nakita ko sa buong araw (teka, hindi ko kasi nakita ang ngiti ni what went wrong).

Pero hindi si tita ang topic ng post ko ngayon. Hindi siya ang hyena, at lalong hindi din niya ako nilapa.

Ang nangyari kasi, binigyan kong muli si Tita ng kaunting baryang kahit paano'y pantawid gutom na din. Ngunit di ko naman alam o talagang masukal lang ang bulsa ko sa sari-saring basura, pagdukot ko'y nalaglag pala ang resibo ng kinain ko kanina sa KFC (yup, sawa na kasi ako sa jabi dahil kasama ko madalas si chroneicon wehehehe) at ayun, nang paalis na ako'y biglang may sumigaw sakin:


HYENA : Boss (nampucha, boss niya pala ako e bakit nya ko sisigawan?), sandali lang. Pakipulot ho yung tinapon niyong kalat.

AKO : [Nagulat] Ha? (mas mahaba pa ang "ako", emosyong inilarawan at ang walang kuwentang paningit na ito kaysa sa aktwal na sinabi ko dito)

HYENA : 'Yun hong papel. [Itinuro ang noo'y nakahandusay na kapirasong papel sa bangketa]

AKO : Hindi sakin yan, wala akong tinapon. [salubong ang kilay]

HYENA : 'Senyo ho yun, nakita ko tinapon mo. Galing sa bulsa mo, nalaglag. [labo ng logic niya no - itinapon ko tapos nalaglag daw]


At dahil hindi umepekto ang pagsalubong ko ng kilay at alam kong masukal ang aking bulsa, minarapat kong pulutin ang papel na mukhang malinis naman. Pagbuklat ko, nakita kong sa akin nga iyon dahil natandaan ko pa ang serial number ng resibo ng KFC (siyempre joke lang. Item code ng chicken longanisa meal ang natandaan ko).


AKO : 'Pre nalaglag lang 'to, hindi ko tinapon.

HYENA : Ganun din yun, littering ka. (di ko naman nabasa ang sinabi niya kaya di ko alam kung tama ba ang spelling ng "littering" ng bigkasin niya iyon) Nakita ko nalaglag yan sa bulsa mo pagdukot.

AKO : (umuusok na ang ilong) Nampucha, nalaglag pala e, ibig sabihin di ko sadya!

HYENA : Boss wag ka ng magreklamo. Kahit sadya o hindi, nagkalat ka pa din. 'Akina I.D. niyo.


Napakamot ako sa batok at seryosong gusto ko nang sapakin ang kaharap ko. Walang puso; nakita niya palang nalaglag sa bulsa ko pagdukot ko kanina, e di ibig sabihin nakita niyang nilimusan ko lang si "Tita". Sana pinalagpas na lang niya. Iniisip ko ng oras na iyon: "Pucha, ang liit nito kumpara sa akin. Isang sapak lang sa ilong nito, malamang babaon ang butas ng ilong nito hanggang tonsils. Nakanampuchang buhay 'to. Ito ang mga pagkakataong sinasabi ko kay kaibigang ronwaldo na minsan, away talaga ang lumalapit sayo. 'Yun bang kahit anong iwas mong huwag na ulit makipagbasagan ng ulo, darating pa rin ang panahong hahabulin ka ng away. Tulad nito.

Ang nangyari? Hindi ko napigil ang sarili ko. Hinawakan ko ang kanan kong tainga (ito daw ang sign na mananapak na ako, ayon sa mga matitinong basagulerong barkada ko dati) at bigla kong sinapak ng isang straight ang hyena. Napahandusay siya sa kalsada habang sumasargo ang dugo mula sa pumutok na kilay at ilong.

NAGKAGULO ang mga tao. Nagsitakbuhan palayo ang mga naglalakad malapit sa amin na para bang umutot ako ng nuclear bomb gaya ni greenpinoy. Narinig ko ang silbato ng pulis at sirena ng isang police car. Ilang sandali lamang ay umugong sa paligid ang nakabibinging ingay ng helicopter. Lalong lumiwanag sa paligid ko dahil sa tanglaw ng spotlight galing sa helicopter, na noo'y may mga sundalong bumababa papunta sa puwesto ko gamit ang lubid. May dumating na paladin at crusader tanks, comanche...

Siyempre, joke lang ulit ang huling dalawang talata sa taas. Hindi ko sinapak ang hyena. Nakapagtimpi ako dahil naipangako ko sa sarili kong hindi na ako muling mananapak ng tao. Ngumiti na lang ako at pinagtawanan ang katangahan ko.

Ang ending, inisyuhan niya ako ng violation ticket. Tinanong ko kung magkano, ang sabi'y isanlibo daw ang multa at kailangang sa city hall ng Makati ko mismo bayaran. At humabol pa - sa loob lang daw ng tatlong araw.

Tinanggap ko ang ticket at nilisan ang lugar ng krimen. Ngunit binalikan ko muna si "tita" dahil napansin kong natulala siya sa nasaksihan, at naramdaman kong nahiya siya sa akin dahil sa nangyari.

TITA : Iho, pasensiya na ha. Di man lang kita naipagtanggol. Natakot kasi akong paalisin din niya dito, wala naman akong ibang puwedeng puwestuhan para mamalimos...

AKO : 'Ala ito tita. (Ngumiting may pagyayabang) Pamangkin po ako ni Marcos, siya na po bahala dito.

TITA : (Natulala) P-patay na po si Marcos di ba?

Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako ulit at kumindat, kunwa'y may confidence pa din at hindi naapektuhan sa nangyari (Ngunit sa sarili ko'y iniisip ko na kung saan ako pupulot ng sanlibong piso).









MORAL LESSON? HUWAG IPAMUMULSA ANG RESIBO NG KFC.

Wednesday, April 23, 2008

what went wrong


















...wala akong maisulat na anuman dito sa artikulong ito.

bakit?

'yan din ang tanong ko sa sarili ko.

Saturday, April 19, 2008

_inaing




kung maaari lang sanang lunurin
ng ice blended pure chocolate
ang hinaing ko'y
oorder na ako ng isang dagat nito.

kung kaya lamang sagutin
ng dunhill lights
ang mga katanungan ko'y
susunugin ko na ang baga ko.

kung sana'y napapakalma lamang
ng coffee shop na ito
ang balisang kaisipan ko'y
dito na ako maninirahan.

...at sana'y katulad ka na lamang
ng lamig ng yelo,
ng usok ng sigarilyo,
at ng atmospera ng lugar na ito:
na kayang malusaw ng panahon,
kayang maglaho sa hangin,
at kayang talikuran sa pag-alis.


...NGUNIT higit ka pa sa mga ito,
pagkat ang inumin ko'y iiiihi ko lamang
at ang yosi'y ibubuga ko lamang
at ang lugar na ito'y iiwan ko lamang
at bukas, limot ko ng dumaan
ang mga ito sa aking panahon.

subalit ang IKAW ay mananatiling bahagi
ng minsanang kasaysayan ko
na nangarap, umasam
na ikaw sana
ang siyang
kahati.

Friday, April 18, 2008

naniningalang bahagi


Ang sumusunod na mga talata ay ang aking unang koloborasyon ng tula kasama si jeckyll ng Red Hot Silly Kamote:


naniningalang bahagi, humahanap ng sagot
nangangarap na may lunas sa kabila ng kirot;
gutom sa euphoriang minsan ng nalasap,
doon sa kahapong may sabik at sarap.

nagaalab na damdaming puno ng nasa,
nanggigigil pasukin ang tangi niyang ligaya;
magkadikit ma'y wag nang paghiwalayin,
labag man sa loob, maglalayo rin.

o katiting na saya lang naman ang dasal,
sa lamang nagugutom, wag namang ipagbawal
na makaisa ang umagang may ngiti,
at kagyat na limutin ang mga dalamhati.

ang tamis ng ligaya’y naiwan sa labi
sinisimot ang pag-asang magtatagpong muli;
karanasang napamahal sa isang birhen
walang pangambang muling maangkin.

datapwat nangarap at lumiyab ang pagnanasa;
ang daan patungo ay tinahak nang kusa.
binaon ang isanlibong kauhawan at pagkasabik
tinunton ang pangarap na muling nang-aakit.

madidinig ba ng isang bingi ang pagsigaw
kung ang tinig ay kinulong sa isandaang tag-araw?
tagtuyot ay sumaklaw sa kakaibang init
niyapos ang tanikalang nagdidiin sa galit.

mababanaag ba ng bulag ang perlas na makinang?
kapain man sa paghahagilap ay siya mismong kandungan
patungo sa bulaklak na dating may pangako
lasapin at damhin, malapit nang masuyo.

at sa muling pagdating ng panahong iyon,
asahan mong ako’y makakapiling mo roon:
sa muling pagkislap ng tatlo mong bituin,
may kinang ang ‘yong bughaw, araw mo’y may ningning…

ngunit ligayang ito’y mararating lamang
kung may pupuksa sa mga gahaman;
mga gahamang metapora ng isang parasito:
nabubuhay sa pagkaing iba ang nagluto.

kaya’t kahit na tulang ito’y isang piping hiling
sa mga nanunungkulang sa iyo’y umaalipin;
pangahas pa rin akong sa kanila’y isisigaw:
anong saya ang naroon sa isang rangya na nakaw?

lumaya ka man sa mga dayuhang sumakop,
sarili mo namang mga hari ang sayo’y sumasalot;
kaya’t kalimutan na lamang ang ligayang nabanggit,
pagkat kahit anong pilit, di na ito makakamit.

isang salop na dusa ngayo'y kapiling ko
saang lupalop hahanapin ang nabigong pag-ibig mo?
hindi na kailan pa magkakadaupang palad
iwaksi man ng tadhana ay hindi pa rin sapat.

at kahit gayunpaman, bayan ko,
pakatandaan mong lagi ka sa isipan at sa puso
pagkat akong aba'y patuloy na magmamahal
kahit hindi na sumikat ang araw sa damdamin kong pagal.



Jeckyll - isang kumpletos rekados na manunulat ng blag: makulit. matalino. malalim. idolo.

Wednesday, April 16, 2008

two roads


two roads
diverging into two…
one traveler,
one moment,
one decision,
one time.

but
I cannot see beyond
from where I stand,
for the steps are
almost always
the SAME
at the beginning,
but treacherous;
for in the middle
might lie
thorns
and wounded trails.

so shall I just stay
and stop my journey,
fearing to risk
stumbling upon a darkness
that might await me?
embracing
the painful truth
that the previous days
are all but futile,
dooming to me NOW
and offering
my lethargic existence?

YET although
the breeze here
are soft and delicate,
much safer than
the risks ahead,
I lifted my feet
and chose a path
among these diverging roads,

…aware
that the journey ahead
is for my legacy,
for love…

Tuesday, April 15, 2008

the quick brown fox jumps over the lazy dog










Kagaya ng email teaser/invite na pinadala ko para sa Anawangin Trip nitong April 12-13, walang kinalaman ang fox at dog sa post na ito. Talagang mahina lang ako sa pagiisip ng malupit na title.


Anyway, nakauwi kami ng buhay at kumpleto mula sa overnight camping trip sa Anawangin, Zambales kasama ang mga seksi at matipunong mga opismeyts ko (current at former - wehehehe) , si greenpinoy, chroneicon, gasolinedude at iba pang mga kaibigan.


At dahil kagabi pa ako hindi makapagupload ng pictures dito, ibahagi ko muna ang mga mga makukulit na pangyayaring naganap at mga makabuluhang obserbasyon ko :

Sa bus (nahiwalay ng upuan si chroneicon sa amin at maya-maya'y nagtext sa akin) : "Pota pare hindi ako makatulog. Ung katabi ko, anghaba at pagkarami-raming buhok sa tenga! Anak ng kuneho may dandruff pa sa ears! Nawala ang antok ko sa nakita ko!!!"

Sa bus pa din: May itinatagong kapangyarihan ang katabi kong itatago ko na lang sa pangalang "mragmak" - NAPAPALAMBOT niya ang bintanang salamin ng bus dahil hindi nya naramdaman ang ilang ulit na paghampas ng ulo nya dito habang siya'y malalim na natutulog.

Isang certified wrestler at gymnast si gasolinedude - magaling siyang magpagulong-gulong sa buhangin at kaya niyang manatiling gwapo kahit "sinasadyang napapatid" sa mga lubid na bakod ng camp area. Marami din akong natutunan kay gasolinedude - gaya ng ang bagong spelling pala ng inggles ng "ANO" at "BAKIT" ay pareho na palang "W-H-Y".

Malaki ang katipiran sa isla - dahil walang signal ang kahit anong network sa nabanggit na lugar, dito ko naappreciate na pwedeng gawing flashlight at pangamot ng likod ang cellphone ko na ginamit ko din bilang game & watch.

Fashionable at malakas pala sa tsiks ang manipis na shorts na may mahabang punit sa puwet at ipinapakita ang orange na brief - iyan naman ang natutunan ko sa kasama kong itatago ko sa pangalang "bab".

Mutant ang isang kasamahan kong itatago ko sa pangalang "ateya" - kaya niyang mabuhay at umakyat ng bundok kahit tictac mint candy lamang ang kaniyang kinakain.

Puwedeng maging pinakamalusog na boldstar ng siglo si greenpinoy. No further explanation needed, tingnan na lang ang patunay sa ibaba:




Mabilis malasing kung may kausap kang maganda at seksing tsiks na itatago ko sa pangalang "laleyn na kaibigan ni ateya" - sandali lamang ay senglot agad ang dati ko nang kasama sa bundok na itatago ko naman sa pangalang "tsino" na noo'y halos hindi tablan ng alkohol kahit butane na ang ginagawang chaser.

Mas mahusay sa pandaraya este sa charade ang mga lalaki kaysa sa babae. Akalain mo yun, nagjumping jacks ang mga babae sa highway, facing the commuters nang matalo sila sa charade habang naghihintay ng bus pabalik ng Maynila.




Nahanap ko ang "ulo ng puso" na pinapahanap sa akin doon ni kaibigang "ody", at naririto sya:




Pero ito ang pinakapeborit kong picture sa Anawangin. Gumising ka Greenpinoy!!!



..salamat sa masasayang kulitan moments!!! hanggang sa uulitin!



Thursday, April 10, 2008

TANGA KASI AKO KAYA AKO NATALO SA NBA 2K8



kalahating joke at kalahating totoo ang title ng post kong ito.

joke dahil hindi ako ang natalo.

totoo dahil totoong may natalo, at iyan ang title ng post sa blog nya ngayon hehehe...

there's a boy in every man, as they say. at isa diyan ang paglalaro ko ng PS2.

at dahil mahilig din diyan ang isa sa mga bespren ko at fellow blogger na hindi ko papangalanan, nagpustahan kami na maglaban in a best of 5 game. ang matatalo sa serye ay magbabayad ng pustang P300.00 at ang malupit: ipopost ang kahihiyan sa blog gamit ang titulo ng blog na ito.

siyempre, ang team ko Cavaliers (go Lebron!!!).
at siya naman, dahil kamukha daw nya si Kareem Rush (tingnan ang larawan sa baba), Pacers ang pinili nyang team.



...ang resulta? ayun, tingnan ang blog na ito para malaman kung sino ang natalo hehehe... ANGNASWEEPATUMUWINGLUHAANGBLOGGER

Wednesday, April 9, 2008

ayong, ayong, yong yong...

pag sumikat ang araw,
sisikat din tayo.


sabi ko naman sayo,
lagi akong nandito
kahit kailan kaibigan mo ako,
nakatatak na yan sa utak ko.


ngayon na lumalakas na ang ulan,
tandaan mong magkaibigan pa rin tayo.


...sumilong ka lang sa aking payong,
sumilong ka lang sa aking payong...


ayong, ayong,
yong yong yong yong...




- umbrella by Rihanna (tagalog version)


salamat kay makulit na Odi sa nakakatumbling na text na to. sige, tugtugin natin ito sa susunod na jamming session natin!!


for full version of the real Umbrella by Rihanna, click here

for full version of the tagalized Umbrella by chroneicon, click here

Tuesday, April 8, 2008

lethalverses and a spider

It's been a year since my last attempt at charcoal drawing (mind my choice of not using "painting" because they definitely won't qualify as such) - except for some sporadic moments when I'll just scribble and sketch, most often with a ballpoint pen to kill boredom away.

And I never thought I'll be inspired to draw again, until early last night when Hanae Bagabaldo, one of my prettier officemates, brought her artist's book containing clippings of her drawings.

I swear to all pitumputpitongputingtupa - I haven't met a woman who draws like her. Patience evidently characterizes her works: mundane details are present, and need I mention that she creates backdrops with stunning effects?

To cut the story short, I was inspired to draw again. And this time, I am commissioned to do a spidey - not the eight-legged insect I dreaded but that "parker boy".


BEFORE:






AFTER:



okay, maghuhugas muna ako ng kamay. Sana lang matanggal ang mga lead na sumingit sa kuko ko hehehe...


...thanks to Michael Turner of Marvel Comics for his Wizard #179 cover art (opo, ginaya ko lang ito dun)

Monday, April 7, 2008

ako, si greenpinoy, si gasoline dude at si chroneicon...

biglaan lang, nagkikita kami kagabi.


walang plano, tinawagan lang ako ni GP at ayun, nagkikita na kaming apat.

may nadicover ako:

si gasdude - ang lupet kumanta, pwede kong ipusta yan sa mga fiestahan pag may kontest.
si greenpinoy - parang tubig lang ang alak, minumumog pa bago inumin.
si chroneicon - mabagal kumilos, pero at least may isang salita at hindi drowing (hindi tulad ni espie na kaibigan namin hehe)





(L - R) : gasdude, chroneicon, ako, greenpinoy

so kelan na ang grand EB ng mga bloggerus greenieccus?

thanks to gasdude para sa pix...

Wednesday, April 2, 2008

with or dibouchoo

dahil di kami makaget over sa hinayupak na "ken lee", tumugtog kami ng isa pang revival ng ibang song - ang "with or dibouchoo".

BABALA : masakit sa tenga.

lead - wally
rhythm - chie (chroneicon)
bass - ako



ISA PANG BABALA : Don't try this at home - baka patayin ka ng mga kapitbahay mo.

Tuesday, April 1, 2008

why I compared you to the air I breathe

just like the air:

I inhale its being
but never to own.

I can put it in my hands
but never to hold.

I can feel it
but never to touch.

so though I know little
of your smile, your stare, your existence,
it helps to think
that you're just there:
so near, but still so far.

and worry not
if you caught me looking
for I may just be dreaming
of fruitless tomorrows
and vain courage.

..and just like the air I breathe,
I'll eventually lose you
as I exhale
and leave my ground.