ILANG minuto pa lamang ang nakalilipas habang sinusulat ko ito, naglalakad ako sa kahabaan ng Buendia pauwi galing sa opisina ng makita ko si "Tita" na nakaupo sa paborito niyang sulok. At dahil "bespren" na daw niya ako, malayo pa'y ngumiti na siya sa akin.
Oo, hindi pang close-up smile ang kaniyang ngiti: anupa't ang gilagid niya'y halatang malaon ng tinakasan ng kaniyang mga ngipin. Ngunit para sa akin, ang ngiting iyon na pagbati - na tatagos sa iyo ang sinseridad at walang pagkukunwaring kasiyahang makita ka - ay ang dabest na ngiting nakita ko sa buong araw (teka, hindi ko kasi nakita ang ngiti ni what went wrong).
Pero hindi si tita ang topic ng post ko ngayon. Hindi siya ang hyena, at lalong hindi din niya ako nilapa.
Ang nangyari kasi, binigyan kong muli si Tita ng kaunting baryang kahit paano'y pantawid gutom na din. Ngunit di ko naman alam o talagang masukal lang ang bulsa ko sa sari-saring basura, pagdukot ko'y nalaglag pala ang resibo ng kinain ko kanina sa KFC (yup, sawa na kasi ako sa jabi dahil kasama ko madalas si chroneicon wehehehe) at ayun, nang paalis na ako'y biglang may sumigaw sakin:
HYENA : Boss (nampucha, boss niya pala ako e bakit nya ko sisigawan?), sandali lang. Pakipulot ho yung tinapon niyong kalat.
AKO : [Nagulat] Ha? (mas mahaba pa ang "ako", emosyong inilarawan at ang walang kuwentang paningit na ito kaysa sa aktwal na sinabi ko dito)
HYENA : 'Yun hong papel. [Itinuro ang noo'y nakahandusay na kapirasong papel sa bangketa]
AKO : Hindi sakin yan, wala akong tinapon. [salubong ang kilay]
HYENA : 'Senyo ho yun, nakita ko tinapon mo. Galing sa bulsa mo, nalaglag. [labo ng logic niya no - itinapon ko tapos nalaglag daw]
At dahil hindi umepekto ang pagsalubong ko ng kilay at alam kong masukal ang aking bulsa, minarapat kong pulutin ang papel na mukhang malinis naman. Pagbuklat ko, nakita kong sa akin nga iyon dahil natandaan ko pa ang serial number ng resibo ng KFC (siyempre joke lang. Item code ng chicken longanisa meal ang natandaan ko).
AKO : 'Pre nalaglag lang 'to, hindi ko tinapon.
HYENA : Ganun din yun, littering ka. (di ko naman nabasa ang sinabi niya kaya di ko alam kung tama ba ang spelling ng "littering" ng bigkasin niya iyon) Nakita ko nalaglag yan sa bulsa mo pagdukot.
AKO : (umuusok na ang ilong) Nampucha, nalaglag pala e, ibig sabihin di ko sadya!
HYENA : Boss wag ka ng magreklamo. Kahit sadya o hindi, nagkalat ka pa din. 'Akina I.D. niyo.
Napakamot ako sa batok at seryosong gusto ko nang sapakin ang kaharap ko. Walang puso; nakita niya palang nalaglag sa bulsa ko pagdukot ko kanina, e di ibig sabihin nakita niyang nilimusan ko lang si "Tita". Sana pinalagpas na lang niya. Iniisip ko ng oras na iyon: "Pucha, ang liit nito kumpara sa akin. Isang sapak lang sa ilong nito, malamang babaon ang butas ng ilong nito hanggang tonsils. Nakanampuchang buhay 'to. Ito ang mga pagkakataong sinasabi ko kay kaibigang ronwaldo na minsan, away talaga ang lumalapit sayo. 'Yun bang kahit anong iwas mong huwag na ulit makipagbasagan ng ulo, darating pa rin ang panahong hahabulin ka ng away. Tulad nito.
Ang nangyari? Hindi ko napigil ang sarili ko. Hinawakan ko ang kanan kong tainga (ito daw ang sign na mananapak na ako, ayon sa mga matitinong basagulerong barkada ko dati) at bigla kong sinapak ng isang straight ang hyena. Napahandusay siya sa kalsada habang sumasargo ang dugo mula sa pumutok na kilay at ilong.
NAGKAGULO ang mga tao. Nagsitakbuhan palayo ang mga naglalakad malapit sa amin na para bang umutot ako ng nuclear bomb gaya ni greenpinoy. Narinig ko ang silbato ng pulis at sirena ng isang police car. Ilang sandali lamang ay umugong sa paligid ang nakabibinging ingay ng helicopter. Lalong lumiwanag sa paligid ko dahil sa tanglaw ng spotlight galing sa helicopter, na noo'y may mga sundalong bumababa papunta sa puwesto ko gamit ang lubid. May dumating na paladin at crusader tanks, comanche...
Siyempre, joke lang ulit ang huling dalawang talata sa taas. Hindi ko sinapak ang hyena. Nakapagtimpi ako dahil naipangako ko sa sarili kong hindi na ako muling mananapak ng tao. Ngumiti na lang ako at pinagtawanan ang katangahan ko.
Ang ending, inisyuhan niya ako ng violation ticket. Tinanong ko kung magkano, ang sabi'y isanlibo daw ang multa at kailangang sa city hall ng Makati ko mismo bayaran. At humabol pa - sa loob lang daw ng tatlong araw.
Tinanggap ko ang ticket at nilisan ang lugar ng krimen. Ngunit binalikan ko muna si "tita" dahil napansin kong natulala siya sa nasaksihan, at naramdaman kong nahiya siya sa akin dahil sa nangyari.
TITA : Iho, pasensiya na ha. Di man lang kita naipagtanggol. Natakot kasi akong paalisin din niya dito, wala naman akong ibang puwedeng puwestuhan para mamalimos...
AKO : 'Ala ito tita. (Ngumiting may pagyayabang) Pamangkin po ako ni Marcos, siya na po bahala dito.
TITA : (Natulala) P-patay na po si Marcos di ba?
Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako ulit at kumindat, kunwa'y may confidence pa din at hindi naapektuhan sa nangyari (Ngunit sa sarili ko'y iniisip ko na kung saan ako pupulot ng sanlibong piso).
MORAL LESSON? HUWAG IPAMUMULSA ANG RESIBO NG KFC.
Thursday, April 24, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
23 comments:
ang galing mo naman talaga, naisusulat mo lahat. sana ako din ganyan no? feeling ko dito mo naipakilala ang sarili mo mostly. dami ko nalaman tungkol sayo. una,may puso ka talaga sa mga mahihirap.ikalawa,nananapak ka pala?ikatlo,ibang lebel talaga ang humor mo sa katawan.ikaapat,magaling ka matuto ng moral lesson sa buhay hehe.
seriously naaliw ako habang binabasa to,parang ayaw ko pa nga matapos.pero ang bigat din sa dibdib tanggaping may mga ganung tao pala.nakakainis,ano ba ang ginawa nila sa kapuwa nilang nangangailangan diba.
hihihi...ayan kasi ibinulsa pa...
papalit ng kabit ha
Totoo ba 'to? Parang gusto kong magmuraaa!!! Grrr...
Mga lecheng hyena yan! Hindi sila kasama sa tinutukoy ni Ninoy na worth fighting for. Mga hayup! >= C
ngayon lang ako magcocomment, reader mo lang kasi ako na hindi nagiiwan ng comment. I just can't help but be pissed off with those hyenas. Tao ba sila wala silang nga puso? Nanggigigil ako while reading the story and I even read again. Madalas ko sila nakikita din, mga nakacivillian na bata ni gloria yan tama ba? Pag nakasalubong ako ng isa sasampalin ko para sayo. Nakakagigil sila mga hayup!
kala ko sinapak mo nga...sayang...hahah
moral lesson: wag na magbulsa...por-e-ber!!!ahahah^_~
at kailangan pa talagang extra ako, si greenpinoy at si what went wrong? haha... sana sinapak mo. may mga CIA agents naman tayong kilala di ba? *hithit ng hangin*, shet nadulas ako. ok lang yan pre, malaki naman ang suweldo mo, kasinglaki ng puso mo
hindi ako nagmumura pero mga Putangina nila!!!!!!!!!!!! nakakagigil sila sobrang nakakaasar na puro pera habol kasi may komisyon sila sa mga nahuhuli nila. baka hindi ako makatulog nito mga hayop sila aaaaaaaahh!!!!!!!!
nang dahil sa isang resibo ng kfc, gagastos ka ng isang libo???!!! ang sakit naman nun sa kalooban...
putangina talaga yang mga yan! ayan, napamura na din ako. nakakagigil talaga kapag naaalala ko mga hyena at mga buwaya.
pinsan din nila yung mga nasa government agencies.
sana tinotoo mo na lang yung dalawang talata. hehehe.
baka naman gusto mong idulog ito sa NGALAN NG BATAS, (tanging sa Green Forums lang at bibigyan natin ng katarungan)!
@beatrice: haha dyan ako magaling, sa mga walang kwentang moral lessons hehe...
@de lyzius: sure!! pansin ko nga dalawa pa ang link ko sa blog mo hehe tnx ; )
@gasdude: magmura ka lang idol! hehe... at sana magpost ka na ng bago...
@anonymous: hayup nga sila, kaya nga hyena hehe... tnx!
@peyt: tama, kung pera kaya ung nalaglag sa bulsa ko, kakasuhan din ako?
@chrone: hoy nasa training ka! makinig ka wehehehe...
@rhea: ooops bad words... masama yan...
@lingling: hmmm korek, mas mahal pa ang multa kesa halaga ng chicken longanisa...
@rj: oo nga pre, sana sinapak ko na talaga...
@jim: hmm oo nga no, idulog ko na! teka, hindi ito isang kenkay na joke lang ha. hehe...
hmmm... base sa aking analysis, palagay ko lang... kung nag offer ka din sa kanya ng lagay, di ka niya ti-ticket-an... kasi nainggit naman siya kay tita.. tipong, bakit si tita lang may pang merienda?
or...
nainis sya, kasi ang nilaglag mo ay kalat pa, pero nakatitiyak ako.. kung pera un, never na niyang kukunin ang iyong atensyon, pulutin na niya yun at ibulsa...
mga anak ng pinutukan na lintek talaga sila... amfufu!!!
Sana hiniritan mo nung "ikaw ba sa buong buhay mo hindi ka nagkalat?"
Tapos kapag sinabi niyang "hindi"
Sagutin mo ng "ah, okay".
O kaya naman eh "hindi ka pa nagkakalat? eh paano mo ipapaliwanag yung mukha mong daig pa plema ng may tuberculosis?"
Minsan talaga merong mga tao na mapagsamantala. Hahanapan ka ng kahit na anong uri ng kahinaan tapos yun ang ipupukol nila sa iyo. Sa kasong ito, resibo ang kahinaan mo.
Okay lang yan boss Lethalverses, kapag bumalik naman yan sa susunod eh matindi na ang kapalit. Malay mo eh masagasaan naman ang hyena sa istampid ng mga Gnu, eh di fair lang.
Sna inalok mo na lang ng Cheeseburger!
"Wow aba nakita mo! Pa-cheeseburger ka naman!"
@shayleigh: hmmm ano kaya ilalagay ko dun? kamote galing kay jeckyll? haha... (teka, hanggang ngayon iniiip ko pa din kung bakit ka "blackheart")
@mariano: gusto ko nga sanang laitin.. kaya lang ang hirap mas pangit ako sa kanya kaya baka hiritan ako ng "e ikaw naman mukhang nakakalat na sipilis" haha
@j,bo: wahahaha ang galing talaga ng wits and humor mo sa katawan! pa tsisbardyer ka naman! bardyer! bardyer!
ang kapal ng mukha nung hyena na yun...
hindi na nga ako magpupunta ng makati baka malapa din ako ng hyena, wala naman akong pera pambayad sa ticket...
pero ayos ka, nakapagpigil ka na hindi sapakin un,kasi kung ako bka sinapak ko na nga yun..eh kasi tanga sya di nya alam iyong pagkakaiba ng NAHULOG at HINULOG...
hehehe...bakit kasi dala dala ang resibo ng KFC??
Bakit Blackhart?! Well, it's for me to know and for you to find out... :P :D
ARGHHHHHHHHH KAIRITA!!!
kairita siya !!!
mga mukhang RED+RED+VIOLET+VIOLET+VIOLET+VIOLET...AND SO ON!!!
gahhhh rowr.
wala lng. antanga nia. tanga siya. actually hindi tanga e... engot. pointless. hindi ma-defend ang point niya. rowr. rowr!!!
^ para akong sira sa way ko mag-comment haha...
tangenang tao naman iyan. kung ako sayo itinuloy ko na ang pagsapal sa taong iyon. huwag kang papayag na akusahan ka ng isang bagay na hindi mo naman talaga ginawa. at sa kanya na mismo nanggaling na nalaglag yon. hmm
sayang din ang isang libo, dalawang barrel na nang san mig light yun!
hapit yang mga yan kasi may quota sila sa matitiketan nila.. parang kumisyon.. relax lang pre.. may kilala ako sa city hall ng makati.. :) wla lang, kilala ko lang sya.. baka kilala mo rin.. haha:) biro lang..
pero tama si steph e, dapat sanabi mo na nga lang na sana nag pa cheeseburger na lang sya.. hahaha!
Post a Comment