Showing posts with label all in a day's life. Show all posts
Showing posts with label all in a day's life. Show all posts

Monday, September 22, 2008

Burnham Prank Teaser

Due to insistent greenies' demand, eto na ang video ng latest prank namin last Saturday sa Burnham Park, Baguio City...




or watch this video in youtube : http://www.youtube.com/watch?v=5YeC5n2jVek


syempre pa, teaser lang ito. hintayin ang full length video mula kay GP.

enjoy!

Wednesday, August 20, 2008

nang mapangiti ako dahil sa ikalawang anibersaryo ng EB Babes

WALA akong planong magblog ngayon, anupa't hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong isang artikulo tungkol sa *******.

Ngunit nabigla ako (siyempre, natuwa na din) nang mag YM ka sa akin upang ibalitang ayon kay Vic Sotto at Joey De Leon, magda-dalawang taon na ang EB Babes ng Eat Bulaga!.

Natuwa ako hindi dahil sa fan ako ng EB Babes (pero krass ko si Lian). Natuwa ako dahil magda-dalawang taon na pala mula NOON.

Labo no.

Ang ibig kong sabihin ay lumalabas na mahigit dalawang taon na pala mula noong nanonood tayo ng Eat Bulaga. Mahigit dalawang taon dahil tama ka, noong nanonood tayo ay rehearsal pa lamang nila noon; ngunit ngayo'y magi-ikalawang anibersaryo na nila.

Natatandaan ko pa noong mga panahong nagmamadali tayong umuwi para lamang abutan ang Eat Bulaga. Hindi dahil upang mapanood ang EB Babes kundi upang abutan ang Bulagaan! portion nila. Kasagsagan pa noon ng Knock-Knock nila kung saan paulit-ulit na ginagamit ni Vic at Jose ang kantang "Sing" ng The Carpenters.

At kasama ng mga alaalang iyon ay ang marami pang mga moments na pinagsamahan natin gaya ng "yb @ dafourth with 7-11's h & c sandwich", "beydey theories", CBTL, Pancake House sa 8 Waves, Adobo ni Sosing's, Puzzle Book na hinanap sa Dela Rosa habang umuulan at walang payong, lapalapalapa song, segafredo, sayaw ng 'pump it' at 'hips don't lie', fight club, another suitcase in another hall, difference between complicated at difficult, at marami pang iba.

Marahil nga'y likas sa tao ang magreminisce ng mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, lalo't masasabi mo sa sariling "huwat? 2 years na yun?"

Alam mo kung sino ka, kaya't hayaan mong kunin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ka sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Those memories further shaped my capabilities and who I am today. I'm glad we're still friends. And as agreed, I'll be there on your wedding day, and I hope you'll be there too when my time comes to walk my wedding march.

Yes, I've been over our past. If you'll ask me "Kailan pa?"



...mula ng muli kong tikman ang Java Chip Frappucino ng Starbucks.

Tuesday, July 1, 2008

ng minsang itapon ko ang isang tula




paalam,
sa isang piping sagot
para sa katanungang
hindi na matutugon.

paumanhin,
sa mga iniwang taludtod
para sa isang panaginip
na kinailangang gisingan.

pagkat mapait na ang tinta
ng aking panulat,

...at kailangan ng lumaya
ng hangin.


AT ang lahat ng ito'y kahapon na lamang
ng minsang itapon ko ang isang tula
na isinulat
sa papel
na itinatwa
ang sarili kong salita.

Monday, May 12, 2008

HMD!!!

Sa aking ina:

walang salitang makatutumbas
o makasasapat
upang maibahagi ko't
isigaw sa buong mundo
ang lahat ng iyong mga
kadakilaan...



"HUY!!! ANO YAN? DRAMA NITO!"

Naputol ang tulang sinusulat ko sa itaas dahil napadaan pala si Mama sa likod ko habang tinatapos ko ang lathalang ito. Sabi ko na nga ba, dapat tinapos ko na ito sa Makati, inuwi ko pa kasi dito sa Bulacan para tapusin. Ayan tuloy, late na ang post ko.

Nilingon ko si Mama, nakangiti siya sa likod ko. Oo, si Mama ay tunay na pilipinong makulit (sayang nga at wala siyang blog), pero obvious naman na sobrang touched siya pag naaalala siya sa mga ganitong pagkakataon.

At dahil nagulat na niya ako't naglaho na ang writing momentum ko, tumayo na lamang ako at inulit ko ang pagyakap at pagbati sa kaniya ng Happy Mother's Day. Haay, ang mama ko talaga, nanggugulat pa rin kahit hindi na bata weeee...

Ang mga ina marahil ang mga pinakahinahangaan kong tao. Larawan sila ng pagtitiyaga at sakripisyo. Natatandaan ko pa ang mga panahon na hindi natutulog si Mama kapag may sakit ang isa sa amin ni Ate. Kahit nahihirapan siya'y hindi niya inaamin sa amin, kinakaya niya ang lahat para lamang sa kapakanan naming magkapatid - at nagpapakita siya ng kalakasan at katatagan para lamang huwag naming malaman ang anumang maaaring makaapekto sa focus namin sa pag-aaral.

Hindi ko din naman masasabing lumaki akong ganap na maipagmamalaki niya. Marami akong naidulot na dalamhati sa kaniya: Pangkaraniwan na sa kaniya ang may magsumbong na magulang ng aking kaklase dahil sa mga kalokohan ko. At handedpersentsyur, ipagtatanggol niya ako sa mga magulang pero kwidaw, pag alis ng mga iyun ay ako na ang haharapin niya't pangangaralan. Oo, naranasan ko na din ang mapalo sa puwet; at natutunan kong the number of palo increases once the obvious extra padding of notebook sa puwet was discovered - malay ko bang halata pala ang notebook as palo absorber.

Mama, kahit alam kong hindi ka nagbabasa ng blog ko at mas pinili mo pang itago at ulit-ulitin ang mga sinulat ko noong bata pa ako (katwiran mo kasi'y nakakaduling magbasa sa computer), hayaan ninyong ipahayag ko sa mundo ng blogosperya ang pagmamahal ko sa iyo.

I love you so much Mama, I can never imagine where would I be now if not for all the sacrifices you've made...

Happy Mother's Day!!!






AUTHOR'S NOTE: at sa mga ina ng aking mga kaibigan - salamat sa inyo at happy mother's day din! Mabuhay kayo!

Thursday, April 24, 2008

nang lapain ako ng hyena sa siyudad

ILANG minuto pa lamang ang nakalilipas habang sinusulat ko ito, naglalakad ako sa kahabaan ng Buendia pauwi galing sa opisina ng makita ko si "Tita" na nakaupo sa paborito niyang sulok. At dahil "bespren" na daw niya ako, malayo pa'y ngumiti na siya sa akin.

Oo, hindi pang close-up smile ang kaniyang ngiti: anupa't ang gilagid niya'y halatang malaon ng tinakasan ng kaniyang mga ngipin. Ngunit para sa akin, ang ngiting iyon na pagbati - na tatagos sa iyo ang sinseridad at walang pagkukunwaring kasiyahang makita ka - ay ang dabest na ngiting nakita ko sa buong araw (teka, hindi ko kasi nakita ang ngiti ni what went wrong).

Pero hindi si tita ang topic ng post ko ngayon. Hindi siya ang hyena, at lalong hindi din niya ako nilapa.

Ang nangyari kasi, binigyan kong muli si Tita ng kaunting baryang kahit paano'y pantawid gutom na din. Ngunit di ko naman alam o talagang masukal lang ang bulsa ko sa sari-saring basura, pagdukot ko'y nalaglag pala ang resibo ng kinain ko kanina sa KFC (yup, sawa na kasi ako sa jabi dahil kasama ko madalas si chroneicon wehehehe) at ayun, nang paalis na ako'y biglang may sumigaw sakin:


HYENA : Boss (nampucha, boss niya pala ako e bakit nya ko sisigawan?), sandali lang. Pakipulot ho yung tinapon niyong kalat.

AKO : [Nagulat] Ha? (mas mahaba pa ang "ako", emosyong inilarawan at ang walang kuwentang paningit na ito kaysa sa aktwal na sinabi ko dito)

HYENA : 'Yun hong papel. [Itinuro ang noo'y nakahandusay na kapirasong papel sa bangketa]

AKO : Hindi sakin yan, wala akong tinapon. [salubong ang kilay]

HYENA : 'Senyo ho yun, nakita ko tinapon mo. Galing sa bulsa mo, nalaglag. [labo ng logic niya no - itinapon ko tapos nalaglag daw]


At dahil hindi umepekto ang pagsalubong ko ng kilay at alam kong masukal ang aking bulsa, minarapat kong pulutin ang papel na mukhang malinis naman. Pagbuklat ko, nakita kong sa akin nga iyon dahil natandaan ko pa ang serial number ng resibo ng KFC (siyempre joke lang. Item code ng chicken longanisa meal ang natandaan ko).


AKO : 'Pre nalaglag lang 'to, hindi ko tinapon.

HYENA : Ganun din yun, littering ka. (di ko naman nabasa ang sinabi niya kaya di ko alam kung tama ba ang spelling ng "littering" ng bigkasin niya iyon) Nakita ko nalaglag yan sa bulsa mo pagdukot.

AKO : (umuusok na ang ilong) Nampucha, nalaglag pala e, ibig sabihin di ko sadya!

HYENA : Boss wag ka ng magreklamo. Kahit sadya o hindi, nagkalat ka pa din. 'Akina I.D. niyo.


Napakamot ako sa batok at seryosong gusto ko nang sapakin ang kaharap ko. Walang puso; nakita niya palang nalaglag sa bulsa ko pagdukot ko kanina, e di ibig sabihin nakita niyang nilimusan ko lang si "Tita". Sana pinalagpas na lang niya. Iniisip ko ng oras na iyon: "Pucha, ang liit nito kumpara sa akin. Isang sapak lang sa ilong nito, malamang babaon ang butas ng ilong nito hanggang tonsils. Nakanampuchang buhay 'to. Ito ang mga pagkakataong sinasabi ko kay kaibigang ronwaldo na minsan, away talaga ang lumalapit sayo. 'Yun bang kahit anong iwas mong huwag na ulit makipagbasagan ng ulo, darating pa rin ang panahong hahabulin ka ng away. Tulad nito.

Ang nangyari? Hindi ko napigil ang sarili ko. Hinawakan ko ang kanan kong tainga (ito daw ang sign na mananapak na ako, ayon sa mga matitinong basagulerong barkada ko dati) at bigla kong sinapak ng isang straight ang hyena. Napahandusay siya sa kalsada habang sumasargo ang dugo mula sa pumutok na kilay at ilong.

NAGKAGULO ang mga tao. Nagsitakbuhan palayo ang mga naglalakad malapit sa amin na para bang umutot ako ng nuclear bomb gaya ni greenpinoy. Narinig ko ang silbato ng pulis at sirena ng isang police car. Ilang sandali lamang ay umugong sa paligid ang nakabibinging ingay ng helicopter. Lalong lumiwanag sa paligid ko dahil sa tanglaw ng spotlight galing sa helicopter, na noo'y may mga sundalong bumababa papunta sa puwesto ko gamit ang lubid. May dumating na paladin at crusader tanks, comanche...

Siyempre, joke lang ulit ang huling dalawang talata sa taas. Hindi ko sinapak ang hyena. Nakapagtimpi ako dahil naipangako ko sa sarili kong hindi na ako muling mananapak ng tao. Ngumiti na lang ako at pinagtawanan ang katangahan ko.

Ang ending, inisyuhan niya ako ng violation ticket. Tinanong ko kung magkano, ang sabi'y isanlibo daw ang multa at kailangang sa city hall ng Makati ko mismo bayaran. At humabol pa - sa loob lang daw ng tatlong araw.

Tinanggap ko ang ticket at nilisan ang lugar ng krimen. Ngunit binalikan ko muna si "tita" dahil napansin kong natulala siya sa nasaksihan, at naramdaman kong nahiya siya sa akin dahil sa nangyari.

TITA : Iho, pasensiya na ha. Di man lang kita naipagtanggol. Natakot kasi akong paalisin din niya dito, wala naman akong ibang puwedeng puwestuhan para mamalimos...

AKO : 'Ala ito tita. (Ngumiting may pagyayabang) Pamangkin po ako ni Marcos, siya na po bahala dito.

TITA : (Natulala) P-patay na po si Marcos di ba?

Hindi na ako sumagot. Ngumiti na lang ako ulit at kumindat, kunwa'y may confidence pa din at hindi naapektuhan sa nangyari (Ngunit sa sarili ko'y iniisip ko na kung saan ako pupulot ng sanlibong piso).









MORAL LESSON? HUWAG IPAMUMULSA ANG RESIBO NG KFC.

Tuesday, April 15, 2008

the quick brown fox jumps over the lazy dog










Kagaya ng email teaser/invite na pinadala ko para sa Anawangin Trip nitong April 12-13, walang kinalaman ang fox at dog sa post na ito. Talagang mahina lang ako sa pagiisip ng malupit na title.


Anyway, nakauwi kami ng buhay at kumpleto mula sa overnight camping trip sa Anawangin, Zambales kasama ang mga seksi at matipunong mga opismeyts ko (current at former - wehehehe) , si greenpinoy, chroneicon, gasolinedude at iba pang mga kaibigan.


At dahil kagabi pa ako hindi makapagupload ng pictures dito, ibahagi ko muna ang mga mga makukulit na pangyayaring naganap at mga makabuluhang obserbasyon ko :

Sa bus (nahiwalay ng upuan si chroneicon sa amin at maya-maya'y nagtext sa akin) : "Pota pare hindi ako makatulog. Ung katabi ko, anghaba at pagkarami-raming buhok sa tenga! Anak ng kuneho may dandruff pa sa ears! Nawala ang antok ko sa nakita ko!!!"

Sa bus pa din: May itinatagong kapangyarihan ang katabi kong itatago ko na lang sa pangalang "mragmak" - NAPAPALAMBOT niya ang bintanang salamin ng bus dahil hindi nya naramdaman ang ilang ulit na paghampas ng ulo nya dito habang siya'y malalim na natutulog.

Isang certified wrestler at gymnast si gasolinedude - magaling siyang magpagulong-gulong sa buhangin at kaya niyang manatiling gwapo kahit "sinasadyang napapatid" sa mga lubid na bakod ng camp area. Marami din akong natutunan kay gasolinedude - gaya ng ang bagong spelling pala ng inggles ng "ANO" at "BAKIT" ay pareho na palang "W-H-Y".

Malaki ang katipiran sa isla - dahil walang signal ang kahit anong network sa nabanggit na lugar, dito ko naappreciate na pwedeng gawing flashlight at pangamot ng likod ang cellphone ko na ginamit ko din bilang game & watch.

Fashionable at malakas pala sa tsiks ang manipis na shorts na may mahabang punit sa puwet at ipinapakita ang orange na brief - iyan naman ang natutunan ko sa kasama kong itatago ko sa pangalang "bab".

Mutant ang isang kasamahan kong itatago ko sa pangalang "ateya" - kaya niyang mabuhay at umakyat ng bundok kahit tictac mint candy lamang ang kaniyang kinakain.

Puwedeng maging pinakamalusog na boldstar ng siglo si greenpinoy. No further explanation needed, tingnan na lang ang patunay sa ibaba:




Mabilis malasing kung may kausap kang maganda at seksing tsiks na itatago ko sa pangalang "laleyn na kaibigan ni ateya" - sandali lamang ay senglot agad ang dati ko nang kasama sa bundok na itatago ko naman sa pangalang "tsino" na noo'y halos hindi tablan ng alkohol kahit butane na ang ginagawang chaser.

Mas mahusay sa pandaraya este sa charade ang mga lalaki kaysa sa babae. Akalain mo yun, nagjumping jacks ang mga babae sa highway, facing the commuters nang matalo sila sa charade habang naghihintay ng bus pabalik ng Maynila.




Nahanap ko ang "ulo ng puso" na pinapahanap sa akin doon ni kaibigang "ody", at naririto sya:




Pero ito ang pinakapeborit kong picture sa Anawangin. Gumising ka Greenpinoy!!!



..salamat sa masasayang kulitan moments!!! hanggang sa uulitin!



Thursday, April 10, 2008

TANGA KASI AKO KAYA AKO NATALO SA NBA 2K8



kalahating joke at kalahating totoo ang title ng post kong ito.

joke dahil hindi ako ang natalo.

totoo dahil totoong may natalo, at iyan ang title ng post sa blog nya ngayon hehehe...

there's a boy in every man, as they say. at isa diyan ang paglalaro ko ng PS2.

at dahil mahilig din diyan ang isa sa mga bespren ko at fellow blogger na hindi ko papangalanan, nagpustahan kami na maglaban in a best of 5 game. ang matatalo sa serye ay magbabayad ng pustang P300.00 at ang malupit: ipopost ang kahihiyan sa blog gamit ang titulo ng blog na ito.

siyempre, ang team ko Cavaliers (go Lebron!!!).
at siya naman, dahil kamukha daw nya si Kareem Rush (tingnan ang larawan sa baba), Pacers ang pinili nyang team.



...ang resulta? ayun, tingnan ang blog na ito para malaman kung sino ang natalo hehehe... ANGNASWEEPATUMUWINGLUHAANGBLOGGER

Monday, April 7, 2008

ako, si greenpinoy, si gasoline dude at si chroneicon...

biglaan lang, nagkikita kami kagabi.


walang plano, tinawagan lang ako ni GP at ayun, nagkikita na kaming apat.

may nadicover ako:

si gasdude - ang lupet kumanta, pwede kong ipusta yan sa mga fiestahan pag may kontest.
si greenpinoy - parang tubig lang ang alak, minumumog pa bago inumin.
si chroneicon - mabagal kumilos, pero at least may isang salita at hindi drowing (hindi tulad ni espie na kaibigan namin hehe)





(L - R) : gasdude, chroneicon, ako, greenpinoy

so kelan na ang grand EB ng mga bloggerus greenieccus?

thanks to gasdude para sa pix...

Wednesday, April 2, 2008

with or dibouchoo

dahil di kami makaget over sa hinayupak na "ken lee", tumugtog kami ng isa pang revival ng ibang song - ang "with or dibouchoo".

BABALA : masakit sa tenga.

lead - wally
rhythm - chie (chroneicon)
bass - ako



ISA PANG BABALA : Don't try this at home - baka patayin ka ng mga kapitbahay mo.

Tuesday, March 18, 2008

ang alamat ni zeny

maliban sa "zeny" ang tatak ng gitara, walang kinalaman ang titulo sa blog. naisip ko lang yan dahil wala akong maisip. sabagay, kilala naman ako bilang mahina sa pagbibigay ng angkop na pamagat ng aking sinusulat, kahit tula pa ito o vandalism sa poste namin sa bulacan.


anyway, gusto ko lang isulat sa kasaysayan ko na mayroon na akong bagong gitara - makalipas ang mahigit sampung taon (for more info about my aged, battle-scarred, more-than-a-decade-old guitar, click here and nothing will happen).


narito na siya:



sariwang-sariwa:


yup, nakakatayo na syang mag-isa:




ang malupet na tagasabi kung nasa tono pa ba ako o hindi:





...syempre, may sampol ng quality ng sounds nya, if pangit man ang lumabas, blame it on me hehe (playing "intro medley no. 4"):






...salamat kay sarah sa pagpapakilala kay Zeny Bandilla, ang itinuturing na isa sa pinaka dabest na local guitar manufacturer sa balat ng pilipinas.

Wednesday, March 12, 2008

weeworld

ganito ka "cool" ang titser anne namin... ito ang isa sa mga tinuturo nya, ang paggawa ng weemee.

sinubukan ko, at nag-enjoy ako hehe...

etong itsura ko sa cartoons:




si titser anne:




si olive:




si jolly O:





try nyo!

http://www.weeworld.com/