I never seek for it, yet it came upon me
like the proud sun, beaming across the earth
with its warmth soaked in euphemisms
disguising itself with its radiance,
blinding all eyes - seeing that everything's
about radiance and beautiful weekend mornings.
tell me, shall I just wait for the day to end,
though aware, I am, that there'll be no dusk?
or I should just run, sought the refuge
of shadows and its damp chill, awaiting
for me, once I give up my first quest
to find THE reasons ...elsewhere?
Wednesday, July 30, 2008
Saturday, July 26, 2008
kay "Tita"
hinahanap ka sa akin ng lupa,
na dati mong kapiling
sa pag-asam ng isang pahinga.
hinahanap ka sa akin ng ulan,
na dati mong kasabay
sa tuwing aagos ang iyong mga luha.
hinahanap ka sa akin ng hangin
na dati mong tagapakinig
sa mapapait mong mga hinakdal.
wala akong maisagot
sapagkat hinahanap din kita.
...PAGKAT bakante na ang bangketa
na nagsilbing iyong sanktuwaryo
sa paghahanap ng barya
at mailap na biyayang
maipantatagpi sana
sa inaagnas mong sikmura.
at hindi ko na rin batid
kung ikaw pa ba'y naririto pa
...o ang katawan mo'y
inangkin na ng lupa,
ang hininga mo'y
nilunod na ng ulan,
o ang buhay mo'y
inagaw na ng hangin.
alay kay "Tita"; 70-80 taong gulang; pulubi/cigarrette vendor.
naninirahan sa Makati; dayuhan sa sariling mundo.
Friday, July 18, 2008
isang pasasalamat sa isang simula
may alab ang tawag ng isang plumang nakapinid,
gaya ng tula na tugma na ang nagpupumilit;
tubig na sapilitan mang sa palad ay ikulong,
dagliang umaalpas at sa lupa'y magkakanlong...
Pramis, tinangka kong gawing seryoso ang lathalang ito. Ngunit sa anumang kadahilanan ay hindi ko magawa - marahil ay dahil nalulunod pa rin ako sa excitement na may reunion concert ang EHeads.
Nakatataba ng pusong malaman na may mga nag-alay sa akin ng tribute para sa namayapa kong blog. Maging ang mga reaksyon sa YM, text, tawag, kumento sa mga blog, reaksyon sa forum, ay nagsilbing pigrolac sa nangayayat kong panulat.
Kaya bago ang lahat ay hayaan ninyong pasalamatan ko kayo. Alpabetikal na lang para peyr:
ayzprincess - salamat sa tulang inialay sa akin kahit hindi ko pa ito natatanggap. salamat sa pangungumusta at pagtatanong na "kumusta ka na, sher sher?"...
chroneicon - sa tribute na nagsilbing one final push para bumalik na ako't magsulat. sa pagiging isang tunay na kaibigang naririyan noong emo mode pa ang dating lethalverses...
damdam - salamat sa mga luha mong sinayang nang matuklasan mong wala na ang aking blog; at sa mga matatalinong usapan na gumising sa aking nakukultang utak...
espie - salamat sa pag-aabang kung ako'y babalik pa nga ba, at sa mga text message na hindi ko na nasagot ng mga panahong iyon...
faith - sa pagbabalik sa akin ng mismong mensahe ko sa iyo noong ikaw ay nasa hiatus mode - na tumimo sa akin at nagbigay daan upang mabuksan ang daan pabalik...
goddess - sa mga walang sawang pangungumusta at sa blog tribute... salamat sa lakas ng iyong loob na "ampunin" ang mumunti kong tula...
lashingheroes & co. - siyempre sa mga greenies na laging naririyan, laging nangungumusta, laging nagnanais na pasiyahin akong muli, at humihiling ng aking pagbabalik...
jeck - salamat sa blog tribute. kahit na bihira kang magpakita sa amin ay nananatili ka pa ring loyal sa naumpisahan ng samahan...
jimg - sa iyong pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. ang totoo niyan ay ikaw ang naunang nagbigay ng blog tribute sa akin...
jimg - sa iyong pagtitiwala at paniniwala sa aking kakayahan. ang totoo niyan ay ikaw ang naunang nagbigay ng blog tribute sa akin...
kdr - siyempre, sa pagiingat ng aking domain name upang matiyak na walang ibang maaaring makakuha ng "lethalverses" name. salamat...
mte - muli, sa napakalalim at mabagbag-damdaming blog tribute. kahit na ilang taon na ang nakalilipas ng huli tayong naging magkakabarkada'y naririyan ka pa rin...
shayleigh - sa overseas call upang mangumusta lamang, sa pagiging sweet na kaibigan bagamat kagaya ng karamihan ay hindi pa rin kita nakikilala ng personal...
at sa IYO na nagbabasa nito. salamat sa iyong paghihintay, at sa pagtangkilik.
...at kay AIR - salamat sa iyong pang-unawa... SALAMAT, mananatili kang magandang alaala at inspirasyon ng aking panulat.
Thursday, July 17, 2008
Tuesday, July 1, 2008
ng minsang itapon ko ang isang tula
paalam,
sa isang piping sagot
para sa katanungang
hindi na matutugon.
paumanhin,
sa mga iniwang taludtod
para sa isang panaginip
na kinailangang gisingan.
pagkat mapait na ang tinta
ng aking panulat,
...at kailangan ng lumaya
ng hangin.
AT ang lahat ng ito'y kahapon na lamang
ng minsang itapon ko ang isang tula
na isinulat
sa papel
na itinatwa
ang sarili kong salita.
Subscribe to:
Posts (Atom)