Ang sumusunod na tula (base sa totoong pangyayari) ay una ko nang inilathala sa namayapa kong blog noong naguumpisa pa lamang ako dito sa blogspot.
Akin itong ilalathalang muli upang kahit paano'y maging kalabit sa ating mga puso; upang tayo'y maging handa sa mga masaklap na katotohanan ng buhay na haharapin nating mga lashingheroes at greenies bukas, ika-23 ng Agosto, sa isang purgatoryo sa lupang kung tawagi'y PGH.
patawad.
itinuring ka naming
isa lamang sa karamihan
ng mga nakaratay
na katawang
humihinga ma’y
nagbibilang naman
kung ilang hibla pa ng hangin
ang kaya nilang habulin
bago tuluyang bumigay
at tanggapin
ang wakas
na itinakda na
mula ng kayo’y limutin
at ituring
na isang alaala na lamang.
patawad.
bagama’t amin nang narinig
na kulang ka na lamang
ng halagang trenta pesos
upang mapunan
ang pangangailangan mong
gamot,
ay nagpatuloy pa kami
sa iba mo pang mga kasamahan
at nangahas, sumugal,
na sila di’y matutugunan.
patawad.
sapagkat kami’y nagutom
at inuna ang kapritso
ng hangal naming sikmura,
at hindi agarang nakabalik
dala ang iyong gamot
na disin sana pala’y sinulid
na maipantatagpi
sa butas mong puso
na tinatakasan na ng hininga...
patawad.
naging mangmang kami
sa tunay mong kalagayan.
patawad,
dahil ang tangi na lamang dinatnan
ng gamot mong matagal nang hinintay, inasam
ay ang malamig mong katawan
na binalutan na ng kumot.
...ang kumot na tangi mong kasama’t
karamay
sa nabigo mong laban
na dugtungan ang buhay
na amin namang ipinagpalit
sa kalahating oras
na pagkain ng tanghalian.
* Based on a true account of a visit to PGH ward, Manila.
38 comments:
shock. iwas reading the lines and it made my heart stop, pero lalo na when i read that this is a true story pala. it happened, all because of 30 pesos? but dont blame yourself, the fact that you were there means you and your friends are very willing to help. and im proud of you.
a five star rating! you really are a great great writer..i couldn't have done it better - the delivery, the chronology, the choice of words, the wisdom. great job!
thanks for opening our eyes again,lethal. Your verses realy lived its name: LETHAL. STRONG. POTENT.
nice of you to spread the message pre, let us not make the patient's death in vain...
outstanding writing skills...please keep this up.
ouch! if this is a true story... sobrang nakaka-touch/shock... i dunnoh! i can't find a right words to fit in. parang gusto kong maiyak, sobrang nabagbag ang aking damdamin. this is the first entry i read in your blog but it was like an arrow that hits my heart... bullseye!
yes shay, sadly but this is a true story..
how long have you been writing? sobra,as in you're soo good.
nakakahanga. tumulo ang luha ng kapatid ko ng ipabasa ko sa kanya ito. sana'y magsulat ka pa ng magsulat. mahihilig ako sa blog nito, kahit wala akong blog.
BANG! sapul kami dito sa Winnipeg ng tulang ito.
totoo bang nangyari ito?kung ganun man,grabe naman.inulit-ulit ko tong basahin at napaluha ako.salamat sa eye-opener.
Akin lamang napansin, base sa mga artikulo at tulang iyong sinusulat sa blogsite mu, madalas eh tungkol sa kahirapan ng Pilipinas.
Nabasa ko rin yung mapalad ang mahirap.
Naisip ko lang naranasan mo bang maging mahirap? Naranasa mo bang malipasan ng gutom at maglakad sa kawalan para lang maraos ang hapdi ng tawag ng sikmura?
Naisip ko lang may nagawa ka ba dun sa batang nag titinda ng diaryo?
Maaring oo. Ang pag lathala ng larawan ng bata. Tanong ko lang Batid ba ng bata ang paga gamit mo ng kanyang parte ng buhay?
NAisip ko lang maaring sa mata ng karamihan eh kamalian ang sinusulat kong ito. Pero para sakin kung talagang may malasakit ka may magagawa ka. Hindi ang personal na layunin. Hindi dahil na inspired ka lang.
salamat, anonymous. tama ang iyong mga obserbasyon, katanungan at saloobin.
Unang-una, oo. May personal na layunin ako sa paglathala ng mga ito: upang maipamulat, at magsilbing inspirasyon din sa iba, ang katotohanan sa likod ng bawat saya at luho natin. At kung mayroon man akong ginagawa bilang malasakit? ..hindi ko na pinili pang ibahagi ang sagot sa tanong na yan.
Salamat pa rin sa pagkomento, yan ang kailangan ko. Salamat ; )
hey hey anonymous.kung sino ka man,bakit ganyan ka magreact?naiinggit ka lang siguro sa skills ni lethal sumulat.di mo ba nababasa?nandun sila sa pgh ward when it happened!ibig sabihin,they were there to help!at ikaw,natapak na ba ang paa mo man lang sa mga ganung lugar!!
i first read this in my officemate's cube, he apparently printed this page and clipped it in his cube. then i took note of the website, read the other articles and got hooked. i hope all blogs are as sensible, entertaining like this. my officemates will surely be surprised to see my name here - proud! thanks and great work.
beatrice:
laki ako sa hirap, pero hindi ako bitter. Hindi rin
ako naiingit at wala akong dapat kainggitan.
Ang punto ko lang, may mga taong nag sasabing
naiintindihan nila ang mahihirap pero ang
totoo hindi nila alam ang depinisyon ng
kahirapan. At may mga ilan na ginagamit ang
kahirapan ng iba sa sariling kapakanan.
Hindi ako nag post para mag mulat. Tapos
na ako sa panahong iyon. Nag post ako dahil
nag tatanong ako. Dahil may gusto akong malaman.
Yan lang at wala nang iba.
salamat anonymous at beatrice sa pagkomento sa aking mga sinusulat. dahil pinili kong ilagay sa blog ang karamihan sa mga aking sinusulat, nangangahulugan itong handa akong tanggapin ang anumang puna at komento, positibo man o hindi.
sana'y huwag namang maging personal ang issue sa inyong dalawa, beatrice at anonymous.
peace! sabi nga ng katabi kong si JollyO ;)
oo nga sayang naman ang kagandahan ng mga nakasulat dito kong dito kayo maga away.
sali din ako sa fan's club mo lethal!
na touch naman ako sa tulang ito
grabe,,,kinilabutan ako...
ako excited na para sa sat.. pero kinakabahan din..
medyo mahina ang loob ko pagdating dyan.. pero psych ko talaga ung sarili ko na di ako iiyak. :D
PAUMANHIN sa mga hindi ko nasagot na mga comments noong ilathala ko ito limang buwan na ang nakalilipas...
...at sa mga makakasama ko sa sabado, tama si chroneicon : MAIHAHANDA LANG NATIN ANG SARILI NATIN SA PAGPUNTA, NGUNIT HINDI MAIHAHANDA ANG SARILI SA MISMONG PUPUNTAHAN.
see you all tomorrow.
gustong gusto ko itong entry mo na ito. binasa ko ulit siya at ganon pa rin ang naging pakiramdam ko.
dati kasi na-expose rin ako sa gov't hospital sa davao. alam na alam ko ang pakiramdam na nakasumatotal sa lathalang ito.
saludo ako sa inyong hangarin na makatulong sa kapwa. sana'y marami pang tulad n'yo. pagpalain kayong lahat.
haayy, kaya nga ba ayoko ng mga hospital eh... huhuhu
kitakits tom!
offT: mas hinangaan kita sa sinagot mo kay 'ayaw magpakilala kung sino sya.' kailangan pa bang ipaalam sa kaliwang kamay mo ang kabutihang ginagawa ng kanang kamay mo? hinahangaan kita hindi dahil sa panulat mo kundi sa kabutihan ng puso mo (na lumalabas sa panulat mo.)
onT: sabi ko nga sayo, ayokong maiyak eh. the picture itself says a lot...
you may have acted insensitively that time (we sometimes all do,) but you didn't steep yourself in regret. you've come to a good realization of your 'insensitivity' and you've picked yourself up from there. you're doing and can still do so much...
sa pangalawang pagkakataon..nabasa ko na naman ang iyong nakakaiyak na tula..
at sa pangalawang pagkakataon ulit..hindi ko na namang naiwasang humanga sa tulang iyong nilikha..
astig!
It's nice, but reading between the lines made me sick even though Im a Nurse practitioner.
I realized I've done (some of) those in the past (or maybe recently, hmmm...)
anw, thanks for the visit. TC.
:( hay.
ang dami kong gustong sabihin... pero irereserba ko yun sa mas pribadong usapan.
namiss ko ang blog mo! pero eto ako, nagpaparamdam muli.
mwah!
ang dami kong gustong sabihin... pero irereserba ko yun sa mas pribadong usapan.
namiss ko ang blog mo! pero eto ako, nagpaparamdam muli.
mwah!
This is something.
The Allium Cepa was deeply moved.
Trenta pesos na alaala.
haaaaaanlupet!* :D
wow. magaling magaling :)
Natutuwa akong isipin na hindi lang sa panulat natapos ang concern mo sa mga taong kinakailangan ng tamang pagkalinga at pang-unawa. Congrats senyo nila chroneicon!!
*nga pala, maraming maraming salamat sa pagdaan sa aking blog :)
@utakmunggo : salamat utakmunggo. at natouch din ako ng mabasa ko na wala na pala si judes...
@ wanderingcommuter : korek, sino nga ba ang may gustong maospital?
@chroneicon : aymprawdopyu! pwede ka ng maging organizer ng ganitong mga aktibidad...
@womanwarrior: sa di ko alam na kadahilanan ay hindi na nga din nadadaan dito si anonymous.
bagamat may pait ang kaniyang mga komento ay naappreciate ko pa din ang mga iyon, gaya ng lahat naman ng nagiiwan ng komento dito.
and salamat din sa pagsama sa kawanggawang ito. ituloy pa natin ito hangggang kaya pa natin.
@rio : doc! paumanhin sa pagpapaiyak... (HUG)
@ kris jasper : salamat sa pagdaan din pare!
@leyn : at bakit nde kayo nakasama ni kdr?? hmmm... neks taym sama ulit!
@goddess : huwaw! bumalik ka na sa blogosphere!!
@mahiwagang sibuyas : mystical allium cepa! (haha tinranslate ko lang ang name mo hehe)
and salamat... sama ka nekstaym.
@dakilang tambay : wow. salamat po sa appreciation (BLUSH)
@eiyelle : yeah, masayang mapait ang pakiramdam ng nandun ka...
ipopost ko na ang tula ko para sa karanasang iyon.
Post a Comment