Friday, June 27, 2008

sari-saring iisa.


Mayro'n akong nais malaman
Maaari bang magtanong?
Alam mo bang matagal na kitang iniibig?
Matagal na akong naghihintay...


MINSAN, may mga bagay sa mundo na wala tayong magagawa, hindi tayo makapipili, o wala tayong kakayahang baguhin.

Isa na diyan ang "LL" - o "lablayp", ayon sa kaibigan kong itatago ko sa pangalang anthonyb.

Ngunit ito na rin marahil ang dahilan kung bakit masarap ang magmahal - hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa iyo dahil hindi mo mapipili kung sino ang pag-aalayan mo nito. Hindi ako nagpapakamartir kung sasabihin kong ang sarap nang isipin na alam niyang mahal ko siya, kahit batid kong ang pinasok ko'y isang pangahas na pangarap. Pero siyempre, nangangarap pa rin ako na balang araw, SANA, masuklian din ito.


...sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang mangarap.

Kung ako ay iyong iibigin
Di kailangan ang mangamba
Pagkat ako ay para mong alipin
Sa iyo lang wala ng iba...



TINANONG ako ni AIR kung bakit ko nasabing mahal ko siya, at buong katotohanan din naman na matagal ko na ring naitanong ito sa aking sarili.

At ang dahilang iyon ay naisalin ko na rin sa isang tula - mahigit isang buwan na ang nakalilipas (ikinalulungkot ko ngunit masyadong pribado para sa akin ang tulang iyon kaya't minarapat kong huwag itong ilathala dito).

Nagpaalam ako sa kaniya na kung maari'y sagutin ko ito sa pamamagitan ng tulang nabanggit, at pumayag naman siya. Kaya't bibili akong muli ng crayola, este pentel pen, upang maisalin ko itong muli sa isang tisyu - gamit ang sarili kong sulat kamay na mas illegible pa kaysa wingdings.

...sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang mag-abot ng isang tula.

Ngunit mayro'n ka ng ibang minamahal
Kung kaya't ako'y di mo pinapansin
Ngunit ganon pa man nais kong malaman mo
Ang puso kong ito'y para lang sa 'yo...


NOONG nakaraang linggo lamang, tinanong ako ng ex ko kung bakit daw mahigit isang taon na'y hindi pa ako ulit nagge-gelpren. Simple lamang ang sagot ko: "high tide or low tide?"

...na dyoklang. Ang tunay kong sagot ay "Dapat bang pumasok sa isang relasyon dahil lamang sa lumilipas na panahon? O dahil tiyak mong mahal mo ang isang tao at kaya mong manindigan para dito?"

At dahil alam naman niya ang tungkol kay AIR, tinanong niya kung ano na daw ang lagay ng panliligaw ko.

ex : "Kumusta naman kayo ni __? Masaya ka naman ba?"
ako : "Masaya ako. At oo, mahirap. Pero overwhelming pa din ang saya kapag kasama ko siya."
ex : "I guess it's what makes it fulfilling then. Kasi may pain..."
ako : "Oo. 'Yung tipong lagi ka nag-iisip to the point of paranoia. Pero isang ngiti lang niya, solb na ang araw mo."
ex : "Paano kung dumating ang araw na magka-bf na siya? Or sabihin niyang hanggang friends na lang kayo at wala talaga?"
ako : [NATAHIMIK]
ex: "Hahaha, ngayon lang kita nakitang ganiyan. Wow, apektado??!"
ako : [Ngumiti] "Grabe no? Kahit tanggap ko na 'yung looming possibility na 'yun, masakit pa ring marinig, kahit sa isang simpleng usapan lang."
[SANDALING KATAHIMIKAN]
ako : "Well, mahal ko e. At least, kahit may gusto siyang iba, alam ko sa sarili ko na may ginawa pa rin ako. I've tried, though hindi lang talaga ako ang worthy para sa kaniya. And magiging masaya na din ako nun eventually, may tiwala naman akong she knows what's best for her. And 'yun dapat ang lagi nating iisipin sa mahal natin sa buhay - ALL THE BESTS they deserved."


Sa huling balita ko'y libre pa rin naman ang magmahal...


Nandito ako umiibig sa iyo
Kahit na nagdurugo ang puso
Kung sakaling iwanan ka niya
Huwag kang mag-alala
May nagmamahal sa iyo,
Nandito ako...


...at asamin ang kanilang kaligayahan.

17 comments:

Anonymous said...

kaya ba busy busy-han din ang drama ng lalakeng nakamamatay ang mga linya?

ansarap magmahal. lalo na kung nasusuklian ito. matagal man o maikli ang pagitan ng panahon na naiukol sa paghihintay, hindi ito importante. ang mahalaga ay parehas kayo na umaayon. may pakiramdam parin ng kalayaan dahil parehas kayong may respeto sa isat isa.

akalain mong natutunan ko yan sa isang katulad ni M? ahahah.

ayzprincess said...

ahihih..libre nga ang mangarap at magmahal.. at masarap talagang magmahal kung mahal ka din ng taong mahal mo...

at oo, risky rin sumubok. pero naaalala mo lage kong sinasabe, "di naman lageng masaya e, just make sure that everything is worth it."

smile sher sher.. we're all hoping the best for you and air :D

Anonymous said...

wow talagang air ang pangalan niya. hehehe.. napakaraming "to be continued" ang aabangan ko parekoy! sana makamit mo na rin ang iyong hinahangad.

Anonymous said...

di maka get over.

this must be LOVVEE!!!

Anonymous said...

i always thought this song is sooper cheesy.

pero pagka pala sayo ino-offer ang sweet.

di ka bagay maging cheesy. you're one of the "pa-macho" guys eh, hahaha, just goes to show i know so little about you. hehehe.

hansweet mo p're. hahaha. ang swerte naman ni air. hihi.

Anonymous said...

itong mga posts mo ang laging nagpapaalala sa akin kay atty. kung paano umibig ang isang hopeless romantic. hindi na ako magbabasa nito. wag mo nang sabihin pag may bago kang post, tatanggalin na kita sa links ko. kakalimutan ko na 'to. tangeanah, ang sarap umibig. minsan lalo na pag patago. haha!

seriously, ang masarap sa pagmamahal e yung masaya ka nang makita mo syang masaya. kahit hindi ka parte ng ikinasisiya nya. yun ang astig dun. masakit pero kakayanin sa tulong ng pag-ibig.

emotera said...

anu ba yan...hindi ko alam kung ano sasabihin ko...ang swet kasi eh...*mushy*

gnyan tlga pag nagmahal,di tyo sure kung masusuklian... sabi nga ni bo sanchez "love is like that, if i wanted to paid then it's business opportunity"...basta love mo and masaya sya pinili nya ok na din db...

at least you dont have regrets kasi nga naman you take risk na magtapat s knya...

Anonymous said...

pag-ibig nga naman..

The Gasoline Dude™ said...

Ayus! Ogie Alcasid! I-record na ito! At ituloy na din ang haranahan, bitbit ang gitara't isang order ng Sosing's Bulalo! Woot woot! = P

Anonymous said...

ang sweet!!!!!!!

though so painful. sweet mo pala magmahal. at oo nga sapul ka nga pre haha... sana maging kayo..

Anonymous said...

ang galing ng title hindi ko naisip agad kung bakit ganun title till mabasa ko na lahat.

kaswerteng babae ni air.

Espie said...

May kasabihan pare na " Kapag May Tiyaga May Sosing's Bulalo" =)

Anonymous said...

I wish I can see you now. This is not how we remembered you before kasi, ngayon apektado ka and you're admitting you're hurt and vulnerable WOW. It takes a real man to admit these.

I envy her. Yun lang, sana maging kayo nga.

Anonymous said...

Ay sana ishare ang tula na ginawa mo ng masagot mo ang tanong kung bakit mo nasabing mahal mo na siya..

Sayang wala ako sa Glorietta kahapon nandun ka daw.Sana nameet ko na si Air..

Anonymous said...

Ay sana ishare ang tula na ginawa mo ng masagot mo ang tanong kung bakit mo nasabing mahal mo na siya..

Sayang wala ako sa Glorietta kahapon nandun ka daw.Sana nameet ko na si Air..

TENTAY™ said...

Psst, alam ko sherwin name mo. hahahahah. anyway ang sweet mo grabe. sana maging air din ako sa buhay ng isang tao. hay!!

GODDESS said...

bro... bakit kasi hindi natuturuan ang puso diba?

mabaet kang tao. at naniniwala ako na good things happen to good people.kung ito na yung good para syo, alam kong ibibigay syo to. kung hndi naman, probably something better will come along.

i'm here =)