Friday, August 29, 2008

isa pang alaala ng PGH, 08.23.2008


walong taon.

walong taon kang namuhay
sa mundong
nakahihinga ka ma'y
mas masahol ka pa sa bangkay
na nanlalamig, naninigas man
ay di naman ramdam
ang hapdi at sakit
ng nabubulok mong mga kalamnan
at isinumpang kapalaran.

walong taon.

walong taon mong tinanggap
kasama ng iyong lola't ina
na maging ang isang subong kanin
ay mas bihira pang
dumating, makamit
kaysa sa pagsibol ng gumamela
sa paraisong aspalto at grasa.


AT NGAYON nga'y may isang linggo ka na lamang
na ilalagi rito sa lupa,
ngunit hindi man lamang magawang
maranasan
ang kahit panandaliang kasiyahan
sa labas
ng pagamutan itong
inangkin mong piging
na sasalubong
sa huli mong hininga.



alay kay "Emily" (di tunay na pangalan); walong taong gulang.
isinilang sa Mindanao; isinapalarang ipagamot sa Maynila.
iginupo ng Leukemia; pinaslang ng kahirapan.

Friday, August 22, 2008

REPOST FROM OLD BLOG : trenta pesos na alaala ng PGH

Ang sumusunod na tula (base sa totoong pangyayari) ay una ko nang inilathala sa namayapa kong blog noong naguumpisa pa lamang ako dito sa blogspot.


Akin itong ilalathalang muli upang kahit paano'y maging kalabit sa ating mga puso; upang tayo'y maging handa sa mga masaklap na katotohanan ng buhay na haharapin nating mga lashingheroes at greenies bukas, ika-23 ng Agosto, sa isang purgatoryo sa lupang kung tawagi'y PGH.




patawad.
itinuring ka naming
isa lamang sa karamihan
ng mga nakaratay
na katawang
humihinga ma’y
nagbibilang naman
kung ilang hibla pa ng hangin
ang kaya nilang habulin
bago tuluyang bumigay
at tanggapin
ang wakas
na itinakda na
mula ng kayo’y limutin
at ituring
na isang alaala na lamang.

patawad.
bagama’t amin nang narinig
na kulang ka na lamang
ng halagang trenta pesos
upang mapunan
ang pangangailangan mong
gamot,
ay nagpatuloy pa kami
sa iba mo pang mga kasamahan
at nangahas, sumugal,
na sila di’y matutugunan.

patawad.
sapagkat kami’y nagutom
at inuna ang kapritso
ng hangal naming sikmura,
at hindi agarang nakabalik
dala ang iyong gamot
na disin sana pala’y sinulid
na maipantatagpi
sa butas mong puso
na tinatakasan na ng hininga...

patawad.
naging mangmang kami
sa tunay mong kalagayan.

patawad,
dahil ang tangi na lamang dinatnan
ng gamot mong matagal nang hinintay, inasam
ay ang malamig mong katawan
na binalutan na ng kumot.

...ang kumot na tangi mong kasama’t
karamay
sa nabigo mong laban
na dugtungan ang buhay
na amin namang ipinagpalit
sa kalahating oras
na pagkain ng tanghalian.


* Based on a true account of a visit to PGH ward, Manila.

Wednesday, August 20, 2008

nang mapangiti ako dahil sa ikalawang anibersaryo ng EB Babes

WALA akong planong magblog ngayon, anupa't hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong isang artikulo tungkol sa *******.

Ngunit nabigla ako (siyempre, natuwa na din) nang mag YM ka sa akin upang ibalitang ayon kay Vic Sotto at Joey De Leon, magda-dalawang taon na ang EB Babes ng Eat Bulaga!.

Natuwa ako hindi dahil sa fan ako ng EB Babes (pero krass ko si Lian). Natuwa ako dahil magda-dalawang taon na pala mula NOON.

Labo no.

Ang ibig kong sabihin ay lumalabas na mahigit dalawang taon na pala mula noong nanonood tayo ng Eat Bulaga. Mahigit dalawang taon dahil tama ka, noong nanonood tayo ay rehearsal pa lamang nila noon; ngunit ngayo'y magi-ikalawang anibersaryo na nila.

Natatandaan ko pa noong mga panahong nagmamadali tayong umuwi para lamang abutan ang Eat Bulaga. Hindi dahil upang mapanood ang EB Babes kundi upang abutan ang Bulagaan! portion nila. Kasagsagan pa noon ng Knock-Knock nila kung saan paulit-ulit na ginagamit ni Vic at Jose ang kantang "Sing" ng The Carpenters.

At kasama ng mga alaalang iyon ay ang marami pang mga moments na pinagsamahan natin gaya ng "yb @ dafourth with 7-11's h & c sandwich", "beydey theories", CBTL, Pancake House sa 8 Waves, Adobo ni Sosing's, Puzzle Book na hinanap sa Dela Rosa habang umuulan at walang payong, lapalapalapa song, segafredo, sayaw ng 'pump it' at 'hips don't lie', fight club, another suitcase in another hall, difference between complicated at difficult, at marami pang iba.

Marahil nga'y likas sa tao ang magreminisce ng mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, lalo't masasabi mo sa sariling "huwat? 2 years na yun?"

Alam mo kung sino ka, kaya't hayaan mong kunin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ka sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Those memories further shaped my capabilities and who I am today. I'm glad we're still friends. And as agreed, I'll be there on your wedding day, and I hope you'll be there too when my time comes to walk my wedding march.

Yes, I've been over our past. If you'll ask me "Kailan pa?"



...mula ng muli kong tikman ang Java Chip Frappucino ng Starbucks.

Tuesday, August 12, 2008

tungkol sa pagkiling (of yields)


ang umaga'y sumilang
na may dalang liwanag
at kasiyahan
sa labi
ng isang nagugutom
na mortal.

why do we wake up
each day
only to tire ourselves
and then look forward
to another sleep?


ang tanghali'y tumirik

na may lason,
na mapait ma'y
pinilit hagkan
ng nasabik
na mangmang.

...why do we tend

to forget things
that we needed;
and instead,
remember
those things
that hurt us
and should have
walked away from?

ang gabi'y kumalat

na may kamatayan
sa tuyot na talulot
ng mga tayutay
at tugma
ng isang
lumimot
na manunulat.

and why can't we just
warp to tomorrow

and write the history
of today
...as another memory
of yesterday?


Tuesday, August 5, 2008

to you, the unrecognized.

if you woke up one Saturday and not see me,
please waste not an ounce of worry, it won't suit me;
nor even waste your voice calling, shouting my name,
it may not reach me though, 'cause I'm gone far away.

search not for me in the woods, you won't find me there,
or dare journey the drylands, the sea or the air;
yes, you might reach me... but to turn back, ask me not,
for this quest's my will; that not even you can stop.

this ain't just a favor I'm returning to you,
this flight is for YOU, and all its little steps too,
...aimed to pick up the pieces of the smiles you've lost,
and bring them to your lips, where all joys fit the most.