Tuesday, 15 April 2008

the quick brown fox jumps over the lazy dog










Kagaya ng email teaser/invite na pinadala ko para sa Anawangin Trip nitong April 12-13, walang kinalaman ang fox at dog sa post na ito. Talagang mahina lang ako sa pagiisip ng malupit na title.


Anyway, nakauwi kami ng buhay at kumpleto mula sa overnight camping trip sa Anawangin, Zambales kasama ang mga seksi at matipunong mga opismeyts ko (current at former - wehehehe) , si greenpinoy, chroneicon, gasolinedude at iba pang mga kaibigan.


At dahil kagabi pa ako hindi makapagupload ng pictures dito, ibahagi ko muna ang mga mga makukulit na pangyayaring naganap at mga makabuluhang obserbasyon ko :

Sa bus (nahiwalay ng upuan si chroneicon sa amin at maya-maya'y nagtext sa akin) : "Pota pare hindi ako makatulog. Ung katabi ko, anghaba at pagkarami-raming buhok sa tenga! Anak ng kuneho may dandruff pa sa ears! Nawala ang antok ko sa nakita ko!!!"

Sa bus pa din: May itinatagong kapangyarihan ang katabi kong itatago ko na lang sa pangalang "mragmak" - NAPAPALAMBOT niya ang bintanang salamin ng bus dahil hindi nya naramdaman ang ilang ulit na paghampas ng ulo nya dito habang siya'y malalim na natutulog.

Isang certified wrestler at gymnast si gasolinedude - magaling siyang magpagulong-gulong sa buhangin at kaya niyang manatiling gwapo kahit "sinasadyang napapatid" sa mga lubid na bakod ng camp area. Marami din akong natutunan kay gasolinedude - gaya ng ang bagong spelling pala ng inggles ng "ANO" at "BAKIT" ay pareho na palang "W-H-Y".

Malaki ang katipiran sa isla - dahil walang signal ang kahit anong network sa nabanggit na lugar, dito ko naappreciate na pwedeng gawing flashlight at pangamot ng likod ang cellphone ko na ginamit ko din bilang game & watch.

Fashionable at malakas pala sa tsiks ang manipis na shorts na may mahabang punit sa puwet at ipinapakita ang orange na brief - iyan naman ang natutunan ko sa kasama kong itatago ko sa pangalang "bab".

Mutant ang isang kasamahan kong itatago ko sa pangalang "ateya" - kaya niyang mabuhay at umakyat ng bundok kahit tictac mint candy lamang ang kaniyang kinakain.

Puwedeng maging pinakamalusog na boldstar ng siglo si greenpinoy. No further explanation needed, tingnan na lang ang patunay sa ibaba:




Mabilis malasing kung may kausap kang maganda at seksing tsiks na itatago ko sa pangalang "laleyn na kaibigan ni ateya" - sandali lamang ay senglot agad ang dati ko nang kasama sa bundok na itatago ko naman sa pangalang "tsino" na noo'y halos hindi tablan ng alkohol kahit butane na ang ginagawang chaser.

Mas mahusay sa pandaraya este sa charade ang mga lalaki kaysa sa babae. Akalain mo yun, nagjumping jacks ang mga babae sa highway, facing the commuters nang matalo sila sa charade habang naghihintay ng bus pabalik ng Maynila.




Nahanap ko ang "ulo ng puso" na pinapahanap sa akin doon ni kaibigang "ody", at naririto sya:




Pero ito ang pinakapeborit kong picture sa Anawangin. Gumising ka Greenpinoy!!!



..salamat sa masasayang kulitan moments!!! hanggang sa uulitin!



26 comments:

Espie said...

Sayang pare!! ndi ako nakasama.. na miss ko tuloy ang mga ganitong happenings, di bale sa susunod sasama na ako =)

OpenID ako said...

sino tong kasama ni GP? Itago mo na lang sa pangalang _______ pre!

shayleigh said...

ahhahahaha!!! ang saya-saya naman ng trip nyo na ito sa Anawangin.. hheheheeh!!! ok sa mga pics si GP ah... asan na kaya ang ikaw naman.. hmmm!?!?!?!

at sina CI at GD... :D

greenpinoy said...

hahahha lang ya ka lethalverses LOL!!!

J.Bo said...

Ano verrr lethalverses! Mapagkalat ka mashadow! :)

owdzmann said...

sa wakas, nahanap mo na din ang mahiwagang "ulo ng puso". hep!

canadianpinay said...

ang ganda ng place naman yan!!! bakit hindi mo ko niyaya?? uuwi ako ng pinas para sayo, kahit san mo ko yayain!!!

thebrassgal said...

ikaw ung nasa tubig na nakawhite no? haha kilala ko na ang silhouette mo. and someday, makikita din kita in person hehe...

natawa ako dun sa mga observations mo, and lalo na sa pic nung pinakamalusog na boldstar hahahaha

The Gasoline Dude said...

Ang laki pala ng paa ni GP! Ibig sabihin malaki din sapatos nya. Nyahahaha! *LOL*

mishell said...

nakakainggit... may nakapagsabi nga sakin na you're really into nature tripping stuffs like this (hehe may nahanap akong nakakakilala sayo in person).

sama ko nekstym!!!

JIMG29 said...

zambales camp looks so serene pero binulabog nyo. the white sandy beaches is so panoramic from a distance but GP's pic is priceless: nasenglot din ampota

beatrice said...

wow naman.

first, tinakot mo ko sa something scary.

second, pinaiyak mo ko sa mga tula mong PGH, dyaryo.

third, kinilabutan ako sa reality ng to the man who lost the world

fourth, nainlove ako sa mga tula mong to the air at sa forever roses

fifth, pinahanga mo ko sa talento mo sa paggitara sa tulidibu

sixth, pinabilib mo ko sa husay ng kamay mo sa spidey.

ngayon naman, ininggit mo ko sa napuntahan nyong place...

ANO PA ANG MAGAGAWA MO SAKIN??? nyahahahaha

The Gasoline Dude said...

Wala akong masabi sa mga comments syo Pards! Isa ka ring talentado. TALENTADO! = P

^yellie^ said...

Camiguin daw ang next? ^_^

linglingbells said...

wow! ang saya naman! iba talaga ang impact sakin nung "ulo ng puso"..

trishie said...

hahaha. lalim ng tulog ni kuya jason! woot. :D

mkmre said...

wahahaha nakakatuwa naman ang mga pics! ang kukulit! lalo na ung naka light blue na babae sa jumping jack, eyes to heaven-nakanganga-at-mukhang-tuwang-tuwa pa hahahaha....

invite mo ko sa mga next na trip nyo!

RJ said...

ang laki nga ng paa!

greenpinoy said...

size 10 sa leather, size 11 sa sneakers. LOL!!! big feet, big c...chinelas!

beatrice said...

haha ngayon ko lang ulit napansin ang kakaibang title mo ng balikan ko tong post mo.

you're soo funny, but undoubtedly talented and smart.

hindiakotagaemerson said...

chinelas? e "T" kaya ang start nun hahaha....
great great blog. mawiwili ako dito.

utakGAGO said...

waw ang saya nyo ata!

:D kaopisina mo pala si gasoline dude (dati/ngayon/basta naging kaopisina)? astig ah. (gumugulong pala siya!?)

napadaan!

ToxicEyeliner said...

BWAHAHHAHA NATAWA AKO SA POST NA TOH!!! MGA PICS ang kulet! hahahahha!

panalo!

trishie said...

looks like you have a lot of fans S. :)

#$^$^%&##$*&@#$ is so cute. LOL.

@GP
--- pwede ka na maging model ng sikat na brand ng tsinelas.. ano nga ba uli un.. hava.. ha.. ahh.. SPARTAN! LOL. :D

gregg said...

wahahaha nakanganga pa talaga ung nagjujumping jack na nakablue!!!! mukhang cute pa naman sana, kaya lang aliw na aliw sa jumping jack!

at ang paa, ang paa, ang paa!! sarap gawing crispy pata!!!

Trishabiik said...

ay! andito rin ako nung nagpunta kayo. hehe kayo siguro ung maingay na nagkakantahan noong gabi..ansaya nyo eh. hehe :D