Monday, May 12, 2008

HMD!!!

Sa aking ina:

walang salitang makatutumbas
o makasasapat
upang maibahagi ko't
isigaw sa buong mundo
ang lahat ng iyong mga
kadakilaan...



"HUY!!! ANO YAN? DRAMA NITO!"

Naputol ang tulang sinusulat ko sa itaas dahil napadaan pala si Mama sa likod ko habang tinatapos ko ang lathalang ito. Sabi ko na nga ba, dapat tinapos ko na ito sa Makati, inuwi ko pa kasi dito sa Bulacan para tapusin. Ayan tuloy, late na ang post ko.

Nilingon ko si Mama, nakangiti siya sa likod ko. Oo, si Mama ay tunay na pilipinong makulit (sayang nga at wala siyang blog), pero obvious naman na sobrang touched siya pag naaalala siya sa mga ganitong pagkakataon.

At dahil nagulat na niya ako't naglaho na ang writing momentum ko, tumayo na lamang ako at inulit ko ang pagyakap at pagbati sa kaniya ng Happy Mother's Day. Haay, ang mama ko talaga, nanggugulat pa rin kahit hindi na bata weeee...

Ang mga ina marahil ang mga pinakahinahangaan kong tao. Larawan sila ng pagtitiyaga at sakripisyo. Natatandaan ko pa ang mga panahon na hindi natutulog si Mama kapag may sakit ang isa sa amin ni Ate. Kahit nahihirapan siya'y hindi niya inaamin sa amin, kinakaya niya ang lahat para lamang sa kapakanan naming magkapatid - at nagpapakita siya ng kalakasan at katatagan para lamang huwag naming malaman ang anumang maaaring makaapekto sa focus namin sa pag-aaral.

Hindi ko din naman masasabing lumaki akong ganap na maipagmamalaki niya. Marami akong naidulot na dalamhati sa kaniya: Pangkaraniwan na sa kaniya ang may magsumbong na magulang ng aking kaklase dahil sa mga kalokohan ko. At handedpersentsyur, ipagtatanggol niya ako sa mga magulang pero kwidaw, pag alis ng mga iyun ay ako na ang haharapin niya't pangangaralan. Oo, naranasan ko na din ang mapalo sa puwet; at natutunan kong the number of palo increases once the obvious extra padding of notebook sa puwet was discovered - malay ko bang halata pala ang notebook as palo absorber.

Mama, kahit alam kong hindi ka nagbabasa ng blog ko at mas pinili mo pang itago at ulit-ulitin ang mga sinulat ko noong bata pa ako (katwiran mo kasi'y nakakaduling magbasa sa computer), hayaan ninyong ipahayag ko sa mundo ng blogosperya ang pagmamahal ko sa iyo.

I love you so much Mama, I can never imagine where would I be now if not for all the sacrifices you've made...

Happy Mother's Day!!!






AUTHOR'S NOTE: at sa mga ina ng aking mga kaibigan - salamat sa inyo at happy mother's day din! Mabuhay kayo!

27 comments:

Anonymous said...

belated happy mother's day sa iyong mama! :D

ang kulet naman ng nanay mo! :D

Anonymous said...

beLatEd hApPy mOthEr'S dAy sA mAmA mo...

Anonymous said...

ang kulit naman ng mother in law ko hihihi... nangangarap.sabi nila,tingnan mo how a man treats his mother,kasi reflective yun how he will treat his wife.ala lang.

happy mother's day sa mama mo..

ToxicEyeliner said...

awww sweet na anak!

belated happy mother's day sa mom mo!

The Gasoline Dude™ said...

Natutuwa ako sapagkat napag-obserbahan ko na isa sa mga endearing qualities ng mga Lashing Heroes ay ang sobrang pagmamahal sa magulang, lalo na sa nanay.

Sa lahat ng mga nanay, a toast! Woot woot! = D

Mariano said...

Purihin ang isa sa mga butihing anak ng ating kasalukuyang henerasyon.

Apir tayo Boss LV, para sa isang dakilang anak na nagluwal ng isang matinik na nilalang dito sa mundo.

Happy Belated Mother's Day kay Mama ni LV. Yahoo!

damdam said...

aww ang sweet na anak.. :D belated happy mothers day kay mama mo!

Anonymous said...

Bagamat huli ng dalawang araw, nais ko din batiin ang iyong Ina ng isang maligayang araw ng mga ina. Hindi ko pa nakikita ang iyong makulit na nanay pero ako ay lubos na humahanga sa kanya sa pagpapalaki ng isang batang katulad mo. Mabuhay ka! :-)

WOOT! said...

awww.. kahit naman hindi nya yan mabasa alam naman nya yun. kahit naman hindi mo sabihin nararamdaman niya din yun... kasi.. sinabi ko este ganun naman diba? ikaw nga ng iba.. eh ganun nga daw.hehe

belated sa mom mo. :)

GODDESS said...

napakagaling talaga!! *clap! clap!*

i'm sure proud syo ang nanay mo. walang inang hindi ipagmamalaki ang anak niya lalo na't kasing talentado mo.

mabuhay ka kaibigan!

Anonymous said...

wow ang sweet mong anak.yeah,im sure very proud sa iyo ang parents mo...

you're not just a cutey, talented, very intelligent at mabait pang anak...

happy mother's day kay mama!

Rio said...

belated mom's day...
napaka mabuti mong anak....=)

Anonymous said...

happy mother's day kay mama mo!!!

Espie said...

Mabuhay ka kaibigan!! Isa kang ulirang anak na may pusong mapagmahal..Sanay maging huwaran ka sa mga taong ndi marunong magmahal sa kanilang magulang.. At ibati mo na lang ako sa INA nakan mo! este Kay Nanay ng " Happy Mothers Day!!=)

Oman said...

Ang sarap basahin ng blog mo. Para bang ang saya-saya mo.

Anyways, belated happy mom's day to your mom. Have a nice day too.

Anonymous said...

Ang sweet. :D

lethalverses said...

@linglingbells: haha makulit nga un, cool!!

@sikretongblog: faith, secret pa din? haha

@rhea: haha salamat po.

@toxic: steph, salamat! hmd din sa mommy mo...

@gasdude: korek parekoy!! lashingheroes rule!!

lethalverses said...

@mariano: "para sa isang dakilang anak na nagluwal... " haha baka naman ibig sabihin mo "nanay na nagluwal?"
salamat parekoy!

@damdam: ningning!! gayun din sa mommy mo.

@mayel: haha pareho nga pala tayong may makulit at cool na magulang...

@ruthan: ganun nga!! haha salamat...

@goddess: salamat, wow talentado pala ako... mabuhay ka din prend!

lethalverses said...

@canadianpinay: haha cutey? "i'm so cutey cute cute, cutey cute cute..." salamat po.

@dra rio: at for sure, ikaw din po ay isang mabuting anak... at dentista..

@mkmre: likewise, mabuhay ang mga nanay/ina/mommy/mom/mama...

lethalverses said...

@espie: bossing, kakatouch naman, kahit sikat ka na at busy, nakakadaan ka pa din sa blog ko..

@lawstude: wow, pare salamat sa pagbisita! isa ka pang institusyon!

@trishie: pasalubong ng greenies?

Anonymous said...

aba! sino si rhea! aahahaha!

belated happy mothers day sa nanay ko. isama mo na rin ang nanay mo. maki join na rin sa ina ng lahat ng tao.

hay. too bad hindi ako pwedeng maging ina. ahahahah!

Anonymous said...

ako si rhea kingdaddyrich! bakit? ako ang makakatuluyan ni sherwin haha kahit pangarap haha e di nga nya ko malamang natatandaan weh

RJ said...

ang sweet mo pala pare... sweet na sweet ka nga, sweet! HAHAHAHA! =D

lethalverses said...

@kdr: oi idol! haha si rhea? ayan, sinagot ka pala nya sa baba ng comment mo haha

@rhea: hmmm baka naman natatandaan kita... jpia ka din ba?

@rj: haha musta na ang nangibang-bansa? may yelo ba dyan? hehe

Anonymous said...

touche!!!
wala lang... parang para sa nanay talaga.... Happy Mother's Day sa iyong Mama...
super late na ako, haaay naku, ngaun lang ako nakahagilap ng computer dito sa bundok.. heheheh!!!

pero ang mga nanay talaga, the best! i missed mine terribly... waaah!!!

wala lang...

pb said...

huwow cubao...
saya. belated nga pala...

ako sweet ako sa inakoh. lagi ko sya hug at kiss kahit sinisigawan ko sya. hihi. pero lahat alam ng inakoh. naiintindihan nya ako at sabi nya sa kin na ako ang kanyang lakas. yeah! mabuhay ang mga ina...

lethalverses said...

@shayleigh : kamusta naman ang bundok? naka wifi ka ba sa bundok?

@pb : haha umabot ka pa, sabi nga nila "better late than pregnant..."