Tuesday, July 1, 2008

ng minsang itapon ko ang isang tula




paalam,
sa isang piping sagot
para sa katanungang
hindi na matutugon.

paumanhin,
sa mga iniwang taludtod
para sa isang panaginip
na kinailangang gisingan.

pagkat mapait na ang tinta
ng aking panulat,

...at kailangan ng lumaya
ng hangin.


AT ang lahat ng ito'y kahapon na lamang
ng minsang itapon ko ang isang tula
na isinulat
sa papel
na itinatwa
ang sarili kong salita.

13 comments:

Anonymous said...

NOSEBLEED!!Pero syet feeling ko nagets ko ang ibig mong sabihin..Masakit?

Feeling ko tuloy ang talino ko na.Ang galing mo pa din sa mga matalinghagang tula.

chroneicon said...

parang kahapon lang ay sumisigaw ang piping sagot

humihiyaw na ililigtas mo Siya
sa mundong bagot

ngunit ano ang magagawa sa pagbulag ng tadhana

kundi itapon ang nasaktang puso at tula...







mabuti na lang at uso na ang recycle

Anonymous said...

tsktsktsk

mga ganitong klase ng tula ang nagpapaemo sakin.. kahit na okay naman ang buhay ko eh masyado akong naapektuhan ng lathala mo..

yun siguro ang talent mo na maiparamdam sa mambabasa mo ang sinusulat mo kahit na hindi nila naranasan ang tinamasa mo..

magaling kaso madrama.. pero magaling pa rin..

The Gasoline Dude™ said...

Anong nangyare??? = C

Anonymous said...

awwww!!! nalungkot naman ako Sherwin.
(... questions forming in my head but can't asks... )
haaayy...

paano nga ba mapapawi ang lungkot
ng kaibigang sa pag ibig ay dahop
isang mahigpit na yakap ang handog
mula sa taong isip ay magulo...

Mar C. said...

salamat sa pagbisita sa site ko. noseblee din ako sa tula mo. hehe...

ayzprincess said...

sher.. uulitin ko lang yung sinabe ko sayo kagabe..

"the things that hurts us the most are the most worthwhile."

so keep striving for it.. keep believing..

everything will work out for the best.. whatever the best is.. dito lang kame lage for you..

chroneicon said...

lalim ng payo ni ayz!

nusblad!

Espie said...

Napakalalim ng bawat litanya ng iyong tula, para lubos na maunawaan ang nilalaman nito nararapat na gamitin ang puso sa pagbabasa sapagkat ang puso lamang ang may kakayahang magpapaliwanag kung ano ang kahulugan nito.. Kinalulungkot ko pare.. Pero ndi ako lubos na makapaniwala na ikaw ang susulat ng ganitong paksa..Dahil alam kong ikaw yung taong hindi marunong sumuko sa laban.

UtakMunggo said...

nyemas kaya ka pala si lethalverses eh dahil pamatay ang mga hirit mo.

aba e, hindi ako magpapanggap na lubos kong naiintindihan ang iyong mga nilathala dahil sabi ng teacher ko nung grade 1 section sibuyas eh di raw naman ako bright.

kung ano man, e sana okay ka lang. tama yung kumento ni ayzprincess, kahit na di ko rin naintindihan yon, pero sa tingin ko nama'y maganda at tama ang pagkaka-ingles.

oi ngigiti yan... ay naku, may tinga! close mouth! close mouth!

:D

TENTAY™ said...

Bakit parang nadismantle utak ko. nalusaw ata lumalabas na sa ilong ko eh. pero kng ibabase ko sa sinabi ni ays, sige lang. kng gusto mo bakit mo pipigilan ang kaligayahan mo? o nawawala parin ako. ewan. siguro mabagal lang tlaga utak ko.

emotera said...

ayyy...
so sad naman ng tulang ito...
kung wla ang air okei lang yan may wind naman na darating di mo lang napapansin...

molestedtwineggs said...

oo nga malakas daw wind sa ilocos.. kaya may windmill... baka pwede magvacation .. ay gets ko na.. totoo ba ang mga pangyayaring yan... parang di ko maisip sa isang kagaya mo... sa bagay naramdaman ko rin ang ganyan kaya nagawa ko ito: unang stanza ng tulang

Please Be Mine

I hope that I can forget you the way that you forget me
I’m sick and tired of waiting for you to see
All the things that I wanted you to feel
Never did I catch a glimpse of happy memories

It’s like fighting my own demon in which I can’t win
I’m bleeding and I’m dying out of misery and pain
I still remember the scent of your hair and the softness of your skin
But it’s the feeling of despair that makes me grin ...

di ko na itutuloy.. nakakaalala nga..

pero alam mo pre.. send ko sayo yong "oustanding quality of a great partner baka makatulong"

ako... minsan lang ako sumulat ng tula... yong mga sablay na ginagawa ko nun... ganyan ang life but you still made it rather than doing nothing. (applause)