walong taon.
walong taon kang namuhay
sa mundong
nakahihinga ka ma'y
mas masahol ka pa sa bangkay
na nanlalamig, naninigas man
ay di naman ramdam
ang hapdi at sakit
ng nabubulok mong mga kalamnan
at isinumpang kapalaran.
walong taon.
walong taon mong tinanggap
kasama ng iyong lola't ina
na maging ang isang subong kanin
ay mas bihira pang
dumating, makamit
kaysa sa pagsibol ng gumamela
sa paraisong aspalto at grasa.
AT NGAYON nga'y may isang linggo ka na lamang
na ilalagi rito sa lupa,
ngunit hindi man lamang magawang
maranasan
ang kahit panandaliang kasiyahan
sa labas
ng pagamutan itong
inangkin mong piging
na sasalubong
sa huli mong hininga.
alay kay "Emily" (di tunay na pangalan); walong taong gulang.
isinilang sa Mindanao; isinapalarang ipagamot sa Maynila.
iginupo ng Leukemia; pinaslang ng kahirapan.
18 comments:
Pinaiyak mo na naman ako sa tula..Buhay pa kaya siya ngayon?
sniffers! :( ....
galing ni sher!
gusto ko yung metaphors mow!
keep it up sher sher!
talentado! talentado!!!
kapag bata ang pinaguusapan para akong ninanakawan ng hininga. lagi kong iniisip sana huwag mangyari sa mga anak ko. higit sa lahat, nakakainis at sa mura nilang edad eh napakalaki ng kanilang kalaban.. tapos pagtutulungan pa ng kahirapan. walang kadepe-depensa. sana'y hindi na lang sila ipinanganak kung sa maikli nilang buhay eh puro paghihirap at pagpapakasakit lang.
Will you ever run out of words to accentuate your talent?
Napaluha ako ulit...
Sana sa mga corrupt sa government mangyari ito!!!
ang lungkot... pero wala ako magawa.
Hail to sherwin and his friends!!
Ang lungkot nga lang ng tula.
gr8 writing skill. no wonder why your name is lethalverses.
HEHE
@anonymous : sorry napaiyak ka. sana buhay siya, at bumuti ang kalagayan...
@chameleoni : jbee!! salamat po... mas talentado ka!
@utakmunggo : tama ka, iba ang lungkot na nararamdaman natin pag bata ang nahihirapan, anupat sa murang isip ay baka hindi masukat ang kadahilanan ng kanilang paghihirap.
@canadianpinay : "accentuate"... nosebleed naman ako, isugod niyo na rin ako sa pgh! *wink*
@espie : oo nga parekoy! tama ka dyan! at muli, salamat sa iyong proactiveness na makalikom ng donasyon noong nakaraang linggo. mabuhay ka pare, at ang mga kaibigan natin diyan!
@mte : salamat frank, natitiyak ko namang kung nandito ka pa rin sa pinas ay mangunguna ka din, kasama ni chroneicon, sa ganitong aktibidades.
@mishell : thanks but no offense, we dont deserve it. there're more to be done.
@m : marianohwantso!!! wahahaha... salamat sa pagdaan!
aw. that was saddening.
siya ba yung isa sa mga bata na kinausap mo sa PGH?
Astig pare, idol talaga kita pagdating sa pagsulat ng tula...
Kakalungkot din talaga kalagayan nila lalo na mga bata...
Awww!!! T_T
@mumu sa kanto : hello mumu!! yeah saddening, pero isa ito sa mga bagay na uulit-uulitin mo kahit malungkot ang pakiramdam.
@silverfox : oo, siya po un... :(
@axel : oi parekoy! salamat, idol naman kita pagdating sa chicks hehehe...
@shayleigh : shay! kahit nasa ibang bansa ka, isa ka pa ring malaking bahagi sa tagumpay ng outreach na ito. salamat sa tulong mo...
Hahaha... Parekoy, lam ko ikaw ang playboy eh... Sabi ni Chie... lolz
poteks, nde totoo yan!
minsan lang ako magmahal, kahit nasasaktan, okay lang...
[sad] ang lungkot naman ng kwento ni emily. magandang tribute to para sa kanya. you always wow me with your poems. galing parekoy!
Post a Comment