Wednesday, August 20, 2008

nang mapangiti ako dahil sa ikalawang anibersaryo ng EB Babes

WALA akong planong magblog ngayon, anupa't hindi ko pa natatapos ang ginagawa kong isang artikulo tungkol sa *******.

Ngunit nabigla ako (siyempre, natuwa na din) nang mag YM ka sa akin upang ibalitang ayon kay Vic Sotto at Joey De Leon, magda-dalawang taon na ang EB Babes ng Eat Bulaga!.

Natuwa ako hindi dahil sa fan ako ng EB Babes (pero krass ko si Lian). Natuwa ako dahil magda-dalawang taon na pala mula NOON.

Labo no.

Ang ibig kong sabihin ay lumalabas na mahigit dalawang taon na pala mula noong nanonood tayo ng Eat Bulaga. Mahigit dalawang taon dahil tama ka, noong nanonood tayo ay rehearsal pa lamang nila noon; ngunit ngayo'y magi-ikalawang anibersaryo na nila.

Natatandaan ko pa noong mga panahong nagmamadali tayong umuwi para lamang abutan ang Eat Bulaga. Hindi dahil upang mapanood ang EB Babes kundi upang abutan ang Bulagaan! portion nila. Kasagsagan pa noon ng Knock-Knock nila kung saan paulit-ulit na ginagamit ni Vic at Jose ang kantang "Sing" ng The Carpenters.

At kasama ng mga alaalang iyon ay ang marami pang mga moments na pinagsamahan natin gaya ng "yb @ dafourth with 7-11's h & c sandwich", "beydey theories", CBTL, Pancake House sa 8 Waves, Adobo ni Sosing's, Puzzle Book na hinanap sa Dela Rosa habang umuulan at walang payong, lapalapalapa song, segafredo, sayaw ng 'pump it' at 'hips don't lie', fight club, another suitcase in another hall, difference between complicated at difficult, at marami pang iba.

Marahil nga'y likas sa tao ang magreminisce ng mga nakaraan. Nakatutuwang isipin, lalo't masasabi mo sa sariling "huwat? 2 years na yun?"

Alam mo kung sino ka, kaya't hayaan mong kunin ko ang pagkakataong ito upang pasalamatan ka sa mga alaalang iniwan mo sa akin. Those memories further shaped my capabilities and who I am today. I'm glad we're still friends. And as agreed, I'll be there on your wedding day, and I hope you'll be there too when my time comes to walk my wedding march.

Yes, I've been over our past. If you'll ask me "Kailan pa?"



...mula ng muli kong tikman ang Java Chip Frappucino ng Starbucks.

33 comments:

PoPoY said...

case of an EX?

hmmm...

2 years...

moved on...

good friends...

nice...

umepal lang LV. :)

Dakilang Tambay said...

huwaw. lablayp

Espie said...

Hahaha... EB Babes ba?.. Natatandaan ko pa nun pare kapag may mga nakakakilig na email kang pinapabasa sa akin na galing sa kanya..=P

Anonymous said...

ano kaya ang artikulong niluluto mo ngaun? hmmmm [thought bubble appears]. something to look forward to. hakhak. ibang level post na to ah, layp on da past leyn. hehe

UtakMunggo said...

alam mo, nakakatuwa ang mga mag-ex na bati pa rin pagkatapos ng kanilang relasyon. tanda kasi iyon na merong totoong pagmamahalang namagitan habang sila pa.

yun ang diprensya ng tunay na love sa puppy love. (pardon the term ang jologs hahahaha)

:D

dettie said...

halu! kilala ko ba to? hehehe...

... napadaan lang din ;)

Anonymous said...

Ex mo?

Ibang lebel nga ito ng post, ang galing mo.

Napakita mo diverse ka talaga pagdating sa pagsusulat....

Uulitin ko, nanakawin ko ang picture mo ulit ha.At least nagpaalam ako

Anonymous said...

kala ko kung bakit ganito title, yun pala ang lalim pa rin ng post.

nakakarelate ako Hahaha

Anonymous said...

and that's just life parekoy. mabuti't nakamove on ka na. ok yang pagreminisce its just that its hard to drag our past with us while going forward. coz it'll just keep on repeating itself.

prinsesa000 said...

ang napansin ko lang mukhang puro hehehe at hahaha lang ang reply mo sa kanya...

bey ang tawagan nyo?

gud thing at nakamove on ka na... palakpakan!

Anonymous said...

mabuhay ang mga relasyong tapos na pero cool pa rin!
nakakasawa ang mga post ng puro amplaya ang pinaglihian.
sarap mag remi... nainggit ako, aalalahanin ko nga...

ayzprincess said...

achushuli! napanuod ko ung episode ng eat bulaga na un, na sinabing 2nd year anniv na ng EB babes.. hehehe..

ano bang masasabe ko.. wala naman kundi.. *sings* memories... all alone in the moonlight.. heheh :P

Anonymous said...

pag-alala sa nakalipas... hahahaa!!! malamang naghiwalay kau ng maayos ni EX kaya so far may communication pa din. saya naman!

its good to know na naka move on na buhat sa relasyong ito. matagal na din naman ang two years!

wala lang... hindi kasi ako nanonood ng Eat Bulaga, kaya di ko kilala ung EB Babes. :P

lethalverses said...

@ popoy : hmmm EX? define EX... hehe.. ex-friend? ex-con? (KORNI ko)

@ dakilang tambay : hehehe huwaw nga!

@espie : parekoy! salamat ulit sa pagdaan! hush! wag ka maingay, anong email yan?

lethalverses said...

@beero : wow, kamusta ang outing at vodka? hehe... ibang lebel nga, tagal ko na ding sumulat ng iba maliban sa tula...

@utakmunggo : puppy love... ito ba ung love na ang theme song ay "how much is that doggie in the window (arf! arf!)"? (KORNI ko na naman)

@dettie : spaghetti!!! nde mo sya kilala! nde! nde!

lethalverses said...

@mishell : hala nanakawin mo? gudlak, babangutin ka na niyan!

@ short-lettered-chick : sensya na, mahina talaga ako sa titles bwahahaha

@ arhey : oi parekoy! hmmm payo mo rin ba ito sa sarili mo? na sana, someday, YOU WON'T DRAG YOUR CURRENT DILEMMA tomorrow? :D

lethalverses said...

@prinsesa : palakpakan!! clap clap clap! salamat ulit sa pagdaan.

@dambidambidamdam : o, kamusta naman ang reminiscing mode mo? penge ako hopia... last bite...

@ayz : huwaw! ung another suitcase in another hall at memories, parehong si andrew lloyd webber ang sumulat! wattakoinsidens

lethalverses said...

@shayleigh : haha puwes, manood ka! hehe... may TFC ba dyan?

@lethalverses : ummm... ako na pala un. no reply. :D

chroneicon said...

ultimo hangin nais mong ihagis
sa iyong piling, nais mong ibigkis.

tumalon ka at akala mo masasalo
ang sarili nyo pagdating sa dulo

ikaw ba ay isang magaling
o isang nagtatagong balimbing?

lethalverses said...

PAUWI NA SANA AKO NG MABASA KO ANG COMMENT NI CHIE aka CHRONEICON.

eto ang sagot ko:

ano ba ang depinisyon mo ng balimbing?,
ito ba'y angkop sa aking walang kapiling?
o ang taong tulad kong tapat lamang umibig,
na banaag sa gawa, at di sa tamis ng bibig?

hehehe...

Oman said...

ayos to. reminiscing the past and na-document pa sa blog hehehe. pero ganun naman dapat eh, kailangan kaibigan pa rin yung mga ex para masaya lahat.

anyways bro, i think you are referring to NE Mall kasi yun ang nearest sa La Parilla. Marami na malls uli samin so ok na rin puntahan uli.

Anonymous said...

Tyong naku.. love life pala mga sinusulat mo dito ha.. hehehe mangungulit lang..

HyperBaluga said...

dugtong ko sa hirit ni LV kay Chroneicon...

ano pa nga at nais ko lang damhin,
ang malamig na simoy ng hangin
ala-ala nyang hindi ko kayang alisin,
mga mata nyang nakatingin sa akin.

Sa pagsulat ko ng mga katagang ito,
hinanakit sa puso ko ay tumutubo
mga pait at tamis ng nakaraan natin
nais ko lang balikan, nais ko lang sariwain.


heheheheh

Rio said...

kakatuwa at friends pa din kayo ni ex mo..sabagay, kung naging maayos naman ang naging closure nyo..bakit nga ba hindi?...

yung ex ko dati naging magkaibigan din kami tapos naging kami ulit..hahaha!! labo no?

salamat po sa pag add=)

Mahiwagang Sibuyas said...

huwaaaaaawwww i remember da gel but i dont remember da piling enemor. :D

bongga ini. ;)

mabuhay ang nakaraang ansarap balikan! :D

yebah

Anonymous said...

ganoon ang life, its great to look back at the past and reminisce, nakaka lift din ng spirit ang memories.

punta ka dito ililibre kita ng java chip frappe mo.

ang ganda ng post na ito. kewl!

lethalverses said...

@lawstude : ayun! NE Mall nga un parekoy! sige pag nadaan ako ng NE paburger ka.

@cutedanger : hayooooooop! ayun un o, kamusta naman ang pagkain ng cards?

@hyperbaluga : ayos to kasamang patrick, ang lupit mo talaga sa poetry... nde lang sa chicks wehehehe

lethalverses said...

@rio : doc! hahaha haw swit naman, naging kayo ulit?

@mahiwagang sibuyas : mabuhay ang nakaraang ansarap balikan! tama ka diyan!!

@beatrice : sige punta ako diyan for the frappe... saan ba muna yan? hehehe

Mar C. said...

looking back the past ba? hmmm... atleast hindi pa rin kayo nakakalimot sa isat-isa, astig! salamat nga pala sa pagbisita sa site ko, nagulat ako na isang lethalverses ang bumibisita sa site ko, isang karangalan po.

Mar C. said...

looking back the past ba? hmmm... atleast hindi pa rin kayo nakakalimot sa isat-isa, astig! salamat nga pala sa pagbisita sa site ko, nagulat ako na isang lethalverses ang bumibisita sa site ko, isang karangalan po.

princess_dyanie said...

napanood ko to nung binati yung eb babes nina vic na 2 yrs na sla. sabi pa ni vic, "ano 2 yrs na sila? di pa rin sabay sabay sumayaw?" hahahaha! :P

.::. Vanny .:. said...

achus! hehe. reminiscing moments.. ^__^

nakidalaw lang at nakikulit.. :D

napunding alitaptap... said...

AWWWWWWW. . .haha, naramdaman kita dito, naramdaman ko kayo. hehe...

hmmmmmmmm, wala, awwwwwwwww. . .yun lan talaga masasabi ko!

flyfly!