Saturday, April 19, 2008
_inaing
kung maaari lang sanang lunurin
ng ice blended pure chocolate
ang hinaing ko'y
oorder na ako ng isang dagat nito.
kung kaya lamang sagutin
ng dunhill lights
ang mga katanungan ko'y
susunugin ko na ang baga ko.
kung sana'y napapakalma lamang
ng coffee shop na ito
ang balisang kaisipan ko'y
dito na ako maninirahan.
...at sana'y katulad ka na lamang
ng lamig ng yelo,
ng usok ng sigarilyo,
at ng atmospera ng lugar na ito:
na kayang malusaw ng panahon,
kayang maglaho sa hangin,
at kayang talikuran sa pag-alis.
...NGUNIT higit ka pa sa mga ito,
pagkat ang inumin ko'y iiiihi ko lamang
at ang yosi'y ibubuga ko lamang
at ang lugar na ito'y iiwan ko lamang
at bukas, limot ko ng dumaan
ang mga ito sa aking panahon.
subalit ang IKAW ay mananatiling bahagi
ng minsanang kasaysayan ko
na nangarap, umasam
na ikaw sana
ang siyang
kahati.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
22 comments:
ang galing nmn gumawa ng tula!
~napacomment lang!~
soooooover akong nafeel ang emotions behind ng tula mo.ang galing,wala na naman ako masabi sa talento mo.
pero ano ang nasa likod ng title?iniisip ko baka typo pero naisip ko din na sa ibang posts mo pa lang maingat ang mga salita.share naman dyan...
hmmm... maari ko bang punuan na lang ang kalungkutang iyong nararamdaman... :P
nako naman. may ganun talaga. dunhill frost ako. alam ko dunhill karin. bili mo ko ah. hehe.
hayz... ow well... para makalimot... tara laro nalang tayu ulet. hindi na talaga ako maiiwan. nyahahahha...
Hmmm... bakit walang H ung "_inaing"?
AT SINO ANG NANAKIT NG PUSO MO?????
kung sino man, siya, it's her loss.
sakin ka na lang hehe...
...im back sa comment. binasa ko ulit at may napansin ako:
makulit ang style ng tula mo,pero grabe pa din sa lalim. sana'y mapunan ko ang kalungkutan mo hihi
pwede ring S-inaing? D-inaing? corny. hahaha. =D
ang ganda ng mga images sa tula! :D
@eloiski: salamat sa pagdaan, nakita ko din blog mo, mas malupit!!!
@beatrice: "sooover" - grabe sa term hehe.
@shayleigh: wow, sure! haha.. kaya lang masakit pa din puso ko hehe..
@pb: haha dunhill ka ba? kala ko marlboro lights ka.
@gdude: Hmmmm. HaHaHa. Hindi ko Ho alam parekoy. a girl Hurts me, at di nya to alam :(
@canadian: haha pede din sana. kaya lang minsan lang ako magmahal (naks)
@rj: ayos talaga mga comments mo, isa sa mga inaabangan ko yan hehe
@lingling: wow, at least kahit image man lang maganda hehe.. tnx tnx.
matanong lang:
ang girl din ba itong ang inalayan mo nung air i breathe?
...how sad.
...NGUNIT higit ka pa sa mga ito,
pagkat ang inumin ko'y iiiihi ko lamang
at ang yosi'y ibubuga ko lamang
at ang lugar na ito'y iiwan ko lamang
at bukas, limot ko ng dumaan
ang mga ito sa aking panahon.
subalit ang IKAW ay mananatiling bahagi
ng minsanang kasaysayan ko
na nangarap, umasam
na ikaw sana
ang siyang
kahati.
== fave part ko
... hay... i dunno what to say kasi hindi naman kita macocontrol sa kung ano dapat mong gawin diba... kung si juday nga nakahanap din ng para sa kanya sa loob ng ilang taon--worth it naman daw... o malay mo diba? ano ba pinagssbi ko!?!??!?!?!?!
dre, wag ka ng malungkot kung sino man cause niyan.look at you, sa talent pa lang umaapaw na,gwaping ka pa daw pala in person.inuman na lang dre...
TAGAY NA!!!
Ano na namang kadramahan ito pare?!! Iinom na lang natin iyan...Hehehe
sino naman nagsabing lights ako? haha. mentol ako. kahit anong menthol. kapag me pera ako na galing naman talaga sa magulang ko eh dunhil binibili ko. hihi. kapag kapos eh marlboro mentol. yeah. penge ako isang rim, haburdey ko naman eh. haha!
ang galing! ang ganda!
nakakakilig isipin na may ganitong mode ka din pala.
sana makilala pa kita.
pero di muna ako handang makipagkilala.
anlabo ko.
hehe.
Papa Sherwin,
May bago namang napupusuan. Alam ko! :D
Mahal mo na nga eh!
@rhea: hahaha hmmm... hindi ko sasabihing "OO" wehehehe...
@toxic: e baka naman si juday din ang makakatuluyan ko pala samdey? hehe
@mishell: sige tagay na!!! try natin ang baygon at gin?
@espie: hahaha lam mo na, senti mode pare mo e. balik na lang tayo sa inuman natin sa 11th floor?
@pb: mah prend, ang marlboro menthol ay lights din. tama ba?
@anonymous: anlabo nga, hahahaha... jk.
@j.bo: hahaha you have no idea, mah prend! wehehehe....
malay mo=p
@pb may menthol ba ang marlboro? ang alam ko lang kasi ung pula, saka ung marlboro lights... napaisip lang ako...
Pare.. "SINAING" ba ang title nito? hehehe...ganyan naman talaga eh, lagi na lang ikaw ang nagsasaing pero iba ang kumakain.. hahaha..!! Magsaing ka na lang uli.=)
Post a Comment