kagaya noong katabi kita
na kahit sandali lamang na oras,
ay naging kabuuan na
ng aking 'sanlinggo.
kagaya noong kausap kita
na kahit kunwa'y nagpapatawa lamang,
ay pinipigil namang isambibig
ang aking damdamin.
kagaya noong kasabay kita
na bagama't natotorpe ako'y,
nangagahas namang sumulyap
sa kamandag ng iyong kagandahan.
ngunit sana'y alaala ka na lamang
na kaya kong iuwi,
at makasama
anumang oras kong hanapin.
pagka't kaya kong tawaging akin
ang isang alaala,
...ngunit hindi ang iyong ngiti,
ang iyong ganda,
ang IKAW,
at ang aking panaginip.
Monday, April 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
34 comments:
AYOS!!! nauna ako.namiss ko ang internet dahil sa blog na ito.
! paano mo nagagawa ang mga ganitong poems? yung bang hahanga ka sa pagiisip ng writer, madadala ka sa ganda at originality ng style pero mararamdaman mo din ang nararamdaman ng writer. ang galing mo pre....
ang sweet naman nakakakilig!sana ako na lang ang babae dito,kahit di mo na sabihin TAYO na agad hihi..
blog hopping!
galing galing!! nakacapture talaga ng words yung message na gusto mong iconvey.. "tipong, oo nga noh?! bat di ko naisip yun?"
heheh.. palakpak palakpak
Ligawan mo na kase. Baka mawala pa yan ikaw din. Nasa huli ang pagsisisi.
HUWAG MO LIGAWAN!!!! ako na lang ligawan mo hehe. ang galing mo pa din at ang dami mo ng fans. nababasa ba ng inspiration mo dito ang mga sinusulat mo?
This will be my first comment kaya memorable ito. I learned this blog from my manager last month because she clipped your poem "for the air I breathe"...
And I'll do the same in this poem if you would not mind. Nakarelate ako kasi, at oo nga bakit hindi ko naisip 'yun.
ang totoo nyan, si lethalverses ay {deleted by the author} kaya ang nangyari ay {deleted by the author}!!!
panalo ang tula! :D
abah... gumaganun...
can't afford humiling, mahal pa bigas. refrain na muna sa mga "sana.."
ayus ang poem. naalala ko tuloi yung pinopoblema ko na sana eh nasa utak lang sya nag-eexist.. galing mo mag-remind. apir!
is there a letter H??? LOL
@mkmre: haha nde ako nakakahanga, nakakatakot lang. ; )
@canadianpinay: anong tayo na? bakit nakaupo ba tayo? wehehehe corny
@ayzprincess: salamat sa pagdaan...
@gasdude: ...parang what went wrong stage pa din kasi hehe
@beatrice: oo liligawan kita sana, kaya lang sya ang gusto ko hehe
@anonymous 1: woow talaga? san ang office nyo? sweet.
@chrone: tado!!!
@lingling: salamat!
@ruthan: oo, gumaganun nga hehe
@anonymous 2: hahaha adik!! kilala kita! itatago kita sa pangalang ATEA ORTIZ!!!
sweet naman...
kung sino man siya, woot uy o sweet2 na ni lethal o... pansinin mo raw...
wag na mag what went wrong...
'sana'y alaala na lang na maaring angkinin' wow! malufet!
pero na-confused ako... kasi... wag na lang... paguguluhin ko lang kasi... di ko nga mailagay sa tamang salita ang naiisip ko, haaay!!!
Everytime nababasa ko mga bago mong sinusulat at nakikita kong sikat ka na,makes me proud na nakilala kita in person!Kahit college pa tayo noon at probably hindi mo din naman ako natatandaan nga lang.Ako ang friend ni M__, yung campaign manager mong patay na patay sa'iyo hihi.Sana lang di niya mabasa toh no.
Tinext ako kagabi na may bago ka na palang post - kaya eto ako kahit late dumating sa office blog mo agad pinuntahan!
Yan ka e, napupuno na ang cubicle ko sa clippings ng mga tula mo.
Teka, may copyright ba ang mga ito? Baka idemanda mo ko nyan hihi
galing ng pagkakasulat..swerte naman nung girlaloo...bakit pala hindi mo ligawan?? bakit hangang pangarap lang sya?? ...bakit????..hehe...ang sweet ha=)
Lethal talaga. Bagay na bagay sa pangalan. Maganda ang pagkakagawa, solido ang tema. Nadarama ko ang halaga ng bawat alaala na naiipakita dito.
Astounding. I give it a bajillion starssss.
HAHAHA KILALA KO ANG BABAENG TINUTUKOY DITO HAHAHAHA... kilala ko lang pala sa pangalan, hindi ko pa nakikita personal HAHAHAHAHAHA... :D
looks like sikat ka na talaga sherwin.
..e pano na mapapansin ang isang tulad ko? pero serious mode,nakakakilig ang tula.napakasweet.swerte niya,bakit hindi ba niya alam?
kinakalat na ni rhea ang bago mong blog kala niya hindi pa namin alam hahaha.hoy rhea,sumb0ng kita kay M_ _ E dahil binibisto mo siya
2too naman noh..remember noong muntik ng hindi makapagenroll si M_ dahil hinihintay niya kung kailan din mageenroll si sherwin?kasama ka namin nun,dumiretso pa nga tayo kila cha.
sweetness... minsan ba naaalala mo ang mga nakalimutan mo na? hihi. ako naman sana makalimot na sa mga pangyayaring ikasasama lang ng damdamin ko. haha. drama. haha.
Kung sino mang dilag ang tinutukoy dito, ang tanging masasabi ko lang ay napaka swerte nya, sapagkat nakuha nya ang puso at panlasa ng may akda..
bagay na bagay ang pangalan mo sayo. Lethal verses. Makamandag na mga berso. Kalunod eh!
:P Tiga-Marilao ako (pero tubong Bocaue). Ikaw?!
wow I didnt know ganito pala katalented ang officemate ko!!!
^aww_so_sweet^
LV: Oi, seryosong tao ako!!!
Hmmmm... seryoso k nga!
Kilala ko to Papa!!!
I know her!!!
Alam namin ni Teya! Kusa mo nang inamin eh!
@ steph : haha tapos na ang what went strong stage ko, si gdude naman ngayon ang sumisigaw nun
@shayleigh : bakit ka confused? babae na din type mo? hehe
@rhea : grrr sinong rhea ba kasi ikaw?
@mishel : sino nagtext sayo?
@ dra rio : haha torpe kasi akong tao :D
@ mariano : haha bajillion? mas malaki pa ito sa googolplex?
@ disipulo : haha at kilala din kita!!!
@christine : haha nde ako sikat...
@gracelovesdodie : hmmm nahihiwagaan na ko sa inyo ni rhea.. JPIA din ba kayo?
@pb : pero minsan may mga gusto kang wag alalahanin pero naaalala mo pa...
@espie : wooow lalim mo tol!!! musta naman si eunsil mo? hehehe
@utakgago : mali lang ispeling ko, dapat littleversus (corny). Baliuag ako.
@anonymous : hmmm sino kaya ang opismeyt ko na to? pero hulaan ko, opismeyt kita!!! tama?
@jimg : oi start ko ang collab natin nila jeck once lumuwag sked ko at gumana na utak ko (which is rare, actually)
@j.bo/j.bo tibo : hahaha inamin? kulit nyo ni tea pag nagalit un hahaha
wow bigat nito repa... ayows!!!
nakakalungkot. i can feel it.
Post a Comment