Wednesday, March 26, 2008

ang bagyo'y naisisilid pala sa bote



ano bang meron
sa mga botelyang plastik
na matiyaga mong inaasam
hinahanap,
diyan sa esterong maputik
sa gitna ng nagngangalit na bagyo,
naghuhumiyaw na hangin,
at kutya ng mga nandidiring mata?

ang mga iyan ba’y iyong hahabiin
upang gawing palamuti
sa hapis mong katawan
kasama ng disenyo nitong
grasa at lupa?

o iya’y lilikhain mong
isang magarbong arko
na magsasalba sa’yo
sa dumarating na unos
na ikaw lamang ang siyang nakaaalam?

sabihin mo sa akin,
ilang kilong mga botelya pa ba
ang ‘yong kailangang tipunin
upang sumapat na kapalit
ng ilang butil na kanin
at tira-tirang ulam
na kagyat mong pampawi
sa nalulusaw mong sikmura?

hindi ka na ba naaawa
sa iyong sarili
o nakararamdam ng pagod man lamang,
upang ang bagyong ito’y iyong suungin
mapulot lamang ang isang botelyang
naghihintay sa’yo
sa gitna ng kalsada?

o marahil ay lumuluha kang talaga:
ngunit ang mga luha mong
dapat sana’y lilinis sa mapait mong kalooban
ay inanod na din
ng mga patak ng ulan,
kasama
ang hibla
ng nalalabi mong pag-asa?

...at pagdating ng bukas
kung saan tapos na ang iyong unos,
ay iaalay ko ang tulang ito
tungkol sa iyong naging buhay
na inukit, itinakda
ng malaman mong

ang bagyo'y
naisisilid pala sa bote.



*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 08.09.07

10 comments:

Anonymous said...

awrightie!de first comment's mine!


ang lalim,san mo nakukuha ang talent?at galing din ng photography mo huh.

chroneicon said...

sabi ko naman sa iyo baguhin mo ang titulo. pasaway! hahaha, joke lang lv. idol ka talaga, ikaw na ang bagong April Boy!

Anonymous said...

i hope you still remembered me but anyway, someone told me you're writing again. i missed those days. i'll always be here in your blogg, thanks ; )

Anonymous said...

bravo. no wonder bilis mong sumikat. keep it up!

Anonymous said...

..i wonder what anonymous has to say with this one now.but i admired lethal for his professionalism,decency and of course-the overwhelming talent.

Anonymous said...

this is great,truly eye-opener.

Rio said...

galing mo naman nagsulat ng tual..paturo naman,!=)

Rio said...

uulitin ko..mali mali e..sabi ko ang galing mo namang magsulat ng tula..paturo naman po=)hehehe

lethalverses said...

thanks!
@canadian - wow, congrats.. and you won... uhmm, congrats na lang :D
@chrone- hehe lam mo na, weakness ko talaga ang titles...
@rhea- uhmm banez? pascual? tolentino? villamin?
@mkmre- haha wish ko lang, sikat nga hahaha
@beatrice- hmm namiss ko na nga si anonymous. frankly, he talks with sense and depth too.
@anonymous- thanks, at least it served its purpose.
@dra rio- salamat! hmm and ganda naman ng smile mo hehe

Anonymous said...

i'm soooo impressed! too bad ngayon ko lang nadiscover blog mo.