Friday, 7 March 2008

Untitled 235

tinawag kita ngunit di ka lumingon
hanggang maglaho ang iyong anino
at mawala ang mga yabag
na tuluyang naakit
at sumunod
sa disyertong
inuri mong may mas mainam na pangako.

gusto kong humabol
ngunit mabigat ang aking mga paa’t
takot
na baka mapuwing
sa mga banyagang buhanging
inangkin mong iyo.

4 comments:

-*trixie*- said...

lalim!!!! pota di ko maarok! lupit mo tsong!!! galeng galeng!!! *lovestruck*

gracelynlovesdodie said...

kilala ko yata kung para kanino itoh hihi..mmmwah another one of your greatness - poetry.

jeck said...

astig. ang galing mo palang tumula. magkakasundo tayo dyan. hehe

ayos dito sa blog mo. patambay minsan ah.

lethalverses said...

haha salamat trixie, di ka pa din nagbabago haha.. umm gracelyn? florentino??? wow, kagulat naman!
anytime jeck, para saan pa't naging idol kita ;) may pakape pa para sayo hehe