Friday, March 14, 2008

sa batang nagtitinda ng diyaryo sa EDSA


sa pagbagal ng aming sinasakya’y
di naiwasang panoorin ko
ang kahanga-hanga mong kakayahan
at liksi
habang tinatawid mo
ang kalsadang ito
na nagsilbing iyong tahanan
at paraiso
ng iyong mga
kalakal na tabloid at
broadsheets…

kinain na ba ng gutom
ang iyong takot
kung kaya’t di mo alintana
ang mga panganib
na alay
ng mga de-bakal na hayop
na humahabi sa kalsadang ito?

o ang takot mo’y binulag na
ng sarili mong damdamin
na itinakwil ang sarili mong
mga pangarap;
kung kaya’t ang kamataya’y
isang matamis na ring palamuti
sa buhay mong
ni ga-hiblang kulay
ay wala ng mabanaag?

NGUNIT sa di sinasadyang paglingon mo
sa aking kinaroroonan,
ay nasilip ko
na sa likod
ng mga humpak mong pisngi
at yayat na katawa’y
naririyan pa rin
ang iyong nasa
na may mailaman man lamang
sa inaagnas mong sikmura.

NGUNIT patawad,
ang barya ko’y di rin naman sapat
upang makabili man lamang
ng kahit isang dahon
ng iyong mga kalakal…

kaya’t ihahatid na lamang kita ng tanaw
habang muli kang pumalaot
at sumayaw
sa muling pagtakbo
ng aming mga sasakyan…

AT hindi na rin ako magugulat
na sa mga darating na bukas
ay datnan kitang
muling nakapalaot
…ngunit sa pagkakataong iyon
ay ikaw na ang nasa ilalim ng
iyong mga paninda
habang nakabulagta sa iyong paraiso

at GANAP nang IISA
ang IKAW
at ang itinitinda mong mga DIYARYO…





*originally submitted for and published at emanilapoetry.com, 06.01.06

11 comments:

Anonymous said...

more! more! more!! welcome back tyler!!!

lethalverses said...

salamat!!! at sana nagpapakilala hehe... gamit ko pa din ang "tyler", paminsan-minsan nga lang.

Anonymous said...

im soooo impressed!!!

Anonymous said...

Great blog,Im sure it reflects who you really are:Very talented,smart,cunning,others-concious,and with great sense of humor.

JIMG29 said...

jawdropping verses...nakakakilabot ka.

Anonymous said...

stinging rhymes, eye-opening experience, very intellectually written. what can I say? you really are a great poet. Can I post this on our community newspaper here, with due credits for you?

i'm darreline, not a blogger but a pinoy community editor.

Anonymous said...

heto pang isa,paano mong nagagawang sumulat ng ganito?you must be the envy of your flock:so talented.keep it up!

Anonymous said...

ganda naman ng poem na to. :)
marami na akong nakitang mga batang tulad nito, and it breaks my heart to see them work so hard to earn for a living. :(

*thanks sa pag-visit mo lagi sa blog ko. add kita sa blogroll ko ha? :)

Anonymous said...

sure, add din kita! shalamat!

UtakMunggo said...

karumal-dumal ang ending, pero naramdaman ko ang naramdaman mo habang sinusulat mo ito.

i shall return.

:)

UtakMunggo said...

karumal-dumal ang ending, pero naramdaman ko ang naramdaman mo habang sinusulat mo ito.

i shall return.

:)