baka naman nahihibang ka lang
pagkat hindi naman libre
ang mga buwis
ng mga mahihirap.
hindi mo ba batid?
na ang bawat kusing
na pambuwis
ng mga pabrika't korporasyon
ay mga libag at kalyo
ng mga hampas-lupa't
patay gutom?
baka naman nabubulagan ka lang
pagkat hindi totoong
laging may pagkain
ang mga inday at neneng
na inalila't hinalay
ng mga panginoong
inabuso't pinaglaruan
ang mga karukhaa't pagkabusabos.
baka naman di ka nag-iisip lang
pagkat mahirap maging mangmang
at umasa sa mga pantas
na nag-iisip ma'y ang hinahabi naman
ay mga banig ng kasakiman
at nakahandang sugpuin
ang mga ulong
nakangiti sa kamatayan.
o nag-iilusyon ka lang
pagkat anong ikaliligtas
ng mga sikmurang
kundi man papel o damo
ay lupa ang nilalamon?…
ngunit marahil nga'y TAMA ka;
mapapalad ang mga mahihirap,
ang mga dukha KAHAPON
pagkat ngayo'y di na nila
dama ang gutom,
wala na ang pagkit
na kaapihan,
napawi na ang pagkaalipin,
…at bukas,
di na nila makikita ang umaga.
2 comments:
this is the reason why i always bring camera with me when i am in manila. there are many sights that can really touch your heart...
nice... ganda nmn... dati din akong gumagawa ng ganyan... wala lng time... pero dahil sa ginawa mo... nainspire tuloy ako... ahaha...
pero ganda talga ng sagot mo sa poem nya... da best...
Post a Comment